Derek Ramsay back from Frisbee tourney in Japan, says it’s his last major game

Derek Ramsay recounts his experience playing Frisbee with the Philippine team in the World Ultimate and Guts Championship: "Halfway through it ay gusto ko nang sumuko, kasi sobrang sakit, pero sobrang competitive nung game and it’s my last major tournament kaya binigay ko na talaga lahat.”


Nagbalik Pilipinas na si Derek Ramsay mula sa halos dalawang linggong pamamalagi sa Japan para sa isang international Frisbee competition na sinalihan niya at ng Philippine team.

Kuwento ni Derek sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), nagkaroon ulit siya ng aksidente habang ongoing ang laro.

Lahad niya, “Lagi naman e," patungkol niya sa pagkakaroon ng freak accident.

“Galing akong Japan, nag-compete kami sa World Ultimate and Guts Championship.

"Seven days kami dun and at least two games a day and yung isang game medyo 2 hours ang tagal, medyo nabugbog yung katawan ko.

“Pero wala namang nabali pero may mga sugat at sakit sa katawan. May bagsak kasi ako na masamang-masama e, at tinamaan yung kidney ko.

"Yun, sobrang masakit at nagkaroon ng pasa ang kalahati ng likod ko.”

Dito na daw umihi ng dugo si Derek. Pero okay na ang aktor sa ngayon. At kahit nagkaroon daw siya ng injury, masayang-masaya ito sa kinalabasan ng laro.

Lahad niya, “E, kasi you’re playing for your country, pag nandun ka na, wala na yung pain.

“Pagkatapos dun mo na lang maramdaman. Pero halfway through it ay gusto ko nang sumuko, kasi sobrang sakit.

"Pero sobrang competitive nung game and it’s my last major tournament kaya binigay ko na talaga lahat.

“And I’m very proud of the Philippine team because from 14th, we finished 7th place."

Abangan ang marami pang rebelasyon ni Derek tungkol sa kanyang naging laro sa Japan. Ito na ba ang hudyat na titigil na siya sa paglalaro ng Frisbee?

At ano naman kaya ang kanyang reaksiyon sa madalas na sightings ng kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz?

Bukas na yan, July 23, sa Juicy ng TV5, alas dose ng hatinggabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN