Kristoffer Martin on team-up with Bea Binene: "Hindi naman siya man-hater, pero ano lang, mahirap na adjustment."

Kristoffer Martin on team-up with Bea Binene: "Hindi naman siya man-hater, pero ano lang, mahirap na adjustment."" data-url="https://www.pep.ph/news/34948/kristoffer-martin-on-team-up-with-bea-binene-hindi-naman-siya-man-hater-pero-ano-lang-mahirap-na-adj" data-desc="Kristiffer prepares his body for Cosmo Bachelor Bash." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c66732d05.jpg"> Kristoffer Martin on team-up with Bea Binene: "Hindi naman siya man-hater, pero ano lang, mahirap na adjustment."" data-url="https://www.pep.ph/news/34948/kristoffer-martin-on-team-up-with-bea-binene-hindi-naman-siya-man-hater-pero-ano-lang-mahirap-na-adj" data-desc="Kristiffer prepares his body for Cosmo Bachelor Bash." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c66732d05.jpg"> Kristoffer Martin on team-up with Bea Binene: "Hindi naman siya man-hater, pero ano lang, mahirap na adjustment."" data-url="https://www.pep.ph/news/34948/kristoffer-martin-on-team-up-with-bea-binene-hindi-naman-siya-man-hater-pero-ano-lang-mahirap-na-adj" data-desc="Kristiffer prepares his body for Cosmo Bachelor Bash." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c66732d05.jpg">

Kristoffer Martin on team-up with Bea Binene: "Hindi naman siya man-hater, pero ano lang, mahirap na adjustment."" data-url="https://www.pep.ph/news/34948/kristoffer-martin-on-team-up-with-bea-binene-hindi-naman-siya-man-hater-pero-ano-lang-mahirap-na-adj" data-desc="Kristiffer prepares his body for Cosmo Bachelor Bash." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c66732d05.jpg"> Kristoffer Martin on team-up with Bea Binene: "Hindi naman siya man-hater, pero ano lang, mahirap na adjustment."" data-url="https://www.pep.ph/news/34948/kristoffer-martin-on-team-up-with-bea-binene-hindi-naman-siya-man-hater-pero-ano-lang-mahirap-na-adj" data-desc="Kristiffer prepares his body for Cosmo Bachelor Bash." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c66732d05.jpg"> Kristoffer Martin on team-up with Bea Binene: "Hindi naman siya man-hater, pero ano lang, mahirap na adjustment."" data-url="https://www.pep.ph/news/34948/kristoffer-martin-on-team-up-with-bea-binene-hindi-naman-siya-man-hater-pero-ano-lang-mahirap-na-adj" data-desc="Kristiffer prepares his body for Cosmo Bachelor Bash." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c66732d05.jpg"> Kristoffer Martin on team-up with Bea Binene: "Hindi naman siya man-hater, pero ano lang, mahirap na adjustment."" data-url="https://www.pep.ph/news/34948/kristoffer-martin-on-team-up-with-bea-binene-hindi-naman-siya-man-hater-pero-ano-lang-mahirap-na-adj" data-desc="Kristiffer prepares his body for Cosmo Bachelor Bash." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c66732d05.jpg">

Ayon kay Kristoffer Martin, nag-usap na sila ng dati niyang ka-loveteam na si Joyce Ching tungkol sa posibilidad na paghihiwalay ng kanilang tambalan. Sabi ng young actor, "After ng Ikaw Lang Ang Mamahalin, pinag-uusapan na namin. ’What if hindi na tayo magkakasama?’ So, adjustment. Okay lang. At saka, sinabi naman namin na we need this para mag-grow. Para rin hindi ma-stuck kung saan tayo ngayon. Kumbaga, kailangan ma-develop ang personality n


“Finally, primetime na ulit,” ang nakangiting sabi ni Kristoffer Martin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na press conference ng ikalawang yugto ng Luna Blanca last week.

Ang Book 2 Luna Blanca ay nagsimula noong Monday, July 17, sa GMA Primetime block.

Sabi ni Kristoffer, “Ngayon, masaya. Bagong atake. Not the usual loveteam naman.”

Ang bagong kapareha ni Kristoffer sa Luna Blanca ay si Bea Binene.

“Yun ang sabi nila, parang yun ang ina-assume.

"Pero sa storycon, walang specific kung kanino babagak ako at si Derrick [Monasterio], kung kanino.

"Pero masaya, kasi, bagong experience, bagong ambience ng loveteam. Bagong atake sa bawat arte.”

Ngayon pa lang daw talaga sa ikalawang yugto papasok ang karakter niya bilang si Joaquin.

Ani Kristoffer, “Ako kasi rito si Joaquin, isang teenstar, singer. Na simula pumasok sa showbiz, bumukod na sa parents.

"Kapatid ko dito si Ate Chynna [Ortaleza].

"Mabait ako rito, pero may sikretong nililihim na hindi dapat lumabas sa lahat.

“Ito ang sikreto na dapat ay abangan ng mga tao.”

DERRICK MONASTERIO. Hindi naman itinanggi ni Kristoffer na natuwa siya na sila ni Derrick ngayon ang binigyan ng pagkakataon ng GMA Network na mag-leading men sa primetime.

Sabi niya, “Oo, natuwa kami. Kasi, kami ni Derrick, nag-uusap kami niyan, ’Pare, anong project mo?’ Tapos, biglang dulo, kami na pala ang magkasama!

"Masaya, kasi sa set, hindi mabigat. Hindi rin nakakapagod.

“Alam niyo yung masaya lang kami, parang Tween Hearts.”

Sila ba ni Derrick ang masasabing magka-level o puwedeng pagtapatin pagdating sa kasikatan? Maski nauna na sa kanila sina Joshua Dionisio at Jake Vargas?

“Feeling ko, hindi,” sabi ni Kristoffer.

“Kasi ako, ayoko sa sarili ko na iniisip ko na ganoon. Gusto ko, kapag gumawa ako, ako. Hindi yung iko-compare ako sa iba.

"Gusto ko, kapag naisip ng tao, ako lang ’to. Parang ganoon, walang pinanggalingan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, lahat naman kami, magkakaibigan. Hindi naman for PR purposes lang ’to.

"Iba ang trabaho sa personal na buhay. Kapag kaibigan, kaibigan. Kapag trabaho, trabaho.”


BEA BINENE. Ngayon pa lang daw sila maipapareha ni Bea Binene.

Pero ayon kay Kristoffer, “So far, sa mga eksena, ang palagi kong nakakasama, si Barbie.

"Kasi sa una, magkakaroon ako ng love interest kay Barbie.

"Later na malalaman ni Bea na ako si Aki, na may koneksiyon sa first generation.”

Paano naman niya nakikita ang chemistry sa pagitan nila ni Bea?

“Hindi pa nagsi-sink in sa akin, e. Kasi, hindi pa kami nagkakasama. Pero eventually, darating din doon.”

Tahasan na naming itinanong kay Kristoffer kung close siya kay Bea.

Sagot nito, “Siya yung parang naging at ease ako noong una pa lang sa Tween Hearts.”

Bakit nagkaroon ng isyu noon na hindi malapit si Bea sa kanila?

“Hindi naman totoo yun. Tsismis lang naman yun. Basta masasabi ko sa akin, oo, tsismis lang yun.

"Kasi, nakakahalubilo naman siya sa amin. Kahit naman si Jake.”

Mas gusto ba niyang si Bea, kesa kay Barbie, ang naka-pareha niya?

“Wala namang mas, mas…sa akin. Trabaho, trabaho.”

JOYCE CHING. In real life, marami ang naniniwala, kahit wala pa silang ginagawang pag-amin ng pormal, na sila na ni Joyce Ching.

Kumusta ito sa pagkakahiwalay ng loveteam nila?

“Okay naman,” maagap niyang sagot.

"Kay Joyce, wala pa akong naririnig kung may bago nang ipe-pair sa kanya.

"Pero ine-expect ko nga na siya ang magkakaroon ng una. Kasi, siya ang babae. Pero napag-usapan naman namin na trabaho, trabaho.

“Hindi pinapasukan ng personal na buhay at saka, di ba, kami ni Joyce, nasasanay na kami na kami lang.

"Sa mga ganitong eksena, kami palagi. Kaya naming laruin, e. Kapag tipong may ginawa ako, sasakyan niya. Kapag may ginawa siya, sasakyan ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakikita niya kung anong chemistry meron sila ni Joyce, kaya rin kaya niya ngayon ito sa tandem nila ni Bea?

Pag-amin ni Kristoffer, “Siguro more push. Kasi, si Bea, alam naman nating seryoso sa trabaho.

"Hindi naman siya man-hater, pero ano lang, mahirap na adjustment.

"Si Bea, sanay kay Jake.

"Pero madadaaan naman ’yan sa maayos na proseso, sa taping.”

Okay ba sila ni Joyce kung, halimbawa, hindi na ibalik ang loveteam nila?

"Okay lang. Actually, napag-usapan na ’yan.

"After ng Ikaw Lang Ang Mamahalin, pinag-uusapan na namin. ’What if hindi na tayo magkakasama?’

"So, adjustment. Okay lang. At saka, sinabi naman namin na we need this para mag-grow.

"Para rin hindi ma-stuck kung saan tayo ngayon. Kumbaga, kailangan ma-develop ang personality natin at saka yung career natin.

"Hindi tayo makikilala na tayong dalawa lang, at gagawa tayo ng pangalan na hindi tayo kakapit sa isa’t isa.”

Dugtong pa ni Kristoffer, “Proud naman siya sa akin, sinasabi niya.”

Sa palagay ba niya ay hindi na masisira ang anumang meron sila ngayon ni Joyce, kahit iba na ang ka-loveteam nila?

“Hindi naman. Like ako nga, gusto ko, bibisita ako sa bahay nila. Pero siyempre, kahit hindi naman niyo sabihin o pag-usapan, mararamdaman niyo na may malalim na rin kayong samahan.

"Although, hindi pa naman namin napag-uusapan ang next step. Lalo na ngayon, hindi naman na kami palaging magkasama.”

CINEMALAYA’S OROS. May Cinemalaya entry rin si Kristoffer na magkakaroon ng gala night sa July 23 sa Cultural Center of the Philippines, ang Oros.

“Iba naman ang mapapanood nila sa akin do’n, medyo may yosi. Medyo iba naman ang image sa napapanood nila sa akin sa TV," banggit niya tungkol sa kanyang role.

Sa November ay 18 years old na raw siya. Pero ngayon pa lang, nagdyi-gym at nagpapaganda na raw siya ng katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinisimulan na talaga at sinabi ko nga sa sarili ko, pagdating ng Cosmo, kailangan ready na.

"Pero actually, hindi lang naman for Cosmo, para sa sarili ko na rin, sa career ko at sa path ng career ko na hindi lang naman for that purpose lang.”

Kristoffer Martin on team-up with Bea Binene: "Hindi naman siya man-hater, pero ano lang, mahirap na adjustment."" data-url="https://www.pep.ph/news/34948/kristoffer-martin-on-team-up-with-bea-binene-hindi-naman-siya-man-hater-pero-ano-lang-mahirap-na-adj" data-desc="Kristiffer prepares his body for Cosmo Bachelor Bash." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c66732d05.jpg"> Kristoffer Martin on team-up with Bea Binene: "Hindi naman siya man-hater, pero ano lang, mahirap na adjustment."" data-url="https://www.pep.ph/news/34948/kristoffer-martin-on-team-up-with-bea-binene-hindi-naman-siya-man-hater-pero-ano-lang-mahirap-na-adj" data-desc="Kristiffer prepares his body for Cosmo Bachelor Bash." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c66732d05.jpg"> Kristoffer Martin on team-up with Bea Binene: "Hindi naman siya man-hater, pero ano lang, mahirap na adjustment."" data-url="https://www.pep.ph/news/34948/kristoffer-martin-on-team-up-with-bea-binene-hindi-naman-siya-man-hater-pero-ano-lang-mahirap-na-adj" data-desc="Kristiffer prepares his body for Cosmo Bachelor Bash." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c66732d05.jpg">


Kristoffer Martin on team-up with Bea Binene: "Hindi naman siya man-hater, pero ano lang, mahirap na adjustment."" data-url="https://www.pep.ph/news/34948/kristoffer-martin-on-team-up-with-bea-binene-hindi-naman-siya-man-hater-pero-ano-lang-mahirap-na-adj" data-desc="Kristiffer prepares his body for Cosmo Bachelor Bash." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c66732d05.jpg"> Kristoffer Martin on team-up with Bea Binene: "Hindi naman siya man-hater, pero ano lang, mahirap na adjustment."" data-url="https://www.pep.ph/news/34948/kristoffer-martin-on-team-up-with-bea-binene-hindi-naman-siya-man-hater-pero-ano-lang-mahirap-na-adj" data-desc="Kristiffer prepares his body for Cosmo Bachelor Bash." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c66732d05.jpg"> Kristoffer Martin on team-up with Bea Binene: "Hindi naman siya man-hater, pero ano lang, mahirap na adjustment."" data-url="https://www.pep.ph/news/34948/kristoffer-martin-on-team-up-with-bea-binene-hindi-naman-siya-man-hater-pero-ano-lang-mahirap-na-adj" data-desc="Kristiffer prepares his body for Cosmo Bachelor Bash." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c66732d05.jpg"> Kristoffer Martin on team-up with Bea Binene: "Hindi naman siya man-hater, pero ano lang, mahirap na adjustment."" data-url="https://www.pep.ph/news/34948/kristoffer-martin-on-team-up-with-bea-binene-hindi-naman-siya-man-hater-pero-ano-lang-mahirap-na-adj" data-desc="Kristiffer prepares his body for Cosmo Bachelor Bash." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c66732d05.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN