Gerald Anderson on Sarah Geronimo’s wish for her birthday—freedom: "Kung yun po ang wish niya talaga, sana maibigay sa kanya."

Gerald Anderson on courting Sarah Geronimo: “Ito po yung first time ko talaga na manligaw na parang ganito talaga. It’s a new experience for me, and I’m just happy na pinayagan naman po ako. At ang ending po namin, we became good friends. So, panalo ako."


Magandang pagkakataon para kay Gerald Anderson na makatulong sa kawanggawa, kasabay na rin ng paglalaro ng paborito niyang basketball.

Na siyang nangyari nang maimbitahan siya at ilan pang Kapamilya artists ni Aurora Representative Juan Edgardo “Sonny” Angara para sa isang basketball game for charity.

Ginanap ang event sa Manila Boys’ Town Complex sa Parang, Marikina, noong July 14. Bahagi ito ng selebrasyon ng ika-40 kaarawan ng kongresista noong July 15.

Kasama ni Gerald na naglaro bilang bahagi ng Kapamilya team sina Rayver Cruz, Fred Payawan, Joung JV, Joe Vargas, at iba pa nilang kabarkada.

Kabilang ang kapatid ni Gerald na si Kenneth Alex Anderson.

Nakalaban nila ang team ni Congressman Angara na kinabibilangan ng mga kabataan ng Boys Town.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gerald pagkatapos ng basketball game.

Sinabi ng aktor na nag-enjoy siya sa paglalaro kahit na nga natalo ang team nila ng mga taga-Boys Town.

Sabi ni Gerald, “Nakakatuwa, di ba? Kumbaga, sanay kami na nagba-basketball kami, pero iba yung… mas fulfilling pag ganito yung ginagawa namin for them.

"Yun nga, kahit konting saya yung nakuha nila sa amin, kahit naglaro kami ng sandali lang, sobrang nakakatuwa, sobrang fulfilling.

“Actually, noong in-invite ako at sinabing Boys Town at maglalaro kami kasama ng mga bata, umoo agad ako.

"Sabi ko nga sa kanila, ‘Hey, punta na tayo doon. Makipaglaro tayo sa mga bata.’

"Happy din ako na kasama ko si Rayver, ang kapatid ko, at saka lahat ng mga kaibigan namin.”

NO ISSUE WITH RAYVER. Sa pagsasama nina Gerald at Rayver sa naturang charity event, pinatunayan nila na walang isyu sa pagitan nilang dalawa at magkaibigan pa rin sila sa kabila ng pagkakaugnay nila sa iisang babae—kay Sarah Geronimo.

Si Rayver ang dating nobyo ni Sarah, habang si Gerald naman ang bagong manliligaw ngayon ng tinaguriang Popstar Princess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Depensa ni Gerald, “Okay naman kami ni Rayver. Walang isyu sa amin ever."

Tinukso pa nga ni Gerald si Rayver na, “O, kumusta raw si Cristine?”

Si Cristine Reyes ang girlfriend ngayon ni Rayver.

IT MIGHT BE YOU. Speaking of Sarah, hanggang ngayon ay puno pa rin ng papuri si Gerald sa Popstar Princess dahil sa matagumpay nitong concert sa Araneta Coliseum noong July 7.

“Sobrang galing, sobrang galing niya! Like I said, nalampasan niya po ang expectations ng lahat,” sabi ng young actor.

Hindi rin makalimutan ni Gerald ang naganap sa concert, kung saan nilapitan siya ni Sarah sa kinauupuan niya, habang kumakanta ito ng "It Might Be You."

Kinilig ba si Gerald dito?

“Siyempre, kinilig po ako. Kumbaga, sabay-sabay kami ng buong Araneta na kinilig, e.

"Like I said, sobra pong nakakatuwa and I’m just there to show my support as a friend. And I’m just really happy.

"Siyempre po, nakakatuwa, ang ganda po ng gesture ni Sarah doon na ginawa niya roon.”

Ano ang masasabi niya na tila siya ang pinatatamaan ni Sarah sa kantang "It Might Be You"?

“Marami pong ibig sabihin ang ’It Might Be You.’ Siyempre, si Sarah na po ang dapat sumagot nun.

"Kumbaga, I was just there to support her,” sabi ni Gerald.

Sa tingin ba niya, "it might be him" na talaga para kay Sarah?

Natawa muna si Gerald bago nakasagot, “Tanungin po natin siya!

"Kumbaga, right now, ang pinakaimportante ay we stay as friends, and alam naman niya na nandito ako kapag may problema siya.

"I’m here as a friend and I’m just happy."

Ano naman ang masasabi niya sa birthday wish ni Sarah? Noong concert ay sinabi nitong "freedom" ang gusto niya.

“You know, marami rin pong ibig sabihin ang freedom din. Hindi naman po porke’t freedom ay magbu-boyfriend na kaagad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, one person has to stand on her own, be independent, be matured and, alam mo yun, yung kaya ang sarili niya bago pumasok sa isang relasyon, di ba?

"So, kung yun po ang wish niya talaga, sana maibigay sa kanya.

"Before yung mga materyal na bagay, kahit sabihin natin na boyfriend pa or isang karelasyon—yun [freedom] po muna ang ibigay natin sa kanya.”


STILL IN COURTING STAGE. Mas open na ngayon si Gerald na pag-usapan ang panliligaw niya kay Sarah.

Bakit ganito na siya ngayon kumpara noon sa ibang niligawan niya?

“Siyempre po, hindi ko itatago iyon. Kumbaga, ako po, open din ako sa mga posibleng mangyari.

"I just want to be mature. I’m just happy na I have the chance para mas makilala siya.”

On a scale of 1 to 10, anong level na ang closeness nila?

“As friends? Siguro eight. Bilang friends ha, bilang friends,” paglilinaw ni Gerald.

“Gusto ko ten e. So, let’s see.”

Gaano kaespesyal ba si Sarah sa kanya?

“Napakaespesyal talaga ni Sarah. She’s very genuine at sobra pong bait niya.

"Ang suwerte ko na, yun nga… puwede kong sabihin at ipagyabang na kaibigan ko si Sarah Geronimo.”

Nakakadalaw pa ba siya sa bahay nina Sarah?

“Lately, hindi po, e. Kasi siyempre, alam din po natin na busy si Sarah. Kaya minsan pag nagkikita sa ABS, ayun, catch up-catch up.”

Sa halos anim na buwan niyang panliligaw kay Sarah, ito na ba ang pinakamatagal na panahon na nanligaw siya ng babae?

Sagot ni Gerald, “Ito po yung first time ko talaga na manligaw na parang ganito talaga.

"It’s a new experience for me, and I’m just happy na pinayagan naman po ako.

"At ang ending po namin, we became good friends. So, panalo ako.

"Like I said kanina, ang sarap, kasi puwede kong sabihin sa mga tao na kaibigan ko si Sarah Geronimo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GIFT FOR SARAH. Sa July 25 ay 24th birthday na ni Sarah. Kaya ang tanong ng PEP kay Gerald ay kung may regalo na ba siya para sa kanyang nililigawan?

“Secret,” pag-iwas ni Gerald. “Malayo pa naman. Malayo pa.”

Pero may plano na ba siya para sa birthday ni Sarah?

“Siyempre, hindi ko muna sasabihin. Kumbaga, siyempre as a friend, may mga… may gift, of course.

"She’s very special to me.”

Birthday message niya para kay Sarah?

“Happy birthday, Sarah! I wish you the best, you and your family. And more blessings!

"Happy birthday!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN