Comelec's advice to Pacquiao: Move Bradley fight after May elections

Mar 2, 2016
<p>Comelec Chairman Andres Bautista on complaints versus Manny Pacquiao's upcoming match with Timothy Bradley: "Advisable is for Pacquiao to postpone his April 9 bout to a date weeks after the Elections, so as to avoid probable legal repercussion."</p>

Tila nalalagay sa alanganin ang nakatakdang paghaharap sa boxing ring ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng American boxer na si Timothy Bradley sa April 9.

Ito ay matapos maghain ng magkahiwalay na petisyon sa Commission on Elections (Comelec) sina Akbayan Representative Walden Bello at former Senator Rene Saguisag laban sa pagsali ni Manny sa isang international boxing competition.

Ayon kay Atty. Saguisag, hindi ito katanggap-tanggap dahil malinaw na magkakaroon ng “free publicity” si Manny, na kumakandidato bilang senador para sa May 9 national elections.

Umalma rin ang senatorial candidate na si Rep. Bello at sinabing “undue advantage” sa parte ni Manny ang mapanood siya sa isang high-profile boxing match.

Sabi ni former Senator Saguisag, base sa ulat ng GMA News Online kahapon, March 1, “We cannot have this, him training and willy-nilly getting free publicity in this scofflaw nation.”

Dagdag pa niya, “And this plea, with all you have to do, is essentially to make sure that Manny does not enjoy unfair advantage by circumvention. What he may not do directly he may not do indirectly."

Continue reading below ↓

Bunsod nito, inutusan ng Comelec si Manny na magbigay ng karampatang komento kaugnay ng dalawang petisyong inihain laban sa kanya.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, hindi maaring pagbawalan ng kanilang pamunuan na magampanan ni Manny ang kanyang trabaho bilang boksingero.

Ngunit sakop umano ng election period ang pag-regulate ng “airtime of public utilities”, kabilang na ang paglabas ni Manny sa isang high-profile international match.

Lalo pa’t ang pay-per-view nation coverage nito ay para na ring magsisilbing campaign endorsement ni Manny.

Sabi ni Chairman Bautista, “Advisable is for Pacquiao to postpone his April 9 bout to a date weeks after the Elections, so as to avoid probable legal repercussion.”

Mayroong limang araw si Manny upang sagutin ang mga hinaing reklamo laban sa kanya.

Read Next
Read More Stories About
2016 elections
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Comelec Chairman Andres Bautista on complaints versus Manny Pacquiao's upcoming match with Timothy Bradley: "Advisable is for Pacquiao to postpone his April 9 bout to a date weeks after the Elections, so as to avoid probable legal repercussion."</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results