Judy Ann Santos recalls casual mall meetings with Dolphy leading to their friendship

Judy Ann Santos recalls the times she and Ryan Agoncillo would bump into their Tito Dolphy at a mall and discuss movies. Dolphy even congratulated them on a movie she and Ryan starred in. “Si Dolphy yung nagbigay ng confirmation na yun, na mahusay naman pala yung trabaho namin… Makakatulog kami nang maayos.”


Mugto ang mga mata ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa pakikidalamhati sa yumaong Dolphy nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Isa si Juday sa mga nakiramay sa pamilya Quizon noong Huwebes, July 12, sa wake ng Comedy King na si Dolphy, sa Heritage Memorial Park, Taguig City.

Inamin ni Juday na hindi siya naging malapit kay Dolphy, pero ikinuwento niya kung paano naging memorable sa kanila ng mister niyang si Ryan Agoncillo ang legendary comedian.

“Kami naman ni Tito Dolphy, hindi kami nag-chance na maging close-close-close talaga kagaya noong kay Tatay Ron,” simula niyang pagtatapat. Ang tinutukoy niyang Tatay Ron ay is Fernando Poe Jr., o Ronnie Poe.

“Pero maraming beses kaming nagkikita sa Rockwell kapag nanonood kami ng sine.

“Nagkakasalubong kami hanggang, weekly, nagkikita na kami sa Rockwell.

“Tapos, siya na yung magsa-suggest na, ‘O, ‘etong pelikulang ito, maganda yan. Ano na ba yung napanood ninyo?’

“May mga ganyang exchange na ng reviews ng mga movies, kasi ang hilig talaga ni Tito Dolphy ay pelikula…

“Hanggang sa ipalabas yung KKK [Kasal, Kasali, Kasalo] at SSS [Sakal, Sakali, Saklolo]. Isa siya mga taong nagsabi na, ‘O, napanood ko yung pelikula niyo—mahusay—Congratulations!’

“Para sa amin ni Rye [tawag ni Juday kay Ryan], malaking bagay na si Tito Dolphy ang nagbanggit sa amin, nagsabi sa amin, na mahusay…

“Dahil noong time na yun, wala kaming tiwala sa trabaho namin, bilang mag-boyfriend pa lang kami nun.

“Si Dolphy yung nagbigay ng confirmation na yun, na mahusay naman pala yung trabaho namin… Makakatulog kami nang maayos.”

CROSSOVER. Nang gabing nakiramay si Juday, ang host sa lamay ng Comedy King ay ang TV5. Kilala namang artista ng ABS-CBN si Juday.

Ngunit hindi ito ang kauna-unahang pagdalo ni Juday sa mga kaganapan ng TV5 kahit may kontrata siya sa ABS-CBN.

Ang unang pagtawid ng aktres ay sa programa ng Megastar na si Sharon Cuneta. Nag-guest si Juday sa Sharon: Kasama Mo Kapatid!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa isang kaibigan, walang hindi susuungin si Juday kahit malagay siya sa alanganing sitwasyon.

“Oo naman! Wala naman akong problema, e!

“Wala naman akong problema sa pagtawid. Hindi naman sa hindi ako exclusive or something.

“But ako kasi yung isa sa mga taong hindi talaga naniniwala sa network war.

“Pagdating sa pagkakaibigan, hindi ko iniisip yung pinag-tatrabahuhan namin.

“Kasi yung pagmamahal ko naman sa kaibigan ko, hindi naman naka-kontrata sa kahit na anong network, di ba?

“So, it’s beyond work, it’s beyond professionalism. When I work, I work. When I love, I really love.”

MORE THAN FRIENDSHIP. Pag nagdesisyon si Juday, pinaninindigan niya ito, lalo na kung para sa isang kaibigan.

“E, kasi ang pagkakaibigan naman, hindi naman nabibili at napapantayan. Hindi siya napipili.

“So, ang trabaho, maaaring traydurin ka one of these days… hindi mo masabi.

“Pero alam mo sa sarili mo na may kaibigan ka. Maari ka rin namang traydurin ng kaibigan mo, pero ipinagdadasal mo na sana ay huwag.

“Pero, ako kasi, palagi akong naniniwala na propesyunal akong makipagtrabaho, pero ang pagmamahal ko…hindi yun nahahati ng pagiging magkaiba ninyo ng istasyon.”

“Mahal na mahal ko ang sister kong si Juday,” ang madalas sabihin ng Megastar sa tuwing mababanggit at mapag-uusapan si Juday.

“Mahal na mahal ko rin naman si Ate!” mabilis na balik ni Juday.

Nililinaw ni Juday na hindi naman niya bina-bypass o binabale-wala ang ABS-CBN sa kanyang mga pagtawid sa kalabang istasyon.

“Hindi naman… saka with ABS naman they understand naman. As long as it’s with Ate [Sharon] or with Ryan or…

“Wala namang… basta, wala namang katapat na show ko, it’s okey. They have nothing against it.

“They understand naman if it’s for my loved ones, they will allow it,” esplika niya.

TWITTER BASHERS. Pagdating naman sa panaka-nakang giyera ni Sharon sa mga bashers niya sa Twitter, paano sinusuportahan ni Juday ang kanyang Ate?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isa kasi ako sa talagang nakakakilala kay Ate, e. Kaya kahit anong paliwanag ang gawin ko sa mga taong hindi nakakaintindi sa kanya…

“Wala naman silang ibang gagawin kundi hindi pa rin siya intindihin, di ba? Kaya ipagdasal na lang sila.

“Ganun naman talaga, iba-ibang tao—iba-ibang opinyon. Hindi natin puwedeng ipilit ang gusto natin sa kanila kasi yun na yun e… respetuhan na lang.

“Pero sa akin, konting respeto na lang sa kung ano yung tunay na nararamdaman noong tao, kasi hindi naman nila alam yung pinagmumulan.

“Kung hindi nila alam at puro talak sila sa opinyon nila, I think it’s much better tumahimik na lang, kasi nakaka-aggravate lang ng sitwasyon.

“Pero kung masaya silang nakaka-aggravate sila ng sitwasyon, siguro pag nangyari sa kanila yun…

“Mare-realize nila na, ‘Ay, ’eto pala yung sinasabi nila na baka bumalik sa akin yung mga nangyayari.’ Yung mga ganun.”

Pero pinagsasabihan ba niya si Sharon na huwag na lang siyang pumatol sa Twitter bashers?

“Alam naman ni Ate yun, e. Ahmm… siyempre, may mga emosyon talaga na hindi mo puwedeng pigilan.

“Lalo na kapag may mga tao sa paligid mo na naaagrabyado. Hindi mo talaga maiiwasan.

“Sadyang ganoon lang talaga, and since siya ay si Megastar, lahat ng gawin niya, ke-tama o mali, mali pa rin sa paningin ng iba.”

May Twitter account ba si Juday?

“Wala!” mabilis na sagot ni Juday habang nangingiti. “Kaya payapa!”

MORE PROJECTS. Ibinalita naman ni Juday na nagsimula na ang taping ng bago niyang teleserye sa Kapamilya Network na Against All Odds noong Miyerkules.

Ang taping ang dahilan kung bakit hindi nakapunta si Juday sa Dolphy theater noong July 11, na nasundan uli ng taping niya noong Huwebes, July 12.

Hindi naman makapagbigay ng kumpirmasyon si Juday tungkol sa balitang isang movie project ang pagsasamahan nilang muli ni Sharon matapos ang Magkapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala pang napag-uusapan pero both parties naman… Of course, I’m more than willing to do the movie.

“Mahirap lang maghanap na tugma ang story para sa aming dalawa.

“Kasi ano pa bang puwedeng makaka-top sa Magkapatid, di ba?

“Ang hirap kumumada ng ibang klaseng istorya na medyo puwedeng pambawi sa Magkapatid,” pagtatapos niya sa panayam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN