Chito Roño on uncooperative actors: "Kung may problema ka, e, di mag-resign ka. Palitan kita."

Director Chito Roño directs the suspense-horror movie The Healing, which, he admits, is very physically demanding for actors. Before a shoot, he gives instructions and explains to his actors what he wants to achieve. For a Vilma Santos scene, he narrates: “Ibinalibag ko lahat yan! Kasi yun talaga ang role.”


Pinatotohanan ni Direk Chito Roño, direktor ng horror-suspense movie na The Healing, na pinagbibidahan nina Vilma Santos at Kim Chiu, na ibinalibag niya talaga si Vilma sa ilang mga eksena.

“Ibinalibag ko lahat yan! Kasi yun talaga ang role. Ma-action talaga yung pelikula. Medyo may aksyon.

“Kaya nga sinabi ko talaga beforehand na, ‘Oy, maaksyon ito ha? Tatakbo-takbo ka rito. May fight scene, may routine dito,’ ginanun ko siya,” kuwento ni Direk Chito sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

PHYSICALLY DEMANDING. Nag-alala na si Direk Chito kung pagagawa pa niya kay Vilma ang iba pang mga nakakapagod na eksena.

“Actually, nag-trim down na ako nung time na mahilo siya.

“’Ay, huwag ko nang gawin yung mahuhulog pa siya sa hagdanan.’ So, huwag na lang.

“Puwede namang i-revise ko, e, baka hindi na niya kakayanin.”

Puwede naman yung double ang mahuhulog na Vilma sa hagdan.

“Hindi. Kahit may double yung bagsak… e, marami pang mangyayari sa kanya.

“Sa ngayon marami pa nga, e. Pag napanood mo… ‘Ay! Ginawa lahat yun ni Vi!’ E, siya talaga yun, halos walang double.”

Hindi ba nag-reklamo si Vilma matapos ang unang physical scenes niya?

“Hindi naman yun nagrereklamo. Nagkuwento lang yun after na, ‘Nahilo ako…’ Tumawa ako… ’Bakit hindi mo sinabi kanina?’

“Kasi yung ibang mga kasama niya, nasa momemtum na. Dugo-dugo na sila… mga ganun. Alam mo namang trooper yan, e.”

“Hindi siya nag-reklamo, nagkuwento na lang siya kasi after na,” paglalarawan niya kay Ate Vi.

MORE ACTION. Sadista ba si Direk Chito na kahit si Kris Aquino ay pinahirapan niya sa mga nagdaang suspense-movie project nito?

“Hindi naman. Hindi naman surprise yun,” tanggi niya.

“Sinabi ko naman sa kanila beforehand na, ‘Ay, ire-require kitang maging action queen dito, ha?

“’Ibabalik natin yung panahon ng Darna na may fight-fight.’” paliwanag pa ni Direk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TERROR DIRECTOR. Pagkatapos pagurin si Kris at si Vilma Santos, masasabi ba ni Direk Roño na kinatatakutan siya kung kailangang may gawing ganoong bagay?

“Hindi naman. Like for example, nung makita ko si Kim na… nag-pack up siya ng 5 a.m. sa taping niya, 8 a.m. nasa set ko na siya.

“So, nung nakita kong hindi na niya kaya… alam ko naman na ang katawan ay may hangganan lang.

“Hindi ko naman pinipilit—hindi ko na siya tinorture. Pinak-up ko na siya.

“’Pahinga ka na, Ne, next time na lang. Magagawa pa naman natin ‘to.’

“Kasi wala na, pagod na. Nagta-try siya, nakikita ko nagte-take three na… nagta-try siya.

“Pero Diyos ko naman, pinagtrabaho mo yung bata hanggang alas-5 ng umaga sa taping.

“So, alam ko naman yun. Nagte-taping rin naman ako. Alam ko rin naman yung mundong yun,” paliwanag niya.

PLAYING FAVORITES. May mga paborito ba siyang artista sa set?

“Oo, nag-e-effort ako sa mga artistang nag-e-effort,” mabilis na sagot ni Direk Chito.

“Wala akong panahon sa mga artistang nandoon lang, nagpo-posing dahil ni-require silang pumunta dun. Doon ako pikon.

“Ayaw ko silang maka-trabaho uli hangga’t maaari!” mariin niyang sabi.

Maganda bang kinatatakutan sa set ang director?

“Hindi. Kasi ako, pagdating sa trabaho… trabaho. Kumbaga, nandito tayo ngayon.

“Hindi porke nandito ka lang. Kung hindi mo gusto itong project na ito, bakit mo tatanggapin?

“Di ba? Ngayon, kung may problema ka, e, di mag-resign ka. Palitan kita. Okey lang ba yung ganon?” tanong niya.

“Most of the time naman, yung mga artistang kinukuha ko, willing rin namang mag-trabaho for me. Willing rin silang gawin yung project.”

BOX OFFICE HITS. Masuwerte ang mga nakasama sa mga suspense-horror movie na dinirehe ni Direk Chito dahil lahat ay hindi lang obra kundi kumita rin sa takilya.

“Kasi nga lahat kami inspired. At inspiring ang isa’t-isa na magtrabaho,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang magic siguro ng paggawa ko ng pelikula. I make sure na nandoon lahat ng… ‘Gandahan natin, magkaisa tayo, gandahan natin.’”

Sa dami ng mga kuwentong nakakatakot, bakit tungkol sa mga faith healer ang ibinigay niya kay Ate Vi?

“Kasi kakaiba. Iba pa rin ang takbo ng kuwento dito at higit sa lahat…

“Kahit tanggalin mo lahat ng horror sequences, putulin mo, buung-buo pa rin ang kuwento, tatayo pa rin.

“Kasi ang istorya ng tao ang sinusundan ko at hindi istorya ng mumu [multo]. Hindi yung… kumbaga, part yun ng storytelling.

“Kasi nga genre siya. Pero yung human drama mismo, tayung-tayo siya.”

PROFESSIONAL WORKER. Aminado naman si Direk Chito na may dalang kasiyahan at fulfillment sa kanya na makatrabaho si Vilma Santos.

“You know that you’re working with somebody who is more than just an actress—who is more than just a star for all seasons.

“You have somebody, who is sincerely and honestly cheerful when she works.

“Iba, e—iba talaga, e. Iba yung masaya siya na nagta-trabaho siya. It’s very infectious na lahat kami nai-inspire sa kanya.

“Alas-3 ng madaling araw… alam naman natin day person na si Ate Vi. Pag sinabi mo sa kanyang 8 a.m., nandiyan na siya… unlike…”

“Nagsimula ako sa kanya after lunch lang siya sa akin before, yung mga panahon namin dati.

“Nakasimangot yan pag darating sa umaga kasi hindi siya day person.

“Pero sa tagal na niya sa public service, nasanay na siya sa day person.

“So, talagang umaga nandiyan na siya. Yun ang maganda dito.

“Kaya siguro napabilis rin kami even if we’re limited to two shooting days a week lang. Bihira kaming mag-three times.

“Inuumaga kami dahil twice a week lang kaming nagsu-shooting pero hindi ko naman sinasagad.

“May mga times na after dinner, tapos na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga araw nga kami na day effect lang, e,” panghuling bida niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN