Gladys Reyes on biggest lesson all stars should learn from Dolphy: "Yung humility, na kahit gaano na kalaki yung na-achieve niya, humble na humble pa rin siya.”

Gladys Reyes is among those who believe that there is only one Dolphy. She enumerates Dolphy’s exemplary traits: “Yung humility, na kahit gaano na kalaki yung na-achieve niya, humble na humble pa rin siya.”


Kabilang si Gladys Reyes sa mga artistang nagbigay-pugay sa labi ni Dolphy sa isinagawang necrological service sa Dolphy Theater ng ABS-CBN noong July 11, isang araw matapos pumanaw ng Comedy King.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gladys, ikinuwento ng aktres kung paano niya nakilala nang personal ang legendary actor.

“Nagkaroon ako ng pagkakataong makatrabaho siya sa Home Along Da Riles,” simula niyang kuwento.

“Ang hindi ko makakalimutan… kasi siyempre Tito Dolphy na yun. Parang wala naman siyang time manood, di ba?

“Malay ko namang kilala niya ako? Sa isip-isip ko, hindi niya ako kilala.

“Nagulat ako, tinawag niya, first name, ‘Gladys!’ Grabe! Sobrang tuwang-tuwa ako.

"Hindi ko makakalimutan yun, grabe!

“Saka yung sincerity niya sa pakikipag-usap sa isang tao… hindi kami ganun ka-close at first time namin to work together, pero ramdam na ramdam ko yung sincerity niya.

"At kung meron mang dapat matutunan ang mga artista ngayon, lalo na yung mga bago, yung humility, na kahit gaano na kalaki yung na-achieve niya, humble na humble pa rin siya,” pagsasalarawan niya sa Comedy King.

FOLLOW THE FOOTSTEPS. Meron ba siyang nakikitaan ng pagiging isang Dolphy sa mga artista ngayon o doon sa mga kaedad niyang mga artista?

“Siyempre, yun pa ring mga tinitingala natin, ’ginagalang natin, gaya nina Ate Vi [Vilma Santos], Ate Guy… si Miss Nora Aunor na hanggang ngayon hiyang-hiya pa rin, di ba?

“Lalo na pag ini-interview mo. Ako, na-interview ko na si Ate Guy sa Moments."

Ang Moments ang talk show ni Gladys sa Net 25.

“Parang hindi pa rin pumapasok sa utak nila yung achievements nila.

“Di ba, ang dami nating nababalitaan na bago pa lang sumisikat at nagmamaldita na mga ganyan, na kailangan may sarili ng tent?

“Kung sino pa yung may napatunayan, may marka na at may sarili nang… kumbaga institusyon na sa industriya, sila pa yung walang kaere-ere.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya saludung-saludo ako sa kanila.”

LEGACY. Nakaka-frustrate ba na ang isang mabuti at professional na tao gaya ni Dolphy ay pumanaw na?

“Ay, hindi. Hindi frustrate yung tamang word, e.

"Ako, parang sobrang lungkot, kahit dati pa nilang sinasabi ’yan na wala na si Tito Dolphy.

“Alam naman nating labas-masok siya sa ospital, iba pa rin pala talaga yung wala na.

“Hindi mo na makikita yung katawang lupa niya, hindi mo na makakasalubong sa hallway o hindi mo na makakatrabaho.

“Iba pa rin yung wala na at sa Sunday ililibing na siya, never mo na siya talagang makikita sa TV, sa mga interviews.

"Sobra talagang lungkot.

“Napaiyak kami talaga ni Christopher [Roxas, her husband] noong pinapanood namin yung past movies niya, TVs niya, yung mga interviews niya—sobra kaming naiyak talaga.

“Hindi namin napigilan. To think na hindi naman kami sobrang nagkaroon ng encounter na grabeng close…

“Pero iba talaga ang presence ni Tito Dolphy, e.”

ROLE MODEL. Hindi man komedyante si Gladys, pero meron ba siyang nakuha o natutunan sa pag-atake ni Tito Dolphy sa kanyang trabaho, sa bawat pelikula, movies, at roles na ginagampanan niya?

“Alam mo, sa comedy, ang importante, timing. Yun ang meron si Tito Dolphy, perfect timing sa pagpapatawa.

“Saka hindi naman niya sinasadyang magpatawa minsan, e. Pero pag nagkita mo, instant, e."

Siguro talagang born comedian si Dolphy, bagamat may seryosong side siya talaga. Hindi siya laging patawa lang.

“May sense yung pagpapatawa niya," pagsang-ayon ni Gladys.

Sa palagay niya kaya ay meron pang artistang makakatanggap ng ganito kalaking pagpapahalaga ng buong sambayanang Pilipino?

“Kung ang pag-uusapan natin ay King of Comedy, wala na talaga. Isa na lang yun—si Tito Dolphy lang yun.

“Talagang mananatili na lang yun kay Tito Dolphy.

“Maaaring magkakaroon ng ibang title na ganun, pero para sabihin mong may maaring pumalit sa kanya as King of Comedy, the second, wala na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa kanya na yun, kanyang-kanya na yung titulong yun!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN