BB Gandanghari’s advice to nephew Daniel Padilla: "Huwag kang magpapalaki ng katawan, huh! Okey na muna yan."

Proud na proud daw si BB Gandanghari sa kanyang pamangkin na si Daniel Padilla. Kuwento niya, "I remember, alam ninyo, nasa America ako, nung first time may nagsabi sa akin na ‘Uy, may Padilla na artista!’ Sabi sa akin ng kaibigan ko doon. Sabi ko ’Sino?’ ’Baka kapatid mo yun?’ Sabi ko, ’Bakit, ilang taon na?’ ’Mga sixteen or seventeen.’ Sabi ko, ’Gaga, patay na ang tatay ko twenty-five years


Pamangkin ni BB Gandanghari ang young actor na si Daniel Padilla—at alam ni BB ang kasikatang tinatamasa ngayon ni Daniel.

“I’m very happy for him. I’m very proud of this boy.

"I remember, alam ninyo, nasa America ako, nung first time may nagsabi sa akin na ‘Uy, may Padilla na artista!” Sabi sa akin ng kaibigan ko doon.

"Sabi ko ’Sino?’ ’Baka kapatid mo yun?’

"Sabi ko, ’Bakit, ilang taon na?’ ’Mga sixteen or seventeen.’

"Sabi ko, ’Gaga, patay na ang tatay ko twenty-five years ago, paanong magkakaroon ng sixteen year [old] na bata!’"

Ito ang kuwento ni BB nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press noong July 17, sa presscon ng mga bagong shows ng TV5.

Isa na rito ang eco-fantasya na Enchanted Garden, kunsaan kasama si BB.

“Nalaman ko eventually, anak ni Rommel.

"Nung nakita ko, ginoogle ko, sabi ko, ’Sisikat itong batang ito!’ That was last year,” balik-tanaw pa ni BB.

DANIEL PADILLA. Nagkita na ba sila ni Daniel? Nabigyan niya ba ito ng payo?

“Oo, nagkita na kami,” sagot ni BB.

"Yung immediate na advice na sabi ko sa kanya: ‘Huwag kang magpapalaki ng katawan, huh! Okey na muna yan.’

“Kasi bata pa e, di ba? Kaya fresh na fresh siya."

Kumusta ang relationship niya kay Daniel? Kumusta ang bonding nilang "magtiyuhin"?

“Tita ang tawag niya sa akin, e.

“Ahh...kapag may mga okasyon sa bahay, pupunta, makikipagkuwentuhan, magkakantahan sila. Marunong silang maggitara, e.

“So ganyan lang. Usually mga bata, sila-sila ang nagkukwentuhan.”

Wala bang sinasabi si Daniel o iba pang pamangkin niya, na parang mas gusto nilang makilala pa rin siya bilang Rustom Padilla?

“Hindi! Mas okey ako sa kanila as BB.

“They don’t even dare. They do respect me.

“And I guess they’re happy for me as well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka ano, e, siguro parang nakikita naman nila sa akin how comfortable I am sa kanila.

"So, wala namang halong pag-aano. So, tinatanggap na lang nila yun.”

Lapitin ng mga babae si Daniel. Ano ang masasabi niya?

“E, naku, expected na ’yan, siyempre. Guwapo ’no!

“Pero sabi ko nga, bata pa, bata pa. Not even responsible, bata pa.”

DANIEL MATSUNAGA. Samantala, tinanong si BB: kung sakaling magkaroon siya ng solo picture at papipiliin ng leading man, sino ang pipiliin niya?

“Depende sa project.

“Well, kung ahh... yung mga pa-etching-etching lang na pelikula, at mga masaya na pelikula lang na comedy, yun, puwedeng Daniel Matsunaga."

Type niya si Daniel?

“Hindi naman,” sagot ni BB.

“Kasi nakita kong umarte yung bagets, e. Ume-effort, e.

“Alam mo yun? Nakakatuwa siya.

“So, kung ganoong mga pelikula na comedy, okey."

DENNIS TRILLO. "Pero kung seryoso na drama-drama, actually ang gusto kong makasama, si Dennis Trillo.”

Bakit si Dennis?

“Kasi ito yung mga napapanood kong mahuhusay, e.

“Kasi alam ninyo, nakaka-inspire ding umarte kapag magaling yung katrabaho mo, e.

“Yun yung nami-miss ko, e.

“Di ba, nung panahon namin, ang gagaling naman talaga ng mga artista noon, ’no?

“So, tapos sa tagal mong hindi umarte, kapag sumalang ka at puro baguhan yung...ang hirap din.

“Not for anything. Of course I’m very supportive sa mga baguhan.

“Pero ang sarap umarte nung nagbibigay sa iyo yung mga katrabaho mo.”

ROBIN PADILLA. Kumusta na ba sila ng utol niyang si Robin? Tanggap na ba ni Binoe ang ginawa niyang paglaladlad?

"Yun naman ang sinasabi niya, e, tanggap naman daw niya.

"Kaso, hindi pa lang daw siya ready na...

"Ako naman, easy lang.

"So, kung ’yan yung stand mo, why not?

"But I’m sure one day and, hopefully, soon... maging normal na yung pakikitungo namin sa isa’t isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN