Helen Gamboa’s portrayal of Donya Margaret in Walang Hanggan drew positive feedback

Pagtatapat ni Helen Gamboa, maging sa bahay ay nadadala na niya ang kanyang karakter bilang si Donya Margaret: “Paminsan binibiro ako ni Ciara, ‘Andito pala si Donya Margaret.’ Si Tito Sen [Tito Sotto] naman, natatawa siya. ‘Ano ba ’yan? Naaawa na ako sa Ate Henia [Susan Roces] mo!’”


Patuloy ang mataas na ratings at pangunguna sa primetime ng ABS-CBN drama series na Walang Hanggan.

Dahil dito, nagpapasalamat ang isa cast members ng teleserye na si Helen Gamboa, na gumaganap bilang ang kontrabidang si Donya Margaret.

Saad niya, “Siyempre ecstatic ako, elated, and of course, I give back also all the glory to God for putting this show.

“Kasi from the time they conceptualized this teleserye, hangga’t sa nabuo, kaming mga magkakasama—ako, si Susan [Roces], si Dawn [Zulueta], Richard [Gomez], si Coco [Martin], lahat... lahat ng mga kabataan—lahat kami parang nagkaisa na we will put or we will give our best para sa teleseryeng ito.

“Unang-una, napakaganda ng istorya. Pangalawa, siguro yung chemistry naming mga magkakasama.

“Tapos yung samahan na para talaga kaming tunay na pamilya.

“Yung pagtanggap ng tao sa teleserye namin has inspired me more to do my best.

“Kaya lahat kami, nagkaisa kami na mas pagbutihin namin yung pagganap namin para matuwa ang mga manonood."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Helen sa thanksgiving party ng Walang Hanggan noong Lunes ng gabi, July 16, sa The Gallery ng Richmonde Hotel sa Eastwood, Libis, Quezon City.


AUDIENCE ACCEPTANCE. Nagpapasalamat si Helen na bagamat kontrabida ang role niya sa Walang Hanggan ay tanggap at minamahal pa rin siya ng publiko.

Kuwento ng beteranang aktres, “When I go to the mall, wala nang tumatawag sa akin ng Helen, puro ’Donya Margaret’ na.

“Ang ipinagpapasalamat ko, sabi ko nga, ’Pasensiya na kayo sa pagiging maldita ko sa Walang Hanggan.’

“Sabi nila, ‘Hindi, idol ka namin. We love you.’

"Sabi ko naman, ‘Ay, salamat.’

“Kasi baka mamaya may mambato sa akin, pero hindi naman siguro.

“Of course, our audience, ang mga kababayan natin, they’re all very intelligent, alam naman nila na teleserye lang ito.”

Kahit sa pamilya Sotto ay suportado at proud ang lahat sa magaling na pagganap ni Helen bilang Donya Margaret.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Helen, “Paminsan binibiro ako ni Ciara, ‘Andito pala si Donya Margaret.’

"Si Tito Sen [Tito Sotto] naman natatawa siya. ’Ano ba ’yan? Naaawa na ako sa Ate Henia mo!’

"Sabi ko naman, ‘Ano ka ba? Yun ang dapat kong gawin, kailangan yun sa eksena.’"

Ang Ate Henia na tinutukoy ni Helen sa kanyang kuwento ay ang role na ginagampanan ni Susan Roces.

Patuloy niya, “Yung mga anak ko sinasabi sa akin na natatawa sila pag nakikita nila ako, kasi daw I’m not like that at home: ’We’re proud of you that you live the role.’”


GRATEFUL. Pinasalamatan din ni Helen si Ms. Charo Santos-Concio, presidente ng ABS-CBN, dahil ito ang naghimok sa kanya para tanggapin ang nasabing role.

“Ay, tuwang-tuwa kami na yung presidente ng ABS is here and she’s very supportive.

"Talagang kasama siya sa brains behind this successful teleserye. Siya yung unang nag-encourage sa akin.

"Nung ginawa ko yung Tayong Dalawa, medyo maldita na ako dun, pero heto, mas malala.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Charo, I will always be grateful to you.’

“Sabi kasi niya, tanggapin ko raw and she’s right, it’s really worth it. I’m happy to play Margaret.

“I’m also thankful na lahat ng ginagawa ko sa ABS, talagang laging number one kaya thank you, Lord.”

SHARON’S VISIT. Marami naman ang natuwa sa pagbabati ni Helen at ng pamangkin niyang si Sharon Cuneta pagtapos ng ilang taong tampuhan.

Masayang ikinuwento ng veteran actress na dumalaw na sa bahay nila kamakailan ang Megastar.

“Oh, yes, nasa bahay siya nung isang araw and I’m so happy.

“Kumbaga, hindi mo maaalis ang misunderstanding, but it was just a mere misunderstanding noon.

“Pero alam mo si Sharon, parang anak ko na ’yan kaya no matter what happened, hindi maaaring hindi ko talaga patawarin kasi mahal na mahal ko ’yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maski ano ang mangyari, hindi magbabago yun. Alam niya na siya ang panganay kong anak.”

Napakaganda ng aura ng beteranang aktres at, ayon sa kanya, ito ay dahil sa positibong pananaw niya sa buhay.

“Siguro tulad ng sinasabi ko in the past, I can’t ever thank the Lord enough.

“Lahat ng binibigay Niya, blessings... Ke nagkasakit ka, nalungkot ka, ke may nangyaring di maganda, dapat i-treat mo as a blessing, and then you give back the glory to God.”

NATIONAL ARTIST AWARD. Sa pagpanaw ng Comedy King na si Dolphy, isa si Helen sa nagluksa lalo’t naging malapit silang magkaibigan.

“Ang dami naming nagawang pelikula ni Dolphy.

“Nung pumunta ako sa wake, napaiyak ako kasi nag-flashback sa akin yung pinagsamahan namin. I learned a lot from him.

“Bata pa ako nung pi-nair [paired] ako sa kanya, naalala ko yung humility niya, yung generosity niya... hindi ko malilimutan yun.

“Siya lang ang nag-iisang Dolphy sa buong mundo, nobody can replace him."

Nagbigay rin ng kanyang opinyon si Helen tungkol sa hindi pa naipagkakaloob na National Artist award kay Dolphy.

“Alam mo, with due respect to those artists na nabigyan na, pero talagang karapat-dapat sila Dolphy at FPJ.

“Na-mention nga na kung ayaw nila, maski kami sa movie industry na lang.

“Alam naman ng buong Pilipinas na he’s the only Comedy King," sabi ni Helen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN