Ai-Ai delas Alas reveals dream movie projects: "Siyempre, movie with Ate Vi, with John Lloyd..."

Pagkatapos ng tatlong sunud-sunod na taon ng pagkakaroon ng entry sa Metro Manila Film Festival, ngayong taon ay hindi muna mapapanood si Ai-Ai delas Alas sa taunang film festival. Aniya, “Pahinga ako this year. Sunud-sunod kasi, so ngayon lang ako makakapagpahinga.”


Noong July 18 ay pumirma ng four-picture, three-year movie contract sa Star Cinema si Ai-Ai delas Alas.

Present sa contract signing sina Ms. Charo Santos, presidente ng ABS-CBN; Ms. Malou Santos, managing director ng Star Cinema; at Mr. Boy Abunda, ang talent manager ni Ai-Ai.

Ayon sa Comedy Concert Queen, masaya siya dahil bahagi pa rin siya ng film arm ng Kapamilya network, na itinuturing niyang tunay niyang tahanan.

Ano ang mga nakalinya niyang proyekto sa kontratang ito?

“Yung Enteng Ng Ina Part 2... yung iba, tinatanong pa nila ako kung ano ang gusto ko.

“Sabi ko, siyempre movie with Ate Vi [Vilma Santos], with John Lloyd [Cruz], and hindi ko pa alam kung ano yung iba pa.

“Depende sa kanila, depende kung ano yung pag-uusapan.

“I’m very happy. Nandito pa rin ako sa aking Kapamilya network, so masaya ako… happy," saad ni Ai-Ai sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


NO MMFF ENTRY THIS YEAR. Marami ang nagulat na walang pelikula si Ai-Ai sa darating na 2012 Metro Manila Film Festival.

Inaasahan kasi ng marami na ang Part 2 ng Enteng Ng Ina Mo nila ni Vic Sotto ay ngayong taon maipalalabas.

Pero ayon kay Ai-Ai, “Hindi ngayon, pero alam ko, 2013—not this year, but next year.

"Noon ko pa yun request, and dapat idyo-join din namin sa MMFF, pero busy din sila kaya next year na."

Liban diyan, ayon kay Ai-Ai, “Pahinga ako this year. Sunud-sunod kasi, so ngayon lang ako makakapagpahinga.

"Tingnan natin kung may something nga.”

DREAM PROJECTS. Sa anong klase ng pelikula gusto niyang makasama sina Governor Vilma Santos at John Lloyd Cruz?

“Comedy-drama, pero more on drama kami," sabi ni Ai-Ai tungkol sa naiisip niyang pelikula kasama ang Star For All Seasons.

"Kay John Lloyd, tingnan natin kung amo ko siya at katulong ako! Hahaha!

“Never ko pa siya nakasama, e, hindi tulad ni Papa P [Piolo Pascual], nakasama ko na siya sa concert, nakasama ko na siya sa ASAP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si John Lloyd, never.

“Kahit saan. Kahit sa soap, never ko pa siyang nakakasama. Kahit sa guesting nga lang, hindi ko siya nakakasama.

“Mahusay siya, alam naman natin na isa siya sa pinakamagaling nating aktor."

Anong espesyal na eksena naman ang gusto niyang gawin nila ni John Lloyd?

“Special scene? Siguro kung type ko, siyempre, kissing scene! Alangan namang wala, siyempre mayroon!” natatawang sagot ni Ai-Ai.


WEDDING BELLS? Bukas naman si Ai-Ai na masaya siya ngayon sa kanyang lovelife.

Isang non-showbiz car executive ang bago niyang boyfriend. Nagngngangalan itong Jed Alvin Salang.

Ayon sa komedyana, “Ngayon, sa lovelife ko, marami naman akong natututuhan sa kanya. So far, kami pa rin, mabuti naman.

“Six months na kami, half a year na. Kaunti na lang, achievement na yun, ha!"

May isyu na kaya raw hindi siya gagawa ng pelikula para sa MMFF ay dahil may balak na silang pakasal ng boyfriend niya.

May halong pag-iiwas naman itong sinagot ng Comedy Queen.

“No comment. Hindi ko masagot, saka na lang natin sagutin ‘yan. Isipin na lang natin yung pagkakakitaan ko muna."

Ayon pa kay Ai-Ai, tanggap ng mga anak niya ang boyfriend at maganda rin naman na ang relasyon niya sa pamilya ni Jed.

“Okay. Okay naman sila, lalo na yung bunso, okay sila.

"Yung family niya, okay naman sila, mababait silang pamilya.”


CHILDREN IN U.S. Sinabi rin ni Ai-Ai na nasa Amerika ang dalawang anak niya sa singer na si Miguel Vera.

Kuwento niya, “Kaya ako nandun sa America kasi yung dalawa kong anak, nandun na muna. Si Sofia dun mag-aaral. Si Nikki papasok sa Air Force.

“Hindi ko tinutulan kasi para mayroon siyang option in case na maging U.S. citizen sila. Uso naman dito ang dual citizenship.

“May option sila kung gusto nila dito o gusto nila dun, at least mayroon silang fallback."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Ai-Ai, “Kung emosyunal ba ako? Oo naman, dati pa.

"Three months ago, dinisesyunan ko na yun. Naiwan na sila dun, hindi ko lang ’pinaalam sa publiko.

“Emosyunal hanggang ngayon, lalo na yung bunso, kasi only girl ko yun, sanay siya dito.

“Sabi ko sa kanya, ‘Okay lang yun, magiging maganda for you, magiging independent ka.’

“Alam ko magiging maganda ang future nila in case maging citizen sila. Kasama nila dun ang papa nila.”

Naiwan sa bansa ang anak na si Sancho.

“Okay naman si Sancho. Hindi na umabot, 21 na, e. Overage na.

"So yung dalawa lang yung umabot—si Nikki and Sofia."

Ayon kay Ai-Ai, matagal na palang suhesityon ni Miguel sa kanya na dalhin sa Amerika ang mga anak nila, pero medyo natagalan siya bago nakagawa ng desisyon.

“Immigrant kasi si Miguel, so noon pa, 2005, pinetisyon sila. E, luka-luka ako, hindi ko pinayagan, so ngayon na lang ulit.

“Ako ang may problema, ang tagal kong mag-isip. Buti nga humabol pa yung dalawa."


FOR DOLPHY. Nabanggit din ni Ai-Ai na wala siya sa bansa nang sumakabilang-buhay ang Comedy King na si Dolphy, pero nakadalaw siya nang naka-confine pa ito.

Kuwento ni Ai-Ai, “Nasa America ako, pero nagpa-Mass ako sa L.A. [Los Angeles].

"Nag-text sa akin yung mga friends ko, na si Tito Dolphy, yun nga, wala na.

“Nakakalungkot pero lahat naman tayo ay pupunta at babalik sa ating tahanan with the Lord, ganun talaga ang buhay.

“Nakasama ko siya sa mga guestings ko and sa Home Along [Da Riles].

"Pag may mga specials siya, like birthdays, anniversaries, parati akong ka-join.

“Siguro lahat naman, yun ang sinasabi ng mga artista sa industriya—kung gaano kabuting tao si Tito Dolphy.

“At kung gaano siya ka-humble at kung gaano siya makipagkapwa-tao at kung paano niya ibinigay ang buong talent niya sa atin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinaligaya niya ang buong sambayanan sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.”

Isyu pa rin hanggang ngayon ang National Artist award na hindi na naipagkaloob sa Comedy King bago ito pumanaw.

Para kay Ai-Ai, kung naging bahagi lang siya ng grupong nagdedesisyon dito, matagal na itong naibigay kay Dolphy.

“Noon pa naman yun dapat ibinigay sa kanya, dapat siguro ibigay.

"Dapat lang kasi matagal na siya sa industriya and I think dapat nga nung buhay pa siya, binigay na yun, e.

“Hindi naman ako kasali sa asosasyon nila, so wala akong ma-opinion.

“Pero kung ako kasali sa asosasyon nila, e, di tapos na ito—National Artist na si Tito Dolphy, dati pa!" sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN