BB Gandanghari: “I don’t want to think na because of my orientation I will grow old alone.”

BB Gandanghari on her family’s acceptance: “E, tanggap naman nila, e, wala naman na akong nararamdaman na ganun. Happy na ako. Wala na naman silang sinasabi. It’s just that nami-miss nga lang talaga nila siguro si Rustom. Pero mahal ako ng pamilya ko, mahal ko ang pamilya ko. I’m sure magiging okay din ang lahat.”


Aliw na aliw si BB Gandanghari sa pagkukuwento sa dual role niya sa kauna-unahang eco-fantasya sa telebisyon, ang Enchanted Garden ng TV5.

“Ako rito si Michiko, na may-ari ng isang spa at magaling siyang gumawa ng mga holistic na mga hala-halaman.

“Tapos siya yung may hawak ng sikretong lagusan patungo sa Eden [fantasy world].

“Kasi lingid sa kaalaman ng lahat, ako ay isang taga-Eden. So, akala nila tao ako, pero actually isa akong fairy din. Yun ang aabangan nila.

“Kambal kami ni Zoren [Legaspi] sa Eden. Tapos yung nanay namin kalaban ng Inang Kalikasan, naging Evil Queen.

“So, nung tinutugis na kami, para mailigtas ako ng nanay ko, parang dinala niya ako sa mortal world… Parang pinainom niya ako ng kung anuman, tapos dinala niya ako sa mortal world bilang isang babae para maitago ang katauhan ko.

“Kaya dual role ako rito, lalaki ako sa Eden tapos babae ako sa mortal world,” kuwento ni BB.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si BB sa grand launch ng TV5 sa bagong primetime shows ng Kapatid network—ang Enchanted Garden, Artista Academy, at Third Eye—na ginanap noong July 17, sa Elements Centris, sa Quezon City.

ZOREN’S TWIN. Kumusta naman ang feeling na maging kakambal sa show ni Zoren?

“Hindi pa kami nagkikita, e, bilang magkakambal. Kasi nga, hindi pa ako bumabalik sa Eden.

“Okay naman, e. Guwapo naman si Zoren, maganda ako, so puwede kaming kambal!” sabay tawa nang malakas ni BB.

Sa tunay na buhay, si BB ay ang dating si Rustom Padilla, na dating asawa ni Carmina Villarroel, na present partner naman ni Zoren.

Natanggal na ang ilangan sa pagitan nila nang magkaroon ng mahabang interview si BB kay Zoren sa Paparazzi Showbiz Exposed.

Sa tingin ba ni BB ay magiging maganda ang pagtatrabaho nila ni Zoren?

“Actually, excited na ako na makatrabaho siya. It’s should be fun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Una, excited na ako sa gagawin ko kasi I’ll be playing a male character pag kakambal ko siya.

“So, it’s really fun, I’m looking forward na magawa yung mga eksena namin.”

Bukod kina BB at Zoren, kasama rin sa cast ng Enchanted Garden sina Alice Dixson, Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Alex Gonzaga, Martin Escudero, Edgar Alan Guzman...

Marita Zobel, Gladys Reyes, Luz Valdez, Meg Imperial, Tony Mabesa, at Christopher Roxas. Sa direksyon ito nina Joel Lamangan, Eric Quizon, at Joyce Bernal.

Masaya si BB na makakasama siya sa malaking teleseryeng ito ng TV5.

“I’m so happy and very excited!” sambit niya.

“This project came as a surprise kasi biglang-bigla ito, e. So, sabi ko, sige.

“Tapos nung ’kinukuwento na sa akin kung paano ito pinaghahandaan, wow, parang blessing, di ba?

“Effortless na biglang meron kang napakagandang teleserye.”

Sino ang peg niya sa character niya bilang si Michiko?

“Si ano… si Meryl Streep sa The Devil Wears Prada,” sagot ni BB.

STAYING IN THE PHILIPPINES FOR GOOD? Ngayong may regular project na siyang ginagawa, ibig sabihin ba nito ay mananatili na siya sa Pilipinas for good?

“Ah… going back and forth [sa Pilipinas at Amerika]. Raratsada muna ako sa taping.

“And siguro pag natapos itong taping, baka pupunta muna ako ng New York sandali. Pero babalik din ako dito sa atin.”

NOT EXCLUSIVE TO TV5. Dahil sa TV5 nga siya laging napapanood at ngayon ay may teleserye pa siya rito, ibig sabihin ba nito ay exclusive siya sa Kapatid Network?

“No, per project basis ako sa TV5,” paglilinaw niya.

Iniisip kasi ng iba na exclusive siya dahil hindi naman siya napapanood na nagge-guest sa ibang TV stations.

“Oo nga, e, alam ko yun. Nagkakataon lang na hindi pa ako lumalabas sa ibang channel, kasi nga, medyo namimili rin ako ng project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko kasi yung kahit paano, medyo steady lang. Kung may magandang project, that’s what I’m doing.

“E, so far, sa TV5, ang gaganda ng mga ibinibigay sa akin. So, go lang nang go.”

Pero satisfied naman siya sa napapabalitang “milyun-milyong” talent fee na nakukuha niya?

“Hindi pa naman ganung milyung-milyon. Pero ang masasabi ko lang, nakakaganda naman siya.”


DON’T WANT TO GROW OLD ALONE. Sa totoong buhay ba, may nakapagdala na sa kanya sa maituturing niyang “Enchanted Garden” ng buhay niya?

“That’s my wish,” simple niyang sagot.

Sa mga naging ex-boyfriends niya ba ay wala pang nagdala sa kanya sa “Enchanted Garden?”

“Meron naman na yata. Pero huwag na lang tayong magbigay ng pangalan, ha!” sabay tawa ulit ni BB.

“Pero in fairness naman, naramdaman ko na yata na magkaroon ng isang enchanted evening.

“Yung bang tipong may fairy dust… may Tinkerbell sa paligid at may mga bells kang naririnig.”

Pero hindi niya pa ba talaga nahahanap ang magiging partner niya sa buhay?

“Wala pa, wala pa. Pero nandiyan lang sa tabi-tabi yata,” biro niya.

Bukas naman daw ang puso ni BB na matatagpuan niya rin ang taong magmamahal nang totoo sa kanya.

“Oo naman. Kung may awa ang Diyos, I mean ayoko namang tumandang mag-isa.

“So, parang you’re hoping na one day you’ll end up with someone na who cares for you. Yung meron kayong connection, alam mo yun?

“I don’t want to think na because of my orientation I will grow old alone.”

Kung matatagpuan niya ang tamang guy, willing ba siyang sumailalim sa same-sex marriage?

“Yes, definitely.”

FAMILY’S ACCEPTANCE. Pero paano kaya tatanggapin ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang kapatid na si Robin Padilla, kung sakaling magpakasal nga siya?

“That is the big question. Mahirap magpaalam ngayon, ‘day. Isa-isa lang!” tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasi raw, tila hindi pa tapos ang isyu ng hindi pa lubusang pagtanggap sa kaniya ng sariing pamilya bilang si BB, tapos ay may bagong isyu na namang papasok.

Ipinagdarasal pa rin ba ni BB na tuluyan na siyang matanggap ng kanyang pamilya?

“Oo naman, siyempre,” sagot niya.

“E, tanggap naman nila, e, wala naman na akong nararamdaman na ganun.

“Happy na ako. Wala na naman silang sinasabi.

“It’s just that nami-miss nga lang talaga nila siguro si Rustom. Pero mahal ako ng pamilya ko, mahal ko ang pamilya ko.

“I’m sure magiging okay din ang lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN