Kim Chiu peeved by accusation that her relationship with Xian Lim is just for show

Sagot ni Kim Chiu sa akusasyong pang-camera lang ang anumang namamagitan sa kanila ng kaparehang si Xian Lim: “Sa amin kasi ni Xian, pag may kailangan on-screen, pag off-screen, alam na namin yun. Hindi naman kailangan... bakit kailangang magkaroon ng ganun? Parang napakasama naman ng mga tao na nagkukuwentuhan nang ganun. Siguro naiinggit sila o ano man... Hindi ko alam kung bakit sila makakapagsabi ng ganung bagay na hindi naman totoo."


Isang araw bago ang 23rd birthday ni Xian Lim noong July 12, isang maliit na party ang inihanda ng mga kaibigan niya, sa pangunguna ng ka-loveteam niyang si Kim Chiu.

Kasama ni Kim sa paghahanda si Maja Salvador at ilan pang non-showbiz friends nila.

Balita ring niregaluhan ni Kim ng mamahaling travel bag at sapatos si Xian.

Kinumpirma naman ito ni Kim nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa bakuran ng ABS-CBN.

Aniya, “Wala lang, kasi mahilig siya sa sapatos. Travelling bag, kasi yung bag niya, masyadong masikip, maliit...

"Yun ang laging paborito niya, so yun. Naisip ko palitan naman niya.

“Binigyan niya ako ng coin kasi pamahiin yun. Ewan ko, parang hindi raw matapak-tapakan.”


BIRTHDAY BLOWOUT. Ikinuwento rin ni Kim ang simple at intimate birthday party na ibinigay nila para kay Xian.

“With friends. Sabi niya kasi hindi raw siya usually nagse-celebrate ng birthday niya, usually nasa bahay lang daw sila ng bahay ng mommy niya.

“So kami nila Maja, yung mga non-showbiz friends namin, parang sinelebreyt namin... yung celebration talaga.

“Kami-kami, kaming lahat, sabi namin, ‘Bigyan naman natin ng birthday si Xian,’ parang ganun.

“’Lagi naman siyang nanlilibre sa atin, tayo naman ang manlibre sa kanya.’ Kami-kami lang kasi mahal na pag marami kami.

“Restaurant lang. The day before ng birthday niya.”

HAPPINESS. Sa hiwalay na panayam kay Xian, sinabi niyang ang wish niya sa kanyang kaarawan ay makuha ang kaligayahan ng puso niya—na obvious namang si Kim ang pinatutungkulan niya.

Hiningan namin ng reaksiyon ang young actress sa hindi mamatay-matay na isyu na may mutual understanding na talaga sila ng kapareha, pero hindi pa lang nila ito kinukumpirma.

Sagot ni Kim, “Hindi ko alam… pero masaya kami pag magkasama kami. Ganun muna.

“Siyempre, dapat mayroong magandang foundation ng pagkakaibigan bago muna pumasok sa isang bagay na masasaktan ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko pa alam pero nagkakaintindihan naman kami. Maayos naman kami.

“Nakukuha niya lahat ng jokes ko. Masaya kami pag magkasama.”

NOT JUST FOR THE CAMERA. Sa nasabi niyang ito, meron siyang advice sa mga nag-aabang ng kumpirmasyon mula sa kanila: “Huwag nating pangunahan. Enjoy the moment.”

Ayon din kay Kim, kung anuman ang mayroon sila ni Xian, hindi ito dahil sa sinasabi ng ibang tao o pang-camera lamang.

“Iba yung para sa ibang tao, iba naman yung para sa personal na buhay.

“Sa amin kasi ni Xian, pag may kailangan on-screen, pag off-screen, alam na namin yun.

“Hindi naman kailangan... bakit kailangang magkaroon ng ganun? Parang napakasama naman ng mga tao na nagkukuwentuhan ng ganun.

“Siguro naiinggit sila o ano man... hindi ko alam kung bakit sila makakapagsabi ng ganung bagay na hindi naman totoo.”

GROWING UP. Ayon kay Kim, ang kinalakihan nilang pamilya ang isa sa mga bagay na nagpalapit sa kanila ni Xian.

Paliwanag ng young actress, “Iba kasi ang nakalakihan namin.

"Ako, family-oriented; siya, sila silang dalawa lang ng mommy niya.

“Parang natutuwa siya sa amin na kami-kami ng mga kapatid ko, lumalabas kami minsan.

“’Ang saya pala ng may mga kapatid,’ gumaganun siya.

"Maayos siyang makisama sa lahat ng mga tao, lalo na sa pamilya ko. Kilalang-kilala na siya ng pamilya ko.”


LATEST TEAM-UP. Kinumusta rin ng PEP kay Kim ang teleserye niyang Ina, Kapatid, Anak, kung saan makakapareha niyang muli si Xian, matapos ang matagumpay na My Binondo Girl.

Aniya, “Maayos naman, maayos naman kaming nag-taping.

“Nag-taping kami sa Cebu, ongoing... and excited na kami na mapanood na ng mga tao kasi ibang istorya… ibang kuwento for us.

“Ito yung second teleserye na magkasama kami.

“Para sa mga fans na rin para mapanood nila yung teleserye, kasi medyo matagal na rin nila na hindi kami napapanood.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE HEALING. Sa pelikula naman ay ipalalabas na sa July 25 ang The Healing, kung saan kasama ni Kim si Governor Vilma Santos.

Malayo raw ang role na ginagampanan niya rito kumpara sa mga dati niyang pelikula.

"Isang panibagong role na ipapakita ko sa mga tao in six years. Hindi na pa-sweet, wala akong loveteam dito, yung ako lang," sabi niya.

Labis-labis din ang pasasalamat ni Kim sa mga papuri sa kanya ng Star For All Seasons.

“Siyempre, nakaka-flatter. Ilang beses nga akong nagte-thank you sa kanya, nagte-text ako lagi ng ‘thank you.’

“Lalo na nung presscon, ’tinataas niya ang bandila ko, sabi ko, ‘Governor Vi, maraming salamat talaga.’

“Sabi niya sa akin, ‘Paulit-ulit ka na.’ Sagot ko, ‘Okay lang po, hindi ko po mapigilan.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN