Angel Locsin lessens Twitter time because of a poser

Nagpaliwanag si Angel Locsin kung bakit ilang buwan siyang tumigil sa pagtu-tweet. Aniya, “Ang pangalan ko, 143RedAngel, ang sa kanya, imbes na 1, L naman. At kahit mga artista, nagre-reply sa kanya. Kaso, dumating na sa point na ang mean na ng mga tinu-tweet niya. Nakakailang fans club na rin ang nagagalit sa akin. At nakakapagod na rin na palaging nag-e-explain. Na ‘sorry po, hindi po ako yun.’”


Mahigit dalawang milyon ang followers ni Angel Locsin sa kanyang Twitter account.

Isa rin ang Kapamilya actress sa mga artistang aktibo sa pagtu-tweet, mapa-personal man o hindi, ng mga nangyayari sa kanyang buhay.

Pero kapansin-pansin na ilang buwang tumigil si Angel sa pagtu-tweet, at nang bumalik siya ay hindi na kasing-dalas nang dati.

Aminado naman si Angel sa bagay na ito.

Ayon sa aktres, nakakapag-open pa rin siya ng Twitter account niya, pero hindi na siya ganoon kadalas mag-tweet, unless tingin niya ay importante.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng ABS-CBN sitcom na Toda Max noong nakaraang linggo, ikinuwento ni Angel ang dahilan kung bakit madalang na siyang mag-tweet.

“Meron kasi akong poser,” pagsisiwalat niya.

“Noong una, okay lang naman. Parang inisip ko, siguro bored siguro yun. Ginaya niya ang Twitter ako.

“Ang pangalan ko, 143RedAngel, ang sa kanya, imbes na 1, L naman.

“At kahit mga artista, nagre-reply sa kanya.

“Kaso, dumating na sa point na ang mean na ng mga tinu-tweet niya. Nakaka-ilang fans club na rin ang nagagalit sa akin.

“At nakakapagod na rin na palaging nag-e-explain. Na ‘sorry po, hindi po ako yun.’”

Sinabihan na ba niya yung poser niya?

“Nasabihan ko. Kasi noong una na nagtu-tweet siya, parang dedma, trip niya yun. Ano ba ang magagawa ko?

“Pero noong nagtu-tweet na siya ng sobrang negative sa mga artista, nanlalait na siya, parang, ‘Okay lang ba kung palitan ang Twitter name mo?’

“Isang beses lang yun. Kung hindi naman siya makikinig, wala naman akong magagawa dahil hindi naman kami magkakilala nang personal.

“Pero nag-try ako, baka puwede. Hindi na nga ako nagdya-judge.

“Nilalawakan ko na isip ko na kung ganyan talaga ang opinyon mo, sa iyo iyan. Kaya lang, marami ang nag-iisip.

“Actually, ako, naniniwala ako na marami pa rin ang naniniwala na ako yung nanlalait ng kung sinu-sino.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Minsan may gusto raw i-tweet si Angel, pero siya na raw ang nagpipigil minsan sa sarili niya.

Kuwento ni Angel, “Like noon, gusto kong i-tweet na ‘RIP Tito Dolphy.’

“Kaso, baka kung ano ang i-tweet niya. Imbes na makatulong pa ako, makagulo pa ako.”

Iilan lang ang mga artista na umabot na sa milyon ang followers sa Twitter; si Angel ay mahigit na sa dalawang milyon ang followers.

Sabi ni Angel, “Ako, sobrang enjoy ako sa Twitter kasi marami namang okay do’n, mababait.

“Kapag malungkot ka, mag-tweet ka lang, ang dami mo nang mababasang comforting words.

“At saka, ang followers ko naman, in fairness sa kanila, mababait sila.

“Yun lang ang isa, dahil poser nga.

“So, ako, parang na-conscious akong mag-tweet at baka-i-retweet tapos maging negative. Maging isyu tapos sasagutin ko na naman.

“Nakakapagod din sagutin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN