Allen Dizon is director Joel Lamangan’s "favorite" actor in his advocacy films

Allen Dizon plays a philandering husband in the indie film Migrante. This is Allen’s fifth film with director Joel Lamangan.


Masaya si Allen Dizon ngayong magkakasunod ang paglabas niya sa mga teleserye, katulad ng kasalukuyang umeereng Princess and I at ang nauna ritong Nasaan Ka Elisa, parehong sa ABS-CBN.

"Aaminin ko, magandang source of income ang paggawa ng teleseryes at nagpapasalamat ako sa ABS-CBN," sabi ni Allen sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pero higit daw ang fulfillment niya sa paggawa ng indie movies, katulad ng karaniwang nababanggit ng mga serious actors na tulad niya.

"Fulfilling dahil nagagawa mo ang iba’t ibang roles na hindi mo magagawa masyado sa TV o sa commercial movie projects.

"’Tapos, napapansin ang akting mo, nanu-nominate ka."

Ilang beses na ring nanalo ng acting awards si Allen for appearing mostly in indie projects; such as Twilight Dancers (2006) by director Mel Chionglo and Joel Lamangan’s Dukot (2009), among others.

Nakausap ng PEP si Allen sa Philippine premiere ng kanyang pinakabagong indie-lead starrer, ang Migrante (The Filipino Diaspora).

Ginanap ang premiere sa Robinsons Galleria Cinema 5 noong Linggo, July 15.

Ang direktor ni Allen sa pelikulang ito, na tungkol sa mga migrant workers o OFWs sa Israel, ay si Direk Joel din.

Si Lamangan din ang nag-handle sa aktor sa ipinanalo niyang Dukot, na ang kuwento ay tungkol sa extra-judicial killings, o ang binansagang "salvage."

Naging tampok din si Allen sa iba pang advocacy films ni Joel Lamangan: Sigwa (2010), bilang isang NPA; Deadline (2011), as a journalist; at Patikul (2011), as an illiterate Muslim father.

Ayon sa aktor, "Mostly mga advocacy films ang idinidirek na indie films ni Direk Joel.

“Mahalaga ang mga ito para sa manonood, para mas mamulat sila sa realidad na nangyayari ngayon sa society natin."

PHILANDERING HUSBAND. Before and after the premiere screening ay eksklusibong nakausap ng PEP si Allen.

Ang topic ay Migrante, kung saan papel ng OFW ang ginagampanan niya.

Si Jodi Sta. Maria ang gumaganap bilang kanyang misis, na naunang magpupunta ng Israel para magtrabaho, pero kalunus-lunos ang sinapit doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Allen, "Yung role ko dito, medyo salbahe. Before yun. Nambababae, nagpapabaya sa trabaho kahit may asawa.

"Sa bandang huli, bumawi yung character ko. Bumawi ako at naging mabuti akong asawa.

“Naging mabait ako dahil mahirap ang naranasan ng asawa ko.

"Parang kailangang baguhin ko dahil may pamilya kami. E, kailangan buo yung pamilya."

Hindi na muna nag-elaborate ang aktor dahil magiging “spoiler” daw ang mga sasabihin niya.

"Based on true events ang kuwento," sabi lang niya.

Si Bonifacio "Boni" Ilagan ang sumulat ng screenplay.

ON BEING OFW. Ayon pa kay Allen, "Para sa akin, mahirap maging OFW.

“Parang hindi ko ma-imagine ang sarili kong maging OFW ako ngayon.

"Siguro before, nung time na mahirap ang buhay talaga, nung time na walang trabaho [sa showbiz], siguro nag-OFW ako."

At muli, binanggit ni Allen ang kahalagahan ng kasalukuyan niyang okupasyon bilang aktor.

’’Yun ang kasarapan ng pagiging artista, lahat kaya mong ma-experience. Lahat kaya mong gampanan.

"Kumbaga, nagiging mahirap ka, mayaman ka, OFW ka, aktibista ka... lahat ng role kaya mong gawin.

"Kaya mong maging sa pelikula, kaya ang sarap ng trabaho namin.

"Lahat ng kaya mong ibigay sa pagiging artista mo, kaya mo, nagagawa mo sa pelikula.

"First time kong gawin ito na OFW ako sa pelikula."

OBRERO. Ang susunod na gagawin ni Allen ay ang pelikulang Obrero, na si Joel Lamangan din ang magdidirek.

Papel ng isang labor leader ang role ni Allen, ayon sa nabalitaan din ng PEP.

Nais din ba ni Allen na makatrabaho ang iba pang mahuhusay na direktor, bukod kay Lamangan?

"Open naman ako to work with other directors," aniya. "Para ma-experience ko rin yung ibang style ng ibang direktor.

"I’ve worked with Direk Mel Chionglo before. And sa TV, iba rin ang mga nagiging direktor ko."

Sa ngayon, pahinga muna si Allen sa pagte-taping ng Princess And I, dahil naka-focus daw ang kuwento nito sa mga kabataang artista ng serye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN