Mylene Dizon on breakup with musician Ira Cruz: “Magaling kami maging magkaibigan... As lovers, meron siyang hangganan pala.”

Perhaps Mylene Dizon’s previous experiences make her an authority on giving advice about precarious relationships. She says: “Tanggapin niyo na lang kasi, the more that you try to make it work and you’re struggling, kapag alam mong dead-end, dead-end talaga, e.” She admits to dating a non-showbiz person.


Single pa raw ang The Buzz host na si Charlene Gonzalez nang huli silang magkita ng panauhin niya sa show na si Mylene Dizon.

Saka sinunod naman ni Mylene ang birong-totoo na, “single” pa rin naman daw siya hanggang ngayon.

Sa umpisa ni Charlene, pinag-usapan nila ito ni Mylene, lalo pa’t balitang break na sina Mylene at ang boyfriend na si Ira Cruz.

CINEMALAYA ENTRY. Pero ang tungkol muna sa pelikulang Aparisyon ni Mylene, na kasama sa Cinemalaya, ang una nilang pinag-usapan sa live guesting ni Mylene kahapon sa The Buzz.

Kakaiba ang role ni Mylene sa Aparisyon. Isa siyang madre rito.

Aniya, “I played a nun. Well, rurok na ito sa kabaitan ko. Palaging sanay ang mga tao sa akin na palagi akong kontrabida sa telebisyon.

“This one is really special because napakatahimik ng pelikula, and we have so many limitations in doing this film.

“Kasi nga, kailangan naming sundin, may mga rules yan na kailangan mong gawin as a nun.

“May mga bawal kang gawin, bawal kang sabihin. Yung pinili naming grupo, yun yung mga sagrado lang. You live inside the kumbento and that’s it.

“Walang puwedeng lumabas, just my character, to go to the market and buy supplies.”

Isa sa kasama ni Mylene sa Aparisyon si Rustica Carpio. Hindi natiis ni Mylene na ikuwento ang naging karanasan nila sa isang eksena.

“There’s this one scene na natunganga na lang ako sa kanya. She’s so spectacular,” paghanga ni Mylene.

MUTUAL DECISION. Ang relasyon nina Mylene at Ira ay masasabing on and off.

Una silang nagkaroon ng relasyon noong bago pa maging ina si Mylene ng dalawang anak niya kay Paolo Paraiso.

Pagkatapos, nang may dalawang anak na nga siya, muli silang nagkabalikan ni Ira.

Ngunit kailan nga lang, nag-break na naman daw ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta ang maging single muli?

“I am more focused really now with my family... my children, my work, and these really occupy my time. I don’t feel that there’s anything missing.

“I’m puno naman. I get more time para sa sarili ko. I get to travel abroad… I get to do new things.

“I get to explore things na hindi ko pa nagagawa sa buhay ko. So, it’s not meron or naglo-long ako or may kulang.”

Mutual decision naman daw nila ni Ira ang paghihiwalay nila ngayon, pero bakit sila umabot sa ganoong desisyon?

“Alam niyo, kapag alam niyo namang dalawa na hindi na kayo nagwo-work, like, you know, ‘Hindi tayo nagwo-work ‘no?’

“Tanggapin niyo na lang kasi, the more that you try to make it work and you’re struggling, kapag alam mong dead-end, dead-end talaga, e.

“It kind of dwindled away.”

Dugtong pa ni Mylene, “Actually, it was a great relationship naman with Ira. Ira and I are very good friends.

“Alam ng mga tao na nagki-click talaga kami. Pero I guess, magaling kami maging magkaibigan…

“As lovers, meron siyang hangganan pala.”

THIRD RECONCILIATION? Sabi ni Charlene, in life you’ll never really know what’s in store for you at sinasabing love is better the second time around.

Tanong tuloy ni Charlene, may posibilidad pa bang magkabalikan sila in the future, the third time around? O final na talaga ang break-up nila?

Natatawang sagot naman ni Mylene, “Ay, hindi ko pa masasabi. I can’t say naman that this is really it, but I think, I’d rather na muna meet other people and see what’s out there.”

Inamin din naman ni Mylene na nasa “dating” stage siya ngayon.

“I’m dating… well, yes, I’m dating,” saad niya.

Showbiz or non-showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Non-showbiz,” pag-amin niya.

TOUGH LOVE. Kung mai-in-love raw itong muli ngayon, ano naman ang magiging criteria niya?

“I want somebody stronger than me. You know that I’m very tough, di ba? Medyo matapang akong babae. I guess, that’s my curse na rin.”

Bakit naman naging curse, tanong ni Charlene.

“E, kasi, mahirap masyadong maging matapang. Gusto rin siyempre ng lalaki na somehow, subservient,” esplika ni Mylene.

Sa lahat ng pinagdaanan niya sa pakikipag-relasyon, ano ang masasabi ni Mylene na pinaka-natutunan niya?

“That we should always have another chance again—for love. That we should not close our door.

“And we shouldn’t be jaded about it. And love is a good thing and I feel energized when I’m in love.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN