Janice de Belen on ex-husband John Estrada: “Kami ni John, hindi na kami magiging magkaibigan.”

Janice de Belen returns to doing horror movies in The Healing with veteran actress Vilma Santos under the direction of award-winning director Chito Roño. Surprisingly, Janice admits she is intimidated doing the movie with Vilma Santos: She explains why: “Na-intimidate ako nun. Pero siyempre, bilang artista, hindi mo puwedeng hindi maramdaman yung intimidation.”


Ang horror-suspense movie na The Healing, sa direksyon ni Chito Roño ang itinuturing na comeback horror-suspense movie ni Janice de Belen.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Janice, sinabi niyang Shake Rattle & Roll 5 ang pinakahuling horror-suspense movie niya.

Kakaiba raw ang naramdaman niya habang ginagawa The Healing.

“Siyempre exciting. I haven’t done this in a while,” bungad na pahayag niya.

“Pag gumawa ka ng horror gusto mong malaman ay, ‘Eto pala ang feeling—eto pala yun!’”

Para bang nanganay ka uli sa paggawa ng ganitong genre?

“Nanganay ako nang konti,” pag-amin niya.

“Siguro nanganay ako because, first, si Ate Vi. Isa pa si Chito Roño.

“Alam mo naman, di ba? Bilang, sabi ko nga nakakatakot siya talaga. So, siyempre, you want to give your best.

“You want to be sure na kapag humarap ka sa camera at pag action at nag-cut siya, natuwa siya sa ginagawa niya.”

Sa husay na aktres ni Janice parang wala rin naman siyang kinatatakutan.

“Natatakot kaya ako kay Direk Chito. Natatakot ako pag nasa harap ka na ng kamera at ume-eksena na, siyempre nakakatakot siya.

“Natatakot talaga ako sa kanya. Pero pag ganitong tsikahan, hindi na.”

INTIMIDATING. Pati raw kay Ate Vi, nakaramdam rin ng takot si Janice.

“Na-intimidate ako nun. Pero siyempre, bilang artista, hindi mo puwedeng hindi maramdaman yung intimidation.

“Pero kailangang gawin mo yung trabaho mo, e. You have to rise above it.

“Pero ang feeling ko, ang pinaka-na-intimidate ako… kasi minsan yung mga artista nagtutulungan sa eksena—support-support.

“Si Ate Vi, lumapit sa akin... ‘Pa-support, ha?’ ‘Si Ate Vi? Nagpapasupport sa akin? What’s wrong?’” pagtataka ni Janice.

“Siyempre, nakaka… ‘Wow, si Ate Vi nagpapa-support!’ E, ako itong nangangailangan ng support.”

Flattered ka sa paglapit ni Ate Vi?

“Siyempre, flattered ako. Saka si Ate Vi, never niya talagang ipinaramdam na iba ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo na kapag nagkukuwentuhan na kayo.”

BACK TO ACTING. Kilala bilang isang chef si Janice, pero paminsan-minsan, lumalabas pa rin siya sa mga acting project.

Talaga bang hindi niya maiwan ang pag-aartista?

“Alam mo, siguro there was a period in my life that I felt yung pagiging artista parang nakasagabal siya sa personal kong buhay.

"Ahmm… kasi mahirap when you’re in the public eye, di ba? Hindi mo masosolo ang buhay mo. Hindi talaga, e.

“And when all things fail and you have to talk about it at marami ang nagtatanong sa iyo…

“Na hindi mo gustong may magtanong sa iyo tungkol doon. Naiisip mong, ‘Kailangan ba talaga ito?’

“And then after a while… ‘Okey na.’

“Alam mo, I realized na I love my job more than I ever did.”

Ibig sabihin, tanggap niyang hindi magkaroon ng partner hangga’t nasa loob siya ng industriya?

“Hindi naman. Mahihirapan akong magkaroon ng partner—period!

“Walang kinalaman sa pagiging nasa limelight ko.”

“Siguro ako na mismo... trabaho na lang muna ako. Alam mo, totoo yun. Mahirap! Mahirap talaga.

“I’ve said this many times before. Siguro pag dumadating yung time na mamimili ka between love and work…

“Ang nagiging sagot sa lahat ng issue, love na lang ang pipiliin ko.

“Pero ngayon, it’s different. I love what I’m doing now. Lahat ng ginagawa ko ngayon sa pagiging OA [overacting] ko sa kabisihan [busy]…

“Parang ang feeling ko, yung mga bagay na nangyayari sa akin dapat noon pa, pero parang parating naantala,” paliwanag niya.

HEALING PROCESS. Matagal nang binitiwan ni Janice ang salitang “I’m totally healed” mula sa hiwalayan sa asawang si John Estrada.

Kamakailan ay nagpakasal si John sa Brazilian beauty na si Priscilla Meirelles.

“Healing doesn’t mean na kailangan ganun.

“Kami ni John hindi na kami magiging magkaibigan,” paniniguro niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey na kami kung ano meron kami. We’re civil. Kung kailangang mag-usap…

“Kung talagang kailangang-kailangang mag-usap… then mag-uusap.”

Tinuldukan na ni Janice ang anumang namagitan sa kanila ni John at parang lumalabas na naging magkakilala lang sila at hindi naging mag-asawa.

“There are so many things that I would rather not talk about na naging factor ng desisyon ko na maging ganyan.”

“Alam mo, ang importante sa akin ngayon ay… huwag na lang nga,” pigil niyang kuwento.

“It’s vital for a friendship to have trust and respect, and matinong kausap.”

Naapektuhan ba ang mga anak ninyo sa ganitong sitwasyon?

“Hindi. I’ve always been upfront and honest with my children.”

Nagtatanong ba sila kung bakit ganito ang samahan ninyo ng father nila?

“Hindi. They know. They understand why.”

Biglang kumambyo si Janice, “[It has] nothing to do with me, ha?

“You know, it’s nothing personal with me. May kinalaman ito sa mga anak niya at alam niya kung ano yun.”

Ito na ba yung support ni John sa mga anak ninyo?

“Alam na natin yun, di ba?”

NO CONNECTION. Sa pagkakaroon na ng asawa at anak ni John, tanggap na ba ito ni Janice?

“Diyos ko, huwag na natin siyang pag-usapan. Hindi naman siya kasama sa The Healing.

“Ay, you know what he does sa buhay niya, it’s his fate. I have nothing to do with it. It’s not my business.”

Maganda si Janice ngayon at mukha siyang masaya kahit wala siyang lovelife o partner.

“Ay, oo naman. Hindi naman dapat ibinabase ang kaligayahan sa ibang tao.

“Dapat sa iyo yan. Right now, happiness is my children and the work that I do.”

RESTAURANT VENTURE. Si Igi Boy, ang anak niya kay Aga Muhlach, ay chef na ngayon, balak ba nilang mag-ina na magtayo ng restaurant?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May restaurant siya sa Parañaque. Ako ang wala pa. Ako ang natatakot—parang horror film yun!

“Nakakatakot mag-gamble. Gusto ko siyempre, dream ko yun. Siguro isa yun sa mga dream ko ngayon.

“Pero kailangan timing, ayos lahat, pinag-isipan. Ayoko ng nagmamadali.”

Tanggap na ba niya ang pagiging lola?

“Oo naman. Hindi naman issue sa akin ang maging lola, e.”

“You know, I don’t get to see them as [much as] I wish because I live in QC and my son lives in Parañaque. So, hindi ko sila nakikita as often.

“Pero pag nandyan naman sila, Diyos ko naman, hilong-hilo ako sa kanila!”

Nagsayaw na ang mga anak nila ni John sa ASAP minsan, hindi ba sila interesadong mag-artista?

“Parang wala naman… You know, okey lang sa kanila ang magsayaw sa TV—walang problema, kumanta—okey lang yun.

“Pero ayaw nila nito—yung umaarte. Ayaw nila ng ganyan.

“Ayaw nila ng kailangang umiiyak,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN