Mario O’Hara’s family grateful to the CCP and Cinemalaya for recognizing the late actor-writer-director’s achievements

The Cultural Center of the Philippines and the Cinemalaya Foundation Inc. presented a Certificate of Recognition to the family of the late actor-writer-director, Mario O’Hara, on July 20 at the opening of Cinemalaya 2012.


Matapos ang talumpati ni Laurice Guillen, honoring the late actor-writer and filmmaker, Mario O’Hara, ay ang paggagawad ng parangal, o Certificate of Recognition para sa yumao.

Ang division chief ng CCP Public Relations na si Ms. Irene O. Rada ang bumasa ng citation.

"The Cultural Center of the Philippines and the Cinemalaya Foundation Inc. would like to present a Certificate of Recognition to the late Mario O’Hara.

"The certificate reads:

"Iginagawad ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at Cinemalaya Foundation, Inc. itong pagkilala kay Mario O’Hara, para sa kanyang mahalaga at natatanging ambag sa pelikula, dulaan, at panitikang Pilipino, bilang direktor, aktor at manunulat.

"Iginagawad ngayong ika-20 ng Hulyo, 2012, sa pagbubukas ng ika-8 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, sa Tanghalang Nicanor Abelardo, ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas."

Nilagdaan ito nina Dr. Raul M. Sunico, President, Cultural Center of the Philippines, at Antonio G. Cojuangco, Chairman, Cinemalaya Foundation, Inc.

Presented by Laurice Guillen, Cinemalaya Competitions Director, and Dr. Raul M. Sunico, CCP President, ang Certificate of Recognition ay tinanggap ni Heber O’Hara, ang 17-year old nephew ni Mario O’Hara.

Isinatinig sa talumpati ang katotohanang hanggang sa pagpanaw ay nananatiling sumusuporta sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival si Mario O’Hara.

Heber’s acceptance speech reads, in full:

"Good evening po. I’m speaking in behalf of the O’Hara family.

"Gusto po naming pasalamatan si Ms. Laurice Guillen. At gusto po naming pasalamatan ang Cinemalaya, dahil sa tribute po na ito.

"It’s such a big honor po [para] kay ’Tito’ Mario.

"Gusto ko rin pong pasalamatan ang lahat po ng taong nag-suporta at nagmahal sa kanya; sa pagtagal po ng kanyang career.

"At ang lahat po ng sumusuporta sa Cinemalaya, dahil ang Cinemalaya po sa kanya ay isang napakagandang bagay... at isa po sa mga kagustuhan niya na magkaroon po ng mga bagong filmmakers dito po sa ating bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nagpapasalamat po kami.

"At [pang-huli po], nagpapasalamat po ako sa lahat ng nagmamahal [at nagmahal] kay ’Tito’ Mario.

"Yun lang po," pangwakas na banggit ni Heber O’Hara.

Masigabong palakpakan din ang isinalubong ng manonood at tagapakinig sa acceptance speech ni Heber, dahil sa natural at heartfelt message mula sa isang grown-up nephew na paborito (among his many nephews and nieces) ng yumaong si Direk Mario.

Kasalukuyang mag-aaral si Heber O’Hara, bunsong anak nina Peewee at Jerry O’Hara, actor-director, sa Pamantasan ng Santo Tomas, sa Maynila, sa unang taon ng kursong Liberal Arts (Malayang Sining).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN