LJ Reyes defends boyfriend Paulo Avelino from negative impressions

"Makikita niyo sa movie na may dahilan talaga kung bakit ako kailangang mag-topless. Pero proud ako sa movie. Proud ako sa Intoy Syokoy, maganda talaga,” says LJ Reyes when asked why she agreed to go topless in her latest indie film.


Isa si LJ Reyes sa rumampa at nag-perform sa victory party ng FHM’s 100 Sexiest Women of 2012 noong July 12 sa World Trade Center.

Walang duda na seksing-seksi pa rin ang Kapuso actress kahit isa na siyang ina. Akmang-akma nga sa kanya ang titulong "hot momma" lalo na noong gabing yun.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si LJ sa Teresita’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, at naging paksa ang posibilidad na mag-cover siya ulit sa FHM.

Aniya, "Feeling ko naman, oo, magsu-shoot ulit ako. Niloloko na nga ako ng staff ng FHM noong isang araw, ‘Ano, shoot na tayo bukas?’

"Sabi ko, ‘Weee! Agad-agad?’

“Pero ano naman, open naman ako. And I’m sure naman na gusto rin namin yun.

"Pero may timing lang din iyan. Hindi naman bigla-bigla.”


VARIED ROLES. Sa ngayon ay busy si LJ para sa promo ng kanyang Cinemalaya entry na Intoy Syokoy, kung saan isang babaeng pokpok ang kanyang ginagampanan.

Bukod pa rito, isa naman siyang aswang sa pelikulang Tiktik:The Aswang Chronicles, na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Sabi ni LJ, “Natatawa nga po ako kasi, this year, naging kontrabida ako, tapos naging pokpok ako, tapos aswang naman ako.

“Hindi ko na alam kung ano ang susunod!

"Pero yung sa Intoy, may transition. Makikita niyo kung bakit ako naging pokpok.”

Excited na ba siya para sa Intoy Syokoy na magkakaroon ng gala night sa July 21?

“Oo, excited ako. Kasi parang ito, first-hand experience ko na sa Cinemalaya.

“Kasi yung movie ko before, yung The Leaving, hindi naman ako nakapunta."

Nang ipalabas kasi ang The Leaving noong 2010, nasa Amerika si LJ para magsilang ng anak nila ni Paulo Avelino.

Aniya pa, "Nag-shoot lang ako. So, hindi mo talaga siya mapi-feel.

"Ngayon, napi-feel ko na siya. Noong nag-presscon nga ng Cinemalaya, naninibago ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


JM DE GUZMAN. Ang Kapamilya actor na si JM de Guzman ang kapareha ni LJ sa Intoy Syokoy. Kumusta naman itong katrababo?

“Masarap siyang katrabaho kasi very generous siya sa emotion. Professional at saka gentleman.

“Actually, after ng scene... kasi, di ba, maraming shot, nakalimutan ko na wala nga pala akong damit!

“Pagtayo ko, si JM yung nagtakip sa akin ng unan.

"Ako naman, ‘Sorry!’ E, kasi ang haba ng scene na yun, four pages!”


Sa nasabing eksena kasi ay nag-topless si LJ.

At ngayon nga ay pinag-uusapan ang pagpayag niyang mag-topless sa pelikula.

Sabi ni LJ, “Nagtanggal talaga ako kasi kailangan sa movie. At makikita niyo sa movie na may dahilan talaga kung bakit ako kailangang mag-topless.

“Pero proud ako sa movie. Proud ako sa Intoy Syokoy, maganda talaga.”


BEST ACTRESS. Nahihiya pa rin si LJ kapag napag-uusapan na mismong si Malou Santos, ang Star Cinema managing director, kilala siya at nagagalingan sa kanya bilang aktres.

Nalaman daw niya ito nang ipagpaalam siya ni Boy Abunda, isa sa mga producer ng Intoy Syokoy, upang maging kapareha ni JM.

Lalo na nang marinig daw mismo ni LJ ang papuri sa kanya ni Boy nang mapanood nito ang kabuuan ng pelikula.

Kuwento ni LJ, “Sobrang tuwang-tuwa naman ako kay Tito Boy, as in grabe talaga!

“Noong nagyaya siyang mag-dinner, akala ko, kami lang. Kasama rin ang staff.

"Pero pagdating ko do’n, sa bahay-shop ni Puey Quiñones, nandoon sina Ms. Karen Davila, Amy Perez...

"Tapos, grabe, ipinakilala niya ako [Boy]. Sabi niya, ‘Si LJ Reyes, one of the best actresses in the world.’

"Ha? In the world?!

“Gusto kong sabihin, ‘Tito Boy, totoo po ba yung sinabi mo?’

"Sabi ko, ‘A hindi, exaj [exaggerated] itong si Tito Boy’—world talaga, e.

“Pero sobrang touched pa rin ako na alam mo yun, Boy Abunda, na-appreciate ang pag-arte mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangako pa raw si Boy sa kanya na ipagpoprodyus siyang muli ng pelikula.

“Nagulat nga ako. The night before na tumawag siya sa akin, tuwang-tuwa siya sa akin.

“Pagdating sa dinner, sinasabi niya sa akin ang puwedeng storyline sa indie film.

“At saka sa usap namin, walang masyadong maalala ang utak ko. Sobrang tuwang-tuwa ako.

"Pero may isang line siya na sinabi na talagang tumatak sa akin.

“Sinabi niya na, ’Gagawin ko ang lahat para malayo pa ang marating mo.’ Kaya sobrang touched talaga ’ko kay Tito Boy, sobra.”


PAULO AVELINO. Sa naturang interview kay LJ, hindi siya nakaiwas nang may ilang press na hindi na nakapagpigil magtanong kung bakit napakatahimik niya pagdating sa ama ng kanyang anak na si Paulo Avelino.

Paliwanag ni LJ, “E, kasi po, kahit naman po ano ang sabihin ko, marami naman pong lumalabas na isyu. So, tatahimik na lang po ako.

“At saka, okay na po yun, bahala na po silang mag-isip. Nakakapagod na rin pong magsalita.

“Nagtatrabaho po kasi kami. So, kung ano ang tungkol sa trabaho, yun na lang po ang gusto naming pag-usapan.”

Naniniwala si LJ na hindi naman kailangang ipagsigawan o isapubliko pa ni Paulo kung anuman ang nararamdaman nito para lang masabing ipinagmamalaki niya si LJ.

“For me, hindi lang naman yun para maipakita mo na proud ka sa family mo o whoever na love ones mo.

“Pakiramdam ko kasi, hindi naman porke’t hindi nasabi, feeling ko, nalalagyan lang ng isyu bilang nandito kami [sa showbiz].”

Isa pang isyu ay ang hindi pagkakabanggit ni Paulo sa mag-ina nito sa mga pinasalamatan niya nang manalong Best Actor sa Urian Awards.

Si LJ, sakaling manalong Best Actress sa Cinemalaya para sa pelikulang Intoy Syokoy, babanggitin ba niya ang pangalan ni Paulo sa mga papasalamatan?

Natawa si LJ at sinabi na lang na, “Hindi ko alam kasi kapag nandoon ka naman na, hindi mo naman na alam kung ano ang masasabi mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam niyo, hindi naman po talaga yun magaling magsalita.

“Kahit ano pang sabihin namin, hindi niya kaya ang mga interview na ganyan.

"So, ibigay na lang natin sa kanya. Hindi siya spontaneous na tao.”

Pero diin ni LJ, “Okay naman po ako. Makikita niyo naman kung hindi ako okay.”

Si LJ kasi, kapag tinatanong, kahit papaano ay sumasagot pa rin, lalo na pagdating sa kanilang anak.

Pero sa kaso raw ni Paulo, hindi talaga puwede, na tila pinapalabas na unattached pa rin siya.

Pagtatanggol ni LJ, “E, yun ang trabaho namin, di ba? Basta okay na yun,” nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN