Vhong Navarro believes sitcoms are making a comeback

Vhong Navarro says there’s no truth to the rumor that he and Vice Ganda exchanged expletives in the hallway. “Natatawa nga ako roon. Kasi kami—kung meron mang tampuhan, tampuhang magkakapatid. Pero yung murahan daw sa hallway, naku, hindi ako gagawa ng ganoon, at hindi namin gagawin ni Vice yun."


Nang makausap namin si Vhong Navarro sa taping ng Toda Max noong Martes, pinaalala namin sa kanya na noong una nila itong ni-launch, nandoon ang adhikain nila na sana, muling mabuhay ang sitcom sa telebisyon.

Ang Toda Max ay sitcom sa ABS-CBN na napapanood tuwing Sabado ng gabi.

Ayon naman kay Vhong, “I think, oo naman. Iba ang sitcom ngayon, mas upgraded na. Kung napapanood niyo ito, iba na. Wala kaming mga personalan. Hindi kami name-mersonal sa isa’t-isa.

“Dito, may pinanghahawakan na kaming mga karakter.”

Sa palagay ba niya, mas okay na walang mga hirit na personalan sa sitcom ngayon na siyang isa sa inaabangan din noon?

“Noon kasi, yung sitcom nauso nga ang mga personalan na inumpisahan ng Palibhasa Lalaki. Pero, baka isa rin yun na dahilan na nagsawa ang tao kaya nawala ang sitcom.

"Dumating sa point na late na nilalagay sa oras, number one yun, kaya doon din bumitiw na ang manonood.”

Naniniwala si Vhong na bumabalik na ang sitcom at isa nga dito ay ang Toda Max.

“Ibinabalik natin kasi ang nakasanayan natin, at sinimulan ni Tito Dolphy. At least, ang Toda Max, napaka-suwerte dahil napanood pa ni Tito Dolphy [ang show].

"Yung mga writers namin, nakadalaw kay Tatay, sa bahay nila, halos same writers din ng Home Along da Riles.

“Tapos yun nga, sa awa ng Diyos, magda-dalawang taon na ang Toda Max at nagugustuhan naman ng mga manonood. Binabalikan nila at nagugustuhan naman nila ang mga characters.”

SUCCESSFUL LOVETEAM. Isa pa nga raw sa masasabing umusbong din sa sitcom nila ay ang loveteam ni Vhong at ni Angel Locsin bilang sina Justin at Isabel.

“Ang dami ngang nagkakagusto, ang daming nagulat. Dahil sa loveteam namin ni Angel, irregular siya talaga dapat.

"Four weeks lang siya dapat na guest namin. Nagustuhan siya nina Tita Charo [Santos-Concio], Tita Linggit Tan, at Tita Cory [Vidanes].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung chemistry, ewan ko kung saan galing yun. Dapat kasi, may project kami, Kokey. Nagkasama kami sa pictorial.

"Next noon, nag-pictorial ulit ako, iba na ang kasama ko. Si Toni [Gonzaga] na. Nagkaroon ng soap si Angel, e, serious.”

So, parang meant to be pala talaga sila ni Angel na magka-pareha?

“Oo, may movie pa kami. Pero sa susunod pa rin yun, kasi, may ginagawa pa siya ngayon sa Star Cinema.

"Yung sa amin, horror-comedy, si Direk Joyce Bernal ang director.”

COMEDY PRINCE. Nasabi namin kay Vhong na kung tutuusin, wala talagang sumunod sa yapak ni Mang Dolphy bilang Hari ng Komedya, pero siya sana ay puwedeng ipasok na Comedy Prince.

Yun nga lang, bakit tila matagal bago nasundan ang huling pelikula niya?

“May mga ano naman, like ngayon, may gagawin ako na Shake, Rattle & Roll, si Direk Chito [Roño] rin ang director. Tatlong istorya yun, basta ang isa ro’n, sa akin.

"Star Cinema naman, siyempre, sila naman yun, nasa kanila naman yun. Hindi ko alam kung ano ang problema nila sa akin,” biro niya.

ON VICE GANDA. Nagkaroon nga ba sila ng tampuhan o hindi pagkikibuan ni Vice Ganda?

Sabi naman ni Vhong, “Natatawa nga ako roon. Kasi kami—kung meron mang tampuhan, tampuhang magkakapatid.

“Pero yung murahan daw sa hallway, naku, hindi ako gagawa ng ganoon at hindi namin gagawin ni Vice yun.

“Para kaming magkakapatid sa Showtime. Kumbaga, nagbibiruan kami, puwede tayong mag-asaran, pero, alam naman namin ang boundary.”

Yung isyu raw na yun, completely walang katotohanan.

“Sumagot kami agad doon kasi, wala talaga.”

Para kay Vhong, wala naman daw siyang nakita sa sinasabing lumaki na ang ulo ni Vice.

Ayon kay Vhong, “Wala… at saka ako, wala akong nakita at hindi niya ako pinakitaan ng ganoon, paglaki ng ulo.

"Tayo naman kasi, binabasa rin natin ang ating sarili, kung ano nga ba ang problema at lumaki ang ulo. Tingnan muna natin, may problema ba ‘to? Sino ba ang mga kasama nito? Sa akin kasi, doon ko binabase.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang tao kasi, akala kapag artista, palaging okay lalo na kapag comedian. Hindi nila alam, may problema rin yan.”

Hindi ba siya sinasabihang lumaki na ang ulo niya?

“Ako naman, ‘pag ganoon, sinasabi ko, tingnan niyo rin muna kung ano ang pinagdadaanan ng tao. Tao rin kami na tulad niyo, kapag hindi kayo napansin o nakita, malaki na agad ang ulo.

“At saka ako, sa gabi, bago ako matulog, pinagdadasal ko na, Lord, tulungan niyo po ako na huwag akong magbago, huwag lumaki ang ulo ko.

"Siyempre, tao lang din ako, hindi ko alam. Sino ba ang nasa paligid ko, makaka-apekto ba ‘to?

“Kaya ang mga kasama ko, dalawa lang, driver ko at saka make-up artist ko,” biro pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN