Mylene Dizon on recent breakup with Ira Cruz: “Well, we tried to make it work, pero hindi na siya nagwo-work, so itinigil na namin rather than waste each other’s time.”

Mylene Dizon (left) plays a nun in the Cinemalaya entry Aparisyon, where she co-stars with Jodi Sta. Maria. Mylene on her role: “First time kong madre, first time ko magsuot ng habit, pero hindi ko siya kaya… mainit. Mahirap, mahirap maging madre… ang daming limitations."


Kinumpirma ni Mylene Dizon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na break na sila ng boyfriend niyang si Ira Cruz pagkatapos ng dalawang taon.

Si Ira ang dating gitarista ng bandang Bamboo.

Bago ang breakup nilang ito ay nagkahiwalay na rin sila noon.

Pagkatapos ng unang breakup nila, nagkarelasyon si Mylene sa aktor na si Paolo Paraiso. Nagkaroon sila ng dalawang anak.

Si Ira naman ay naging kasintahan ng TV host na si Phoemela Baranda.

Nang matapos pareho ang mga relasyon nilang ito ay nagkabalikang muli sina Mylene at Ira.

Ngunit sa huli, nagdesisyon din silang maghiwalay ulit.


MUTUAL DECISION. Ayon kay Mylene, "mutual decision" ang tapusin na ang kanilang relasyon ni Ira.

“Hiwalay na kami ni Ira. After two years of being together, heto, dating gawi.

“Well, we tried to make it work, pero hindi na siya nagwo-work, so ’tinigil na namin rather than waste each other’s time," sabi ng aktres, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng indie film na Aparisyon noong July 12.

Kumusta naman siya ngayon?

“Wala akong lovelife, I am dating, I am single.

"Actually, nagde-date na ako—non-showbiz," pag-amin niya.

Kinumusta rin namin sa aktres ang dalawang anak nila ni Paolo.

“Yung dalawang bata, they’re very healthy, and I’m thankful for that and masaya ang dalawang bata.

“Kami ni Paolo, wala naman kaming issues tungkol sa kung saan mapupunta ang mga bata.

“The kids are with me and puwede niyang puntahan anytime he wants.”

Hindi kaya sa bandang huli ay sila pa rin pala ng aktor ang magkatuluyan?

“Me and Paolo? Hindi na siguro. I think we tried it also and it didn’t work.

“Ano na ako ngayon, definite ako sa mga bagay.

"Huwag na tayo easy-easy, wala nang maybe-maybe… Pag wala, wala.”

NEW RELATIONSHIP. Bukas ba si Mylene sa panibagong pakikipagrelasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t think I’m ready, not yet. I think I’d like to take a break from this.

“I’m actually enjoying myself being single, I’m having fun.

“I travel a lot, I do things I’ve always wanted to do, nagse-surfing ako."

Ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki? Showbiz o non-showbiz?

“Non-showbiz? Well, hindi naman ako picky, pero I guess it’s better because it’s something complicated pag kasama ko sa trabaho ang aking dine-date.

“I want stability, I want security, and I want a tall, guwapo man, stable, sweet, secured.

“Kaya nahihirapang humanap ang babae kasi yun ang hinahanap ng lahat, e!" tawa niya.

APARISYON. Sa Aparisyon, na entry sa Cinemalaya ngayong taon, ay gaganap si Mylene bilang isang madre, si Sister Remy.

Kasama niya rito sina Jodi Sta. Maria, Racquel Villavicencio, Fides Cuyugan-Asensio, at Rustica Carpio.

Ito ay mula sa direksiyon ni Vincent Sandoval.

Ayon kay Mylene, hindi biro ang maging madre.

“First time kong madre, first time ko magsuot ng habit [kasuotan ng mga madre], pero hindi ko siya kaya… mainit.

“Mahirap, mahirap maging madre… ang daming limitations.

“Like I’ve said earlier, this is something you’re born to and you’re called for it.

“Hindi ito yung, ‘Ay, magma-madre ako today.’"

Dagdag niya, “Hindi ka naman talaga makakagawa ng research kasi bawat order, may kanya-kanya silang rules na sinusunod.

“Vincent made up a role na para hindi naman masabi na pina-pattern namin sa isang [religious] order.

“Ang direktor, ayaw ng masyadong maraming talkies, so puro mata.

“Mahirap, kasi minsan kailangan mong iklaro sa kanya, ‘What do you want this scene to convey?

“’What do you want this scene to say ba? If there’s not so much words to say or there’s not so much actions, how am I going to do it?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Pa’no natin mahahatid?’

"It’s a different film from other films that you’ve seen.

“It’s something you really have to watch and observe—kakaiba ang tema niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN