Charee Pineda not in a hurry to get married despite engagement

Handa na ang Kapamilya actress na si Charee Pineda para sa kanyang mas mature na role sa afternoon soap na Angelito Ang Bagong Yugto. Bagamat may maseselan siyang eksena kasama ang bidang si JM de Guzman, tiniyak ni Charee sa kanyang fiancé na trabaho lamang ito.


Masaya na pressured si Charee Pineda sa pagsisimula ng Angelito Ang Bagong Yugto.

Ito ang ikalawang aklat ng matagumpay na afternoon drama series ng ABS-CBN na Angelito ang Batang Ama, na pinagbibidahan nila nina JM de Guzman at Kaye Abad.

Sinabi ni Charee sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kagabi, Hulyo 17, na ang challenge sa kanila ay malampasan ang tagumpay na naabot ng Book 1 ng kanilang palabas.

Gayunman, hindi raw siya nahirapang gumanap bilang si Rosalie, ang nanay ni Jun-Jun, na anak niya kay Angelito (JM).

Hindi raw kasi nalalayo ang pamilya niya sa pamilyang mayroon ang kanyang karakter.

“Kasi makapamilya ako, e,” nakangiting sabi ni Charee nang makapanayam namin siya sa Dolphy Theater, sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

“Medyo malapit siya kung ano yung pamilya namin doon at sa pamilya ni Rosalie.

“At saka medyo may pagka-nanay kasi ako, pati sa mga kapatid ko, kaya hindi ako masyadong nahirapan. Mas kumportable na.

"Yun lang, mas kailangan mag-effort kasi mas mabibigat na yung eksenang gagawin namin,” sabi nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

BIKINI SCENE. Hindi naman naiwasan ng Kapamilya actress na matawa nang tanungin namin ang tungkol sa kanyang "pool scene" kasama si JM.

Naka two-piece red bikini kasi si Charee doon, na hindi madalas makita sa mga karakter na ginagampanan niya noon.

“Nagkasakit ako after, kaya may sakit ako ngayon!” sabi ni Charee, sabay halakhak.

Pero pagpapatuloy niya, “Ang laki ko talaga sa screen, yun talaga ang problema ko kaya kailangan ko mag-lose ng weight.

“Hindi naman nahirapan, kasi nagbi-bikini naman ako, e. Makapal mukha ko, e!

“Pero siyempre, pag sa screen, ayos lang naman. Pero siyempre, hindi naman parang bastos yung kinalabasan.

"Maganda naman yung concept ng show at yung pagkaka-execute sa eksena.

“So, okay lang sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka basta naman ang scene nasa pool or nasa beach, okay lang naman kasi yun naman talaga ang isinusuot—swimwear naman talaga siya.”

Medyo sexy ang eksenang ito, pero hindi raw siya pinagbawalan ng kanyang fiancé na gawin ito.

Dagdag ni Charee, naiintindihan ng kanyang kasintahan ang kanyang trabaho, lalo na’t noong nagkakilala sila ay artista na siya.

Ngunit inamin ng aktres na hindi maiwasan ng kanyang nobyo na magselos sa ilang mga eksena nila ni JM.

Kaya pinayuhan na lamang niya itong huwag manood ng Angelito o magbasa ng social networking sites.

“Kasi siyempre, maapektuhan talaga, hindi siya makakatulong," sabi ni Charee.

THE ENGAGEMENT. Napag-usapan na rin lamang ang kanyang non-showbiz boyfriend, inalam ng PEP kay Charee kung paano nangyari ang engagement nila.

Matatandaan kasi na noong Hunyo 7 ay lumabas sa PEP Alerts na engaged na ang Kapamilya actress.

Sinabi ni Charee na "Eric" ang pangalan ng kanyang nobyo, pero tumanggi na siyang sabihin ang last name nito dahil wala naman daw ito sa showbiz.

Kuwento ni Charee, “We went to Hong Kong nung June, kasama ang family, tapos kasama nga yung boyfriend ko at saka yung brother niya.

“Tapos doon siya nangyari aboard PAL, full pack yung ano [flight]…

"Tapos yun nga, happy lang yung feeling, na-surprise.

“Hindi nga ako naiyak kasi late na nag-sink in sa akin, nung tapos na tsaka ako naiyak.

“Pero ang sarap ng feeling, dream come true ng lahat ng babae yun, e.”

NO BIG DEAL. Anim na buwan pa lamang ang relasyon nila ni Eric, kaya naman maski si Charee ay nabilisan sa mga pangyayari.

Pero kahit ganun, “long engagement” naman daw ang mangyayari sa kanila. At ang engagement daw na ito ay “reassurance of love” lamang sa pagitan nila.

“Hindi ko bini-big deal, parang okay, engaged na ako.

“Kasi long engagement naman, e, hindi naman ibig sabihin na na-engage ka, e, ikakasal ka na agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Uhm, yung proposal, parang naging usapan siya, na parang mas seryosong commitment.

"Pero yung kasal, sobrang wala pang napag-uusapan.

“At saka kasi ako, kapag nag-boyfriend ako, hindi ako nagbo-boyfriend for fun lang or masabi lang na may boyfriend ako ngayon.

"Gusto ko laging may potential na… yung may qualities na puwede maging asawa or husband.

“Wala akong nakikitang masama or hindi big deal sa akin yung enagagement.

"Kasi parang pini-feel lang namin yung relationship at saka ang dami pang puwedeng mangyari in the future.

“So, hindi ko ginagawang big deal.”

Hindi rin naman isyu sa kanyang pamilya ang engagement ni Charee sa edad na 21.

Ayon sa Angelito star, bukod sa binibigyan siya ng kanyang mga magulang ng laya na magdesisyon para sa sarili niya, gusto rin ng mga ito si Eric.

Kung ang epekto ng long engagement na ito sa kanyang showbiz career naman ang pag-uusapan, hindi raw natatakot si Charee sa magiging pagtanggap ng tao.

Aniya, “Kung maapektuhan man siya, siguro yun talaga ang path ko, siguro hindi naman ako… lahat kasi inaano ko sa prayer, e.

“Kung maapektuhan siya, siguro ganun talaga siya, hindi siguro ako mapi-feel bad.

“Kasi, siguro may ibang career para sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN