Ynna Asistio expected the dismissal of libel suit filed by Annabelle Rama against her

"Kahit anong ibato niya sa akin, at alam kong hawak ko ang totoo at wala po akong ginagawang masama, handa po akong lumaban at humarap sa kanya. In the end naman po, the truth will prevail," sabi ni Ynna Asistio matapos ma-dismiss ang libel case na pinayl laban sa kanya ng kanyang sariling talent manager na si Annabelle Rama.


Noong July 16, 2012, ibinasura ng Makati City Prosecutor’s Office ang kasong libelo na isinampa ng talent manager na si Annabelle Rama laban sa kanyang sariling talent na si Ynna Asistio.

Kasama rin sa idinemanda ni Annabelle ang entertainment editor ng Bulgar na si Janice Navida.

Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng email, ang reaksiyon ni Ynna tungkol sa pagkaka-dismiss ng 20-million libel suit na isinampa ni Annabelle laban sa kanya.

LIBEL DISMISSED. Sagot ng 20-year-old Kapuso talent, “Sobrang saya ko po dahil alam ko naman po na wala akong ginawang masama.

"At kahit anong interview ko po, never naman akong nagsalita ng sobrang sama about her.”

Inasahan ba ni Ynna na madi-dismiss ang kaso?

“Opo, inasahan ko dahil, unang-una, sumagot lang ako sa mga tanong sa akin.

“At pangalawa, sigurado po ako sa mga binitiwan kong salita.

“In-explain ko lang po ang side namin nang hindi nakakasakit.”

Sa palagay ba ni Ynna ay vindicated na siya?

“Yes, siyempre naman po!

“Alam kong tapos na po ito at wala akong ginawang masama, kung hindi magsabi lang ng mga totoo ko pong naramdaman at naranasan.”

Tapos na ang laban?

“Para sa libel, tapos na po.

PERJURY CASE STILL ON. "Kasi po kinasuhan niya naman po ako ng perjury, sa Pasig naman po. Hindi ko po alam bakit.

“At sa edad ko pong ito, wala akong alam sa mga ibinibintang niya po sa akin.

“At hindi ko po alam kung ano ang gusto mangyari ni Tita Annabelle.

“Ang sa akin lang po, kahit anong ibato niya sa akin, at alam kong hawak ko ang totoo at wala po akong ginagawang masama, handa po akong lumaban at humarap sa kanya.

“In the end naman po, the truth will prevail.”

Ano ang suporta na ipinapakita nila sa isa’t isa ng kanyang ina na si Nadia Montenegro, na kaalitan din ni Annabelle?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng klaseng suporta na po.

Sabi ni Ynna, “Pangit man po na nadamay ako, pero kailangan kong suportahan ang nanay ko at pamilya ko dahil hindi po talaga biro ang lahat ng ginagawa niya sa amin.

“Basta magpapakatatag po kami hanggang ipakita namin sa buong mundo na nagsasabi kami ng totoo.

“At lumalaban po kami para sa tama.”

May mensahe ba si Ynna para kay Annabelle? Sa pamilya Gutierrez?

“Ang masasabi ko lang po, kung ayaw po nila ng nasasaktan, sinisiraan, at nababastos ang kanilang buong pamilya, huwag po nilang gawin sa iba.

“In short, ‘Do not do unto others what you don’t want others to do unto you!’

“Iyon lang po,” sabi niya.


NADIA’S REACTION. Sa pamamagitan naman ng Facebook ay hiningi rin ng PEP ang reaksiyon ni Nadia Montenegro sa pagkaka-dismiss ng libel suit na isinampa ni Annabelle laban sa kanyang anak.

“Napakasaya ko, lalo na for Ynna,” sagot ni Nadia.

“Priority namin ng mga lawyers ang unahin at i-prioritize ang mga kaso ni Ynna, kasi alam namin it’s pure harassment at talagang idinamay lang ang anak ko.

“Gusto lang siyang pahirapan at siraan.

“Like what I’ve said, pinapasa-Diyos naming lahat at alam kong naririnig at alam Niya ang totoo.

“Isusugal namin ang buhay namin ni Boy [Asistio, Nadia’s partner] dahil alam naming hinding-hindi magsasalita ang anak namin ng ganun.

“Pinalaki namin sila na may respeto sa lahat… Bata, matanda, mahirap o mayaman ang kaharap nila, kailangang respetuhin ang lahat.

“Lalung-lalo na si Ynna! Sigurado ako sa anak ko.

“Hindi niya kayang magbitiw ng mga ganung words. Magagalang at mababait ang mga anak namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN