Jackie Rice consistently in FHM’s top 100 sexiest since 2006, rises to top 7 in 2012

Jackie Rice should be doubly happy in 2012. Aside from the top seventh slot in FHM’s 100 sexiest women, she also graces it’s cover this July. For the honor, she says: “Happy ako kasi first time po nilang mag-cover ng artista. Usually, sa 100 Sexiest, ang cover, model.”


Seksing-seksi rumampa ang actress-model na si Jackie Rice sa maikling shorts na suot niya sa victory party ng FHM’s 100 Sexiest Women in the World 2012 sa World Trade Center noong Huwebes, July 12.

Para kay Jackie, mas confident na siya sa pagrampa ngayon, at masaya rin sa naging ranking niya bilang pang-pito sa pinaka-seksing babae ng 2012.

GOING UP. Last year, nakapasok din siya sa ika-siyam, pero mas masaya siya ngayon na nasa Top 7 siya.

Ayon kay Jackie, “Haping-happy talaga ’ko ngayon. Actually, last year, okay na, pero ngayon, mas masaya kasi pang-seven. Kapuso talaga.”

“Actually, yung makasama ka lang sa Top 10, masaya na ‘ko. Since 2006, pasok na ako sa 100 Sexiest. Tapos ngayon, seven na.

“Pataas nang pataas, so, happy na ako roon.”

Inamin naman ni Jackie na tulad ng ibang nakapasok sa Top 10, sinubok din niyang mangampanya na iboto siya.

“Nag-try ako. Yung family and friends ko, tumulong sila. Meron din sa fan page ko sa Facebook, tumulong din po sila.”

Sa susunod na taon, posible bang mas i-career pa niya ang pangangampanya?

“Sana… sana,” nakangiti niyang sabi, “gusto kong tumaas pa.”

Si Jackie rin ang cover ng 100 Sexiest ngayong July issue, na bihirang gawin ng FHM.

“Happy ako kasi, first time po nilang mag-cover ng artista. Usually, sa 100 Sexiest, ang cover, model. So, natutuwa naman po ako.”

CONFIDENT. Maituturing din daw ni Jackie na sexiest cover na niya ang kanyang ginawa.

“Mas ready kasi ako nang mag-cover ako rito. Siguro kasi, mas confident din ako ngayon.

“Mas handa na ako, physically and emotionally, at masaya ako noong ginawa ko ‘to.”

MATURE CHARACTER. Napapanood pa rin sa afternoon prime time ng GMA-7 ang Kasalanan Bang Ibigin Ka?

Masaya niyang sinabi na, “Happy po kami sa show. Lalo na ako, kasi so far, mataas naman po ang rating namin.

“At pagkatapos po, mas gumaganda ang story.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kwento niya, “Yung samahán po namin, co-workers and staff, mas lumalalim.

“Tumatagal na rin kaya masaya po talaga. Tinuturuan nila ko.”

Maituturing ni Jackie na pinaka-adult na karakter ang ginawa niya sa Kasalanan Bang Ibigin Ka?

“Actually po, mahal na mahal ko yung Eden, yung character ko sa Sisid. Pero, mas mahal ko yung ngayon.

“Siyempre, kung ano ang meron ako ngayon, minamahal ko talaga. Actually, ang hirap maka-get over doon sa Sisid.

“So, I’m sure, mas mahihirapan ako maka-get over dito.”

Sa teleserye, nakarelasyon niya pareho ang real-life na mag-amang sina Michael de Mesa at Geoff Eigenmann.

Pero sa dalawa, kanino siya nagiging close?

“Pareho naman sila. Pero mas nakakatrabaho ko more often si Direk Michael,” ayon kay Jackie.

“Kasi, ’kinasal na kami sa story. So, siguro po, yun din ang dapat nilang abangan…

“Kung papaano ang pagmamahalan namin ni Jake, which is Geoff sa story.

“Abangan nila yun kasi, ang pinili ko, utak. Hindi puso. So, dapat po nilang abangan yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN