Diether Ocampo eludes question about lovelife; celebrates birthday in youth center

Nagdiwang ng kanyang 38th birthday si Diether Ocampo kasama ang kabataan sa isang youth center sa Manila noong July 17, dalawang araw bago ang kanyang aktuwal na kapanganakan.


Noong July 19 ang ika-38 na kaarawan ng aktor na si Diether Ocampo.

Pero bago pa man dumating ang araw na iyon, nagkaroon ng advance birthday celebration si Diet noong July 17, Martes, kasama ang ilang mga kabataan sa isang youth center sa Maynila.

Bakit niya naisipang doon muna magkaroon ng espesyal na salo-salo?

Sabi ni Diet sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Noong nabisita ko ito noong isang beses, naipangako ko sa kanila na magiging regular yung pagbisita natin sa kanila para matingnan natin yung kalagayan nila, at makita naman natin na naging progressive yung takbo ng buhay nila.”

Paano niya nakilala ang mga taong nandun at parang naging malapit na siya sa mga ito?

Kuwento ng Kapamilya actor, “A, yung kaibigan ko kasi involved sa Virlanie Foundation, siya yung nagdala sa akin dito at simula noon, isa na ito sa mga sinusuporthan natin na organization dito na nagtataguyod ng mga kabataan—yung merong naging problema.

“Although, kahit mga petty crimes yung mga nagawa nila… maganda rin siyempre na nakikita mo na gusto nilang merong marating.

“Kami naman, parang mapakita mo lang sa kanila na they really matter, hindi yung sila yung mga nakakulong dito na parang walang nagmamalasakit.

“Marami actually yung nagmamalasakit sa kanila, kaya lang, dahil siyempre yung iba, parang merong stigma, natatakot pumunta dito.”

BIRTHDAY WISH. Ano ang wish niya sa kanyang kaarawan?

Tugon ni Diether, “Pangsarili, wala na naman akong mahihiling pa dahil siyempre, siguro, sana, marami pa akong magawang ganito.

“Na sana marami pa tayong matulungang mga kabataan. Maiayos yung mga kalagayan nila.

“Siyempre, yung wish ko talaga ay para dun sa mga kapus-palad na nagangailangan kasi galing po tayo diyan. Pinagdaanan ko rin yun.

“Sabi ko nga sa kanila, siguro naging mabait sa atin ang Diyos dahil sa mga pinagdaanan ko noong kabataan ko, malamang nakakasama ko ‘tong mga’ to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano lang talaga, maaga akong na-boldyak, and I’m very grateful na a lot of people helped and mentored me.

“For that, I’ll always be grateful, and this is one way of me giving back, kasi importante sa atin yun and it makes me feel grounded.”

LOVELESS BIRTHDAY? Sa pakikipag-usap ni Diet sa mga kabataang naroon ay naghanap siya ng mga nagmamahalang teenagers dahil gusto niyang marinig ang kanilang love story.

Pero noong nakausap na ng PEP si Diether at inusisa ang kanyang buhay pag-ibig ay todo-iwas ito sa pagsagot. Tinanong pa namin sa kanya ang tungkol sa babaeng kasama niya noong araw na yun.

“Okay naman, maraming mga bago, bagong location na pupuntahan ko pagdating sa charity na ginagawa namin!” sabay tawa ni Diether.

Dugtong pa nito, na halatang iniiwasan pa rin niya ang tanong, “E, di kasi nabanggit ko kanina sa mga napunta dito, meron palang nagiging magkasintahan, yung iba dito na nagkakailala.

“Nakakatuwa lang na makita mo na kahit sa ganitong klaseng sitwasyon, nanaig pa rin yung pag-ibig.”

BUSY DIETHER? Magiging abala raw si Diether sa mga susunod na araw dahil sa kabi-kabilang proyektong nakahilera para sa kanya.

Aniya, “Ginagawa pa namin yung Star Magic movie.

"May bago kaming ginagawang teleserye, drama love story with Angelica Panganiban and Piolo Pascual... Angel Aquino.

“Maraming mga exciting projects."

Dagdag niya, “Ako, hopefully makagawa ng mga proyekto na inspiring para sa mga kabataan.

“Kasi maraming mga ano... yung walang idea kung anong nangyari sa buhay nila.

"E, mas maganda kung meron silang reference, may magandang proyekto—whether it’s a film or teleserye—maipakita natin sa kanila na hindi mo na kailangang danasin yung mga palpak na ano, e, para hindi ka na mapunta sa ganitong klaseng kalagayan.

“Maganda maipakita mo yung mga bagay na tularan at hindi dapat tularan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DIET IN POLITICS? Since marami na sa mga artista ngayon ang nagdeklarang tumakbo sa 2013 elections, siya kaya ay may balak ding pumalaot sa pulitika?

Pagtanggi ni Diether, “Yung iba, tumatakbo papunta sa politics; ako tumatakbo papalayo—yun ang kaibahan, e.

“Ewan ko, hindi ko kasi talaga linya yun, e.

“I mean, mahirap magsalita nang tapos dahil, ang ano ko naman kasi talaga, sa mga ginagawa ko sa Kids Foundation, ganun din, e, parang public service.

“And kagandahan nun, parang PSR, parang Personal Social Responsibility na din.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN