Dennis Rodman wants to meet his father Philander Rodman Jr.; says he does not hate him

“I don’t hate the guy that brought me into this world. I don’t hate him…I hope that he stop by the game, check me, and that would be cool,” NBA great and Hall of Famer Dennis Rodman said about his father, Philander Rodman, Jr. Dennis is in the country with other NBA greats to play a game with our very own basketball greats Jojo Lastimosa, Vince Hizon, and Jerry Codiñera.


Nasa bansa ngayon ang National Basketball Association (NBA) superstar na si Dennis Rodman, kasama sina Scotty Pippen, Horace Grant, Mitch Richmond, at iba pang NBA greats.

Gaganapin kasi bukas ng gabi, July 18, ang PLDT All-Star Basketball Challenge sa Mall Of Asia Arena.

Dito ay makikipaglaro sila sa ating Philippine Basketball Association (PBA) greats, na tulad nina Jojo Lastimosa, Vince Hizon, Jerry Codiñera, Bong Hawkins, Kenneth Duremdes, Nelson Asaytono, Bal David, EJ Feihl, at Noli Locsin.

Pangalawang pagkakataon na ni Dennis sa bansa.

Huling tumapak sa Pilipinas ang seven-time NBA All-Defensive First Team honoree nung 2006, nang maglaro ito ng exhibition game sa ating local players.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis kung ano ang masasabi niya tungkol sa Pilipinas sa kanyang pagbabalik.

“Well, the same when I left it,” sagot ng 51-year-old NBA legend, na ikinatawa ng iba pang media na nasa presscon, na ginanap sa Mall of Asia Arena, kahapon, July 17.

“You gotta say, ’I love this place,’ but what the hell...” pahabol pa niyang pagbibiro.

“No… It’s a pleasure to always come back here. Thank you, all of you guys in Manila that fly out.

"My so-called father lives here. I’ll be surprised if he shows his face here.

“But, what I gotta say is, it’s always great to come to a great venue, great city, great atmosphere… that people actually love the game of basketball.

“Then you got some great players up here,” sabay turo ni Rodman kina Lastimosa, Hizon, Codiñera, at Hawkins, na naroon din sa presscon.

Biniro pa niya ang local players natin na willing daw makipaglaro sa kanila kahit na “out-of-shape.”

Halata kasi ang mga nananambok na tiyan nina Codiñera at Lastimosa.

“Where’s the buffet?” biro pa uli niya kina Lastimosa, na unang bumati at nakipagbiruan sa kanya nung dumating na siya sa venue ng presscon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HATED HIS FATHER. Matapos na magbiro, nag-follow-up question ang PEP sa two-time NBA Defensive Player of the Year.

Hanggang ngayon ba’y galit siya sa binanggit niyang “my so-called father” na si Philander Rodman, Jr.?

Si Philander ay isang U.S. Air Force pilot. Iniwan nito ang ina ni Dennis na si Shirley at si Dennis din nang limang taon pa lamang ito.

Nang matapos ni Philander ang tour of duty nito sa Vietnam noong early 1970s, nanirahan ito nang tuluyan sa Angeles City, Pampanga, at nagkaanak sa iba’t ibang babae.

Ayon kay Dennis noon, 47 lahat-lahat ang anak ni Philander.

Pero pagtutuwid ni Philander sa isang interview rito nung nakaraang taon, 29 lang ang anak niya mula sa 16 na babae.

Sa 1997 biography ni Dennis na Bad As I Wanna Be, inihayag ni Dennis ang pagkadismaya at galit kay Philander.

“I haven’t seen my father in more than thirty years, so what’s there to miss?

"I just look at it like this: Some man brought me into this world. That doesn’t mean I have a father,” ani Dennis sa kanyang biography.

Maging sa kanyang speech nang mailuklok na siya sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame nung 2011, sinabi niya na wala siyang ama at galit siya rito magpahanggang ngayon.

NO MORE HATE? Pero nang seryosong sagutin na ni Dennis ang tanong ng PEP kung galit pa ito sa kanyang ama, iba na ang pahayag nito.

“I don’t hate the guy that brought me to this world. I don’t hate him,” ani Dennis tungkol sa kanyang ama.

Kung makakausap nga raw niya ito, sasabihin niyang hindi siya galit dito.

“I don’t hate anybody in the world. And like I’ve said, he has kids here, he’s doing very well, he seems complete.”

Nagpahayag pa si Dennis ng kagustuhang makita ang kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I hope that he stop by the game, check me, and that would be cool.”

FUN GAME. Nangako naman ng isang magandang laro si Rodman, lalo na’t talagang in-shape na raw siya, pati na ang mga kasama niya.

“It’s gonna be fun. I’m in shape. We’re all in shape.

“It’s gonna be more fun, less weight, more speed. It’s gonna be fun,” sabi ng NBA great na nakilala sa alyas nitong “The Worm” at sa pagkakaroon ng reputasyon bilang “Bad Boy of the NBA.”

Ngayong mas may edad na siya’t mas mature sa kanyang pananaw sa buhay, masasabi ba niyang nag-mellow na siya sa kanyang paraan ng paglalaro?

“Mellow? Wait ’till the game…wait ’till the game…” nasabi na lang ng makulay na personalidad na si Dennis Rodman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN