LUV U star Miles Ocampo says about onscreen partner Marco Gumabao: “Pogi siya. Pogi po siya.”

“Puwede po. Kasi po si Marco, maalaga po siya sa mga babae. Maalaga po siya sa partner niya. Sweet po siya. Mapang-asar rin siya. Nagpapatawa rin siya. Dati kasi, ang tawag ko sa kanya, Bilbil. Ang tawag naman niya sa akin, Double Chin," says Miles Ocampo when asked if someone like Marco Gumabao could be her first boyfriend.


Nasa Season 2 na ang Sunday youth-oriented show ng ABS-CBN na LUV U, kung saan isa sa mga bida ay ang teen actress na si Miles Ocampo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miles sa taping ng nasabing show noong Lunes, July16, sa ABS-CBN compound.

Napansin namin na kung paano sila napapanood onscreen ay ganoon din sila kalapit ng mga co-stars niya, na karamihan ay graduates ng kiddie gag show na Goin’ Bulilit.

Ayon kay Miles,“Yes, masaya! Kasi ngayon pong Season 2 namin, mas naramdaman namin na mas maraming sumusuporta. Mas maraming nagmamahal po sa show namin.

"Kahit po sa Twitter, nakakatuwang mabasa yung mga feedback ng mga nanonood sa show namin.”


FUNNY SHOW. Sa tingin ni Miles, malaking bagay na ang tema ng show nila, although youth-oriented na may kiligan, ay mas nararamdaman ang katatawanan.

Sa palagay rin ba niya ay masaya ang management sa itinatakbo ng kanilang programa?

“Sabi po nila, happy naman. Yun po… masaya po kami. Lalo na po ngayon.

“Ngayon po kasi, ang rating namin, mataas. Masaya po kami sa resulta ng show nitong mga nakaraang buwan, weeks po.”


KAPAMILYA TEENS VS. KAPUSO TWEENS? Kung tutuusin, ang grupo nila sa LUV U ang masasabing pantapat sa tween stars ni Kapuso network.

Sa palagay ba ni Miles ay nakakasabay ang grupo nila sa tween stars ng GMA-7? Sino ang mas lamang?

Sagot niya, “Wala po akong masasabing mas lamang. Kasi, para po sa akin, iba-iba po ang ipinapakita namin.

“Sabi po nila, yung sa amin daw po, mas light lang. Yung typical na nangyayari sa mga kabataan.

“Parang kapag nanonood po sila ng LUV U ay ganoon nga po.

"Kapag nagpupunta po kami ng school, sinasabi po nila na ang eksena raw namin sa show, nangyayari sa kanila.

“So, nakakatuwa po kasi, nakaka-relate po sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


MARCO GUMABAO. Sina Miles at Marco Gumabao ang magka-loveteam sa LUV U.

Kumusta ang loveteam nila?

“Okay naman po, lahat naman po kami kumportable sa LUV U. As in lahat po kami close na.”

Siyempre pa, hindi maiwasang itanong kay Miles kung nililigawan na rin ba siya ng ka-loveteam?

“Ay, hindi po,” maagap niyang sagot.

Paano kung ligawan siya ni Marco?

“Wow!” natatawang sabi niya.

“Naku, yun lang daw talaga ang nasabi ko.”

Crush niya ba si Marco?

“Pogi siya. Pogi po siya," pag-amin ni Miles.

Natatawa naman ito nang sabihin namin na mukhang may something na siya for Marco, sabay sabing, “Wow, hindi naman po!

“Mabait naman po kasi siya at saka talagang ipinaparamdam niya na espesyal ka sa kanya.”

Sa LUV U, pareho silang may gusto sa isa’t isa.

In real life, naiisip ba niya kung paano kung ganoon din sila sa totoong sitwasyon?

“Hindi ko po alam. Hindi naman po! Minsan…ay, minsan!” natatawa niyang sabi.

“Yun pong bago mag-take, ’Ay, ganoon pala yun.’ Hindi pa naman po ako nagkaka-boyfriend.

“So, bago mag-take, mari-realize mo, ganito pala ang nangyayari, like kapag maraming hadlang.

“Di ba po, dito sa LUV U, may lola kami na strict talaga, bantay-sarado?

“So, sabi ko, sa mga kabataan ngayon, may nangyayari rin palang ganito. So, yun po.”

At 15, regular pa rin na nakakapag-aral si Miles sa St. Anthony School sa Fairview.

Gusto na ba niyang maranasang magka-boyfriend?

“Hindi pa po,” nakangiti niyang sagot.

Paano kung ligawan siya ni Marco?

“Hindi ko po alam,” mabilis din niyang sagot, kaya biniro namin kung bakit biglang naiba ang sagot niya.

“Ay, naiba po ba ang sagot ko?” natatawang sabi niya.

“Hindi po, hindi pa po talaga. Seryoso po yun.”

Pumapasok ba sa isip niya na sana ay katulad ni Marco ang maging una niyang boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puwede po,” sagot niya.

“Kasi po si Marco, maalaga po siya sa mga babae. Maalaga po siya sa partner niya. Sweet po siya.

“Mapang-asar din siya. Nagpapatawa rin siya.

"Dati kasi, ang tawag ko sa kanya, Bilbil. Ang tawag naman niya sa akin, Double Chin.

“Pero ngayon, wala nang masyadong bilbil at double chin masyado!”

Sa palagay ba niya ay nakakapag-iwan ng magandang ehemplo sa mga mga kabataan ang show nila?

Sagot ni Miles, “Opo, tingin ko po.

"Kasi, kahit naman po nagpapakilig, nagpapatawa, kada episode po namin, meron kaming lesson na iniiwan sa kanila.”

KRIS’S DAUGHTER. Bukod sa LUV U, kasama rin sina Miles at Marco sa teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw, na pagbibidahan nina Kris Aquino, Anne Curtis, at Robin Padilla.

Si Miles ang magiging anak ni Kris sa serye.

Masaya raw si Miles na pagka-graduate niya sa Goin’ Bulilit, hindi siya napabayaan ng Kapamilya network.

“Opo, thankful naman po ako kasi, hindi po ako napapabayaan.

"Kasi siyempre po, ang ibang ka-age ko, after po naming grumadweyt sa Bulilit, ang hirap na pong bumalik. Kasi po, nandoon po tayo sa awkward stage.

“Pero ako po, thankful naman ako dahil lahat po ng role na naibibigay sa akin, magaganda naman at inaalagaan naman po akong talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN