Coco Martin pays it forward to the indie film community; encourages mainstream stars to try indie films

Before getting an offer to be part of the Cinemalaya 2012 entry Sta. Niña, Coco Martin said, “Nalulungkot nga ako kasi parang bakit hindi na ako gaaanong kinukuha. Bakit parang wala nang nag-a-approach sa akin kung puwede ba ako roon sa pelikula nila.”


Sa kabila ng kanyang busy schedule ay pinilit daw talaga ni Coco Martin na maisingit ang paggawa niya ng indie film na Sta. Niña, isang entry sa 2012 Cinemalaya Independent Film Festival.

Bukod sa teleseryeng Walang Hanggan, abala rin noon ang award-winning actor sa pelikula nila ni Angeline Quinto, ang Born To Love You.

Bagamat pagod, hindi naman ito ininda ni Coco dahil masarap daw ang pakiramdam na muli siyang naging parte ng isang independently produced film.

“Ang sarap… never kong naramdaman yung pagod.

"Pag passion kasi, wala… Kumbaga, ginagawa mo ito dahil nag-e-enjoy ka, e,” sabi ni Coco nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference ng Sta. Niña kagabi, July 17.

Kahit mas madalas na siyang nagiging bahagi ng mainstream movies, hindi naman daw siya nanibago nang mag-umpisa siya sa Sta. Niña.

“Actually, natakot ako na baka mamaya mahirapan akong bumalik, ibang-iba kasi ang paggawa ng indie.

“Pero noong first day ko, sabi ko, hindi pala ako nawala kasi naramdaman ko yung kung paano yung gawin, kung paano yung atake.”

Halos dalawang taon na rin ang nakalilipas mula nang makagawa ng indie film si Coco. Ang huli niyang ginawa ay ang Noy noong 2010.

Akala tuloy ni Coco, ayaw na siyang kunin, bilang aktor, sa isang independent movie. Kaya laking tuwa raw niya nang i-offer sa kanya ang Sta. Niña.

Sabi pa niya, “Nalulungkot nga ako kasi parang bakit hindi na ako gaanong kinukuha. Bakit parang wala nang nag-a-approach sa akin kung puwede ba ako roon sa pelikula nila.

“Kaya noong si Direk Manny Palo, ’binigay sa akin yung script at binasa ko siya, hindi ko na nabitawan yung script.

“Then, sabi ko, kahit anong mangyari, kahit gaano kahirap ang schedule ko, gagawin ko talaga itong pelikulang ito.”

AIMING FOR ANOTHER ACTING AWARD? Pinabulaanan ni Coco na mahirap na siyang kunin para sa indie dahil mas malaki na ang talent fee niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng Kapamilya actor, “Kapag sinabing indie, walang budget.

“Ako, bilang artista, never akong nagtanong tungkol sa talent fee ko.

“Basta ang tinatanong ko is about the concept, kung sino ba yung kasama ko, ano ba yung maitutulong ko.

“Kumbaga, ginagawa mo talaga ito kasi ano, e, passion mo ito bilang artista.”

Sa gaganaping Cinemalaya Film Festival 2012, isa si Coco sa mga inaasahang makapag-uuwi ng Best Actor award.

Pero sa halip na isipin ito, sinabi ni Coco, “Sa akin kasi, ano na ‘yon, e, kung papalarin, thank you.

"Pero ginagawa ko ito kasi gusto kong makagawa ng makabuluhang pelikula.

“Depende rin kasi. Siyempre, may mga pelikulang magaganda rin. Depende rin sa mga hurado kung ano ang mas gusto nila.

“Basta happy ako. Kung anuman ang pelikulang ginagawa, pinagbubuti ko lang ang trabaho ko.”

TIME TO GIVE BACK. Matatandaan na sa paggawa ng indie movies una siyang nakilala at nabansagan pa ngang Prince of Indie.

Kaya naman daw bilang tulong sa industriyang kumilala sa kanyang kakayahan, hindi siya nagdalawang-isip na makibahagi bilang co-producer ng Sta. Niña.

Ani Coco, “Siyempre noong nagsisimula ako, alam ko kung gaano kahirap gumawa ng pelikula.

“Unang-una, siyempre walang budget, talagang pakiusapan lahat.

“Ngayon, kahit papaano, gusto kong ibalik naman sa kanila.

“Gusto ko namang tumulong, lalung-lalo na sa mga artistang kasamahan ko noong nagsisimula ako.

“This time, kahit papaano, kumikita ako. Gusto ko na kahit papaano, ako naman yung tumulong sa kanila.”

ENCOURAGING MAINSTREAM ACTORS. Ikinatutuwa rin ni Coco na marami nang tumatangkilik ngayon sa mga indie movies.

Kahit ang mga mainstream actors ay nagiging interesado na ring maging bahagi ng ganitong klase ng pelikula.

Ang ibang mga baguhan naman ay tinitingala siya bilang isang magaling na indie actor.

Kaugnay nito, sabi ni Coco, “Nakakatuwa ito, lalung-lalo na sa mga nagsisimulang maging artista o sa mga gustong maging artista, nagiging inspirasyon ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga, dati wala halos pumapansin sa amin sa paggawa ng indie hanggang sa dumating na yung point na halos karamihan ng mga artista, gusto na ring mag-indie.

“Kumbaga, nakakatuwa na nagbunga na yung pinaghirapan namin.

“Kasi, siyempre noong nagsisimula kami, mangilan-ngilan lang naman kaming gumagawa ng indie.

“Kumbaga, noong mga panahon na ‘yon, siyempre parang ang tingin sa amin, ’E, magulong istorya niyan, hindi mo maintindihan, madilim ‘yan, low budget ‘yan.’

“Pero ngayon, siyempre tumataas ang quality.

“Ang daming gustong tumulong o gustong gumawa ng indie, kaya nakakatuwa kasi parte ako doon, noong nagsisimula kami, kung paano nabuo yung indie dito sa Pilipinas.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN