TV5 president and COO Atty. Ray Espinosa answers queries about merger with GMA-7; reacts to rumored cancellation of Sharon Cuneta’s show

“Para sa akin, my first ano is to look at the substance. Of course, you know, ratings and share is very important, but still, the creative product, e, di ba? Whether it’s good or bad is determined not by the ratings but how you objectively look at the show or program, di ba? E, yun naman, gustung-gusto sa States ng mga nanonood… hindi puwedeng… Pero yung mga nagsasabi na ano, ia-axe na raw? Anong mga kuwento yun?" says Atty. Ray Espinosa w


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media si Atty. Ray Espinosa, president at COO ng TV5, sa launching ng tatlong bagong shows ng Kapatid network kagabi, July 17.

Inilunsad sa Elements Tent Centris, Quezon City, ang TV5 shows na Third Eye, Enchanted Garden, at Artista Academy.

Sa nasabing panayam ay napag-usapan ang nababalitang merger o pagsasanib ng TV5 at GMA-7.

Isa sa nilinaw ng media kay Atty. Espinosa ay ang magiging katayuan ng Kapuso network sakaling mabili ng Kapatid network ang majority ng shares nito.

Ayon kay Atty. Espinosa, walang mababago sa GMA-7 sakaling matuloy ang merger.

“Hypothetically, pag nabili, ha,” sabi niya, na ang ibig sabihin ay wala siyang sinisigurado sa nasabing usapin.

“Nililiwanag ko lang!” pahabol pa niyang natatawa.

Sakaling matuloy ang merger, mag-iiba kaya ang mga tao o magpapatakbo ng GMA-7?

“Hindi naman necessarily mag-iiba ang tao, di ba? Kasi mahusay naman yung kumpanya na yun, e.

“Di ba, kung mahusay naman yung kumpanya, ba’t ka naman magpapapalit ng mga tao?”

SLOWLY MERGING IN? Matagal na ang usapin tungkol sa merger, at may mga nakakapansin na parang unti-unti ay nasa Kapatid network na ang ilang mga artista, direktor, at mga tauhan ng GMA-7.

“Ha, nandito na ba?” patanong na tugon ni Atty. Espinosa.

Ilan sa mga ibinigay na halimbawa ay ang direktor na si Joel Lamangan, ang aktor na si Eddie Garcia, at maging ang dating Kapuso network SVP for entertainment na si Ms. Wilma Galvante.

“Hindi, si Wilma naman nag-retire na siya sa…” putol na sabi ni Atty. Espinosa.

Bumalik ang tanong sa kung ano ang dahilan bakit parang natatagalan ang pagsasakatuparan ng balitang merger.

“Delayed ba? Sinong nagsabing delayed? Ang panganganak lang ang nade-delay!” sabi niya kasabay ng halakhak.

Matutuloy na kaya this year ang merge na ito?

“Sana. Hopefully,” nakangiting sabi ng TV5 executive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sakaling matuloy na ang pagsasanib ng dalawang istasyon, saan siya sa dalawa?

“Dito,” pagtukoy ni Atty. Espinosa sa TV5.

May mga artista pa bang lilipat sa kanilang network na puwede niyang ibalita?

“Galing saan?” balik-tanong ni Atty. Espinosa.

Sa ibang network.

“Iilan lang naman ang istasyong pinag-uusapan natin,” nangingiti niyang tugon.

Pagpapatuloy ni Atty. Espinosa, “Ay, wala akong alam na gano’n. Wala akong alam. Dapat alam ko kung may lilipat, e.”

SHARON CUNETA. Nadako naman ang usapan sa bali-balitang tatanggalin na raw sa ere ang talk show ni Sharon Cuneta sa TV5, ang Sharon: Kasama Mo Kapatid.

Nagsimula noong Mayo ng kasalukuyang taon ang show ng Megastar.

“Ha? Hindi naman totoo yun. E, siyempre bali-balita talaga,” sabi ni Atty. Espinosa.

Masaya ba ang management sa “performance” ng show ng Megastar?

“Oo. Maganda yung show, a,” sagot niya.

“Yeah, well, you know, we have to look at the overall show. Kita mo naman yung set, ang ganda-ganda.

“O, tumingin ka nga sa ibang network kung may ganun kagandang set? Wala kang makikitang ganung set.

“Para sa akin, my first ano is to look at the substance.

"Of course, you know, ratings and share is very important but, still, the creative product, e, di ba?

“Whether it’s good or bad is determined not by the ratings but how you objectively look at the show or program, di ba?

“E, yun naman, gustung-gusto sa States ng mga nanonood… hindi puwedeng…

"Pero yung mga nagsasabi na ano, ia-axe na raw? Anong mga kuwento yun?

“Tsaka, di ba, alam naman natin na ang shows, they run by seasons, di ba?”

Wala pang one season ang show ng Megastar?

“Hindi, magwa-one season na. Malapit na. Di ba?

"So, hindi, tinitingnan mo, ano naman ang gagawin mo? May iba bang gagawin?

“Kaya ako nagtataka, alam naman natin papaano gumagalaw ang industriya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang nagkakaroon ng isyu na… o, di ba? Baka pag iba na ang show ibig sabihin… Ganun ba yun?

“Ba’t pag namamahinga show namin, ibinabalik uli... si Vic Sotto sa Who Wants To Be A Millionaire?, ibig sabihin nun, e, tinigok na yung show?

"Hindi, di ba? May ganun talaga, e—pahingahan,” paliwanag ni Atty. Espinosa.

Nangangahulugan ba na maaaring "magpahinga" ang show ni Sharon?

“Sinong nagsabi nun?” balik tanong niya ulit.

“Kailangan i-explain muna sa akin anong ibig sabihin ‘take a break.’ What does it connote, what does it…” putol ngunit mariin niyang pahayag.

Hinihingi lang ang kanyang opinyon kung magtutuluy-tuloy ba ito, base na rin sa kanyang paliwanag ukol sa pagbabalik ng game show ni Vic Sotto na napahinga pero bumabalik ulit sa ere.

“Well, hindi pa ano... ina-affect ’yan, e.

"Kasi ayoko ng mga tanong na gano’n, medyo maintriga.

"Ine-explain ko lang panano tumatakbo ang mga show, di ba?

“So, halimbawa, tumakbo ka ng isang season, gusto mong gumawa ng sine, e, puwede naman mamahinga yung mga shows, di ba?

"Bakit magkakaroon ng kulay?”

“Ba’t kinukulayan si Sharon, yun ang hindi ko maintindihan.

"Kaya ayokong masyadong mag-comment dun na… di ba, parang kinakawawa naman siya?

"Hindi naman tama yun,” pagtatanggol ng TV5 executive kay Sharon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN