Althea Vega on not having a love scene with Dennis Trillo: “Nabitin nga ako! Mananatiling pantasya na lang si Dennis sa akin!”

Althea Vega wanted to follow in her father’s footsteps—to be a police officer. Now that she’s in showbiz, Althea has other goals. She reveals: “Gusto ko kasing magkaroon ng business na puwede sa probinsiya namin.”


Apat na taon na noong magsimula sa paggawa ng indie films si Althea Vega.

Nagpapasalamat si Althea dahil nakakatrabaho niya ang mga magagaling na direktor at nadadala ang mga nagagawa niyang indie films sa iba’t ibang festivals sa labas ng bansa.

FIRST MOVIE. Unang lumabas si Althea sa indie film na Walang Kawala noong 2008, kunsaan gumanap siya bilang isang OFW na asawa ni Polo Ravales.

Sa kuwento, malalaman niya sa kalaunan na bakla pala ang kanyang asawa.

“Nag-audition ako para sa movie na iyon. Gusto ko lang masubukan ang gumawa ng mga indie films.

“May mga kaibigan kasi ako na lumalabas na sa mga ganyan.

“Nataon pa na si Direk Joel Lamangan ang director ng Walang Kawala.

“Tapos ang bida pa sila Polo [Ravales], Jean [Garcia], at Joseph [Bitangcol]. Kaya ginalingan ko na sa audition.

“Natanggap naman ako. Hindi nga ako makapaniwala kasi ang alam ko ay marami kaming nag-audition. Suwerte ko lang siguro,” kwento ng 22-year-old morena beauty.

Ang unang eksenang kinunan kay Althea ay isang love scene agad kasama si Polo.

“Kailangan maghubad kaagad ako,” sabay tawa niya.

“Kasi ang role ko, OFW na matagal na hindi nakasama ang mister niya.

“Kaya noong makauwi ako, uhaw na uhaw ako sa sex mula sa mister ko.

“Sabi ni Direk Joel na kailangan daw ay yung sobra akong uhaw para sa mister ko. Kaya ’yun ang ginawa ko.

“Hindi na ako naging conscious noong maghubad ako.

“Ang iniisip ko ay magawa ko ang eksena nang maayos para hindi ako mapahiya.”

MORE MOVIES. Pagkatapos ng Walang Kawala, nagsunud-sunod na ang mga indie films na ginawa ni Althea.

Naroon ang Big Night, I Love Dreamguyz, Two Funerals, Kolorete, Halik Sa Tubig, at Mga Anino sa Tanghaling Tapat.

Nakasama rin siya sa cast ng Shake, Rattle & Roll 12 (Punerarya episode).

Sa TV naman ay lumabas na si Althea sa mga series na Amaya, Paano Ba Ang Mangarap?, at Pangarap Kong Jackpot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa nalalapit na Cinemalaya Independent Film Festival 2012 ay nasa dalawang entries si Althea: Diablo ni Mes de Guzman at Ang Katiwala ni Aloy Adlawan.

“Nakakatuwa kasi ito ang second time ko na magkaroon ng pelikula sa Cinemalaya.

“Yung una was Two Funerals noong 2010 na dinirek ni Gil Portes.

“Ngayon dalawa pang movies ang meron ako sa Cinemalaya this year.

“Parehong magaganda kaya sana ay panoorin nila kapag nagsimula na ang pagpapalabas ng mga ito sa Cultural Center of the Philippines Main Theatre, Trinoma, at Greenbelt Cinemas.

“Yung Diablo, may gala premiere sa July 22 sa CCP.

"Yung Ang Katiwala naman, sa CCP rin ang gala premiere, sa July 25 naman.”

WITH DENNIS TRILLO. Sa Ang Katiwala ay nakasama ni Althea si Dennis Trillo at gumaganap silang mag-asawa.

Nanghinayang lang siya dahil wala raw siyang love scene with Dennis.

“Nabitin nga ako!” tawa pa niya.

“Siyempre, minsan mo lang maranasan na makatambal ang isang Dennis Trillo, di ba? Itodo mo na!

“Kaso serious movie itong Ang Katiwala, at nabanggit nga ni Direk Aloy na walang mga love scenes.

“Natural na nanghinayang ako. Ready naman ako anytime kung may love scene kami ni Dennis.

“Pero hanggang yakap lang kami. At least naramdaman ko ang mainit na katawan ni Dennis sa katawan ko.

“Pero okay lang na wala kaming love scene. Mananatiling pantasya na lang si Dennis sa akin!”

Dagdag pa ni Althea na masyado raw tahimik si Dennis noong nagsu-shooting sila ng Ang Katiwala.

“Minsan nasa isang tabi lang siya. Napaka-serious niyang tao. Kaya siguro magaling siyang artista.

“Nakakapagkuwentuhan din naman kami pero hindi madalas.

“Mabilis din kasi kami natapos ng shooting kaya walang mahabang time na mas makilala ko pa siya.

“Ang importante ay naranasan kong makatrabaho siya.”

POLICEWOMAN. Laki si Althea, na may tunay na pangalang Melody Amor Cortez, sa isang konserbatibong pamilya sa Cagayan Valley.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang police officer ang kanyang ama, at pinangarap noon ni Althea na maging isang policewoman.

“Noong bata ako, pinangarap ko na maging pulis din tulad ng father ko.

“Kasi tuwing uuwi siya, mga kuwento ng trabaho niya ang naririnig ko.

“Kaya teenager pa lang ako, nag-aral na ako ng martial arts. Gusto ko nga maging policewoman.

“Pero noong mag-college na ako, iba ang kursong kinuha ko.

“Ang father ko na rin ang nagsabi na delikado ang trabaho niya. Mas okey daw kung ibang kurso na lang ang kunin ko.”

CONSENT. Pabor ba agad ang pamilya ni Althea sa pinasok niyang showbiz career?

“Nagpaalam naman ako sa kanila. Sinabi ko na gusto kong subukan.

“Ume-extra extra nga ako noon sa mga TV series, para lang makakita ng artista.

“Wala namang pumigil sa akin. Pinayuhan lang nila ako.

“Since nasa tamang edad na ako para makapagdesisyon na ako para sa sarili ko, may tiwala sila na magiging tama ang desisyon ko.

“Tutal naman, nagawa ko na ang mga gusto nila para sa akin, panahon na ang mga gusto ko naman ang masunod.”

Graduate ng Mass Communication sa Perpetual Help College sa Las Pinas City si Althea.

Nasubukan na rin niyang maging writer para sa isang radio program sa DZRH bago siya nag-fulltime sa pagiging artista.

Kung hindi naman siya busy sa paggawa ng pelikula, nagbebenta siya ng real estate.

“Malaking tulong ang pagpasok ko sa showbiz kasi marami akong nakikilala na nagiging clients ko.

“Namumukhaan naman nila ako kaya nagkakaroon ako ng maraming referrals.

“Siyempre, hindi naman lahat ay iaasa mo sa showbiz, di ba?

“Kailangan maging maabilidad ka rin. May iba kang dapat na pagkakitaan pa.”

BUSINESS VENTURE. Hindi nakikita ni Althea na forever siya sa showbiz.

Ang nais daw niya ay makaipon at makapagtayo ng negosyo sa kanilang probinsya.

“Ngayon pa lang, nag-iipon na ako. Gusto ko kasing magkaroon ng business na puwede sa probinsya namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lima naman kaming magkakapatid, kaya puwede kaming magtulungan sa anumang negosyo na gusto kong itayo.

“Alam ko na hindi panghabambuhay ang pag-aartista.

“Masuwerte lang ako na meron akong mga nagagawa ngayon, dahil magaling ang manager ko na si Direk Manny [Valera of DMV Entertainment].

“At least, napaghahandaan ko na lahat. Kung sakaling mag-iba na ako ng career, meron akong ibang magagawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN