Former QC councilor Aiko Melendez believes suspended councilor Roderick Paulate will prove his innocence

Aiko Melendez on her lovelife: “I’m still single and just want to focus my time sa work and my kids. Lovelife is not my priority now. I do have suitors but wala pa ako sa mood to get into a relationship.”


Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ng aktres na si Aiko Melendez kaugnay ng isyung kinasasangkutan ng aktor at Quezon City councilor na si Roderick Paulate.

Dati rin kasing nanungkulan bilang konsehal sa Quezon City si Aiko.

Sinuspinde ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales si Roderick, kasama si Councilor Francisco Calalay Jr., ng anim na buwan dahil diumano sa pagpapasuweldo ng ghost employees.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Aiko, na nakausap ng PEP through Facebook, “I feel sad for Kuya Dick coz ang tagal ko nang friend si Kuya Dick.

“And from what I know about that is hindi guilty si Kuya Dick. And he will prove that in time.

“In fairness to Kuya Dick, hindi naman greedy yun para gawin yun.

“I’m just hoping and praying na malagpasan niya lahat ‘yan."

Dagdag niya, “Nung unang lumabas pa lang yung controversy, which was last year, I spoke to Kuya Dick and I offered him my prayers and my ear to listen.

“And nasabi niya sa akin what triggered everything, and ang basa namin, is politically motivated.

“Coz we all know naman na Kuya Dick is an artista and, minsan, ‘yan ang setback—kapag artista, mainit ang mata ng tao.

“Until hindi pa proven yung kay Kuya Dick, sana ang pakiusap ko sa mga tao is not to judge him.

“Nag-file naman siya ng counter [affidavit] so in no time, he will prove himself.”

AIKO’S POLITICAL PLANS. Samantala, tinanong na rin ng PEP si Aiko kung anong balak niya sa 2013 elections. Tatakbo ba siyang muli at sa anong posisyon?

Pagkatapos niyang manungkulan bilang konsehal ay tumakbong vice mayor ng Quezon City si Aiko noong 2010 elections, pero natalo siya sa nanalong si Joy Belmonte.

Sabi ng actress-politician, “About me running for politics, that I am very happy with the latest survey na nag-number Two ako and si Precious [Hipolito-Castelo] ang nag-number One.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That only goes to show na mahal pa din ako ng District 2. Naaalala pa din nila yung mga nagawa kong projects while I was still in public office.

“If I were to decide today, the answer is, yes, I’m running.

“I just have to consider also yung prior commitments ko.”

NEW SOAP. Nabanggit din ni Aiko sa PEP na may gagawin siyang soap opera sa ABS-CBN.

“I’m set to do a soap that will run for six months kaya makikipag-usap pa din ako with ABS. The title of the soap I’m doing pala is Apoy Sa Dagat.

“I’m excited to be working with Angelica Panganiban, Piolo Pascual, Diether Ocampo, and Angel Aquino. It’s directed by Eric Reyes.

“End of the month I will start taping na,” sabi ni Aiko.

May plano rin daw siyang mag-produce ng isang pelikula.

STILL SINGLE. Kinumusta rin ng PEP kay Aiko ang lovelife niya. Is she dating or in a relationship now? Any suitors?

“I’m still single and just want to focus my time sa work and my kids. Lovelife is not my priority now.

“I do have suitors but wala pa ako sa mood to get into a relationship,” sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN