Bangs Garcia on shooting Posas in Quiapo: "Nakaikot ang mga tao sa akin. Nagkakagulo sila kaya hindi kami makapag-shoot nang maayos."

Bangs Garcia on shooting Posas in Quiapo: "Nakaikot ang mga tao sa akin. Nagkakagulo sila kaya hindi kami makapag-shoot nang maayos."" data-url="https://www.pep.ph/news/35009/bangs-garcia-on-shooting-posas-in-quiapo-nakaikot-ang-mga-tao-sa-akin-nagkakagulo-sila-kaya-hindi-ka" data-desc="Bangs decides not to file charges against bus driver who hit her van." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a4406e1ec.jpg"> Bangs Garcia on shooting Posas in Quiapo: "Nakaikot ang mga tao sa akin. Nagkakagulo sila kaya hindi kami makapag-shoot nang maayos."" data-url="https://www.pep.ph/news/35009/bangs-garcia-on-shooting-posas-in-quiapo-nakaikot-ang-mga-tao-sa-akin-nagkakagulo-sila-kaya-hindi-ka" data-desc="Bangs decides not to file charges against bus driver who hit her van." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a4406e1ec.jpg"> Bangs Garcia on shooting Posas in Quiapo: "Nakaikot ang mga tao sa akin. Nagkakagulo sila kaya hindi kami makapag-shoot nang maayos."" data-url="https://www.pep.ph/news/35009/bangs-garcia-on-shooting-posas-in-quiapo-nakaikot-ang-mga-tao-sa-akin-nagkakagulo-sila-kaya-hindi-ka" data-desc="Bangs decides not to file charges against bus driver who hit her van." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a4406e1ec.jpg">

Bangs Garcia on shooting Posas in Quiapo: "Nakaikot ang mga tao sa akin. Nagkakagulo sila kaya hindi kami makapag-shoot nang maayos."" data-url="https://www.pep.ph/news/35009/bangs-garcia-on-shooting-posas-in-quiapo-nakaikot-ang-mga-tao-sa-akin-nagkakagulo-sila-kaya-hindi-ka" data-desc="Bangs decides not to file charges against bus driver who hit her van." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a4406e1ec.jpg"> Bangs Garcia on shooting Posas in Quiapo: "Nakaikot ang mga tao sa akin. Nagkakagulo sila kaya hindi kami makapag-shoot nang maayos."" data-url="https://www.pep.ph/news/35009/bangs-garcia-on-shooting-posas-in-quiapo-nakaikot-ang-mga-tao-sa-akin-nagkakagulo-sila-kaya-hindi-ka" data-desc="Bangs decides not to file charges against bus driver who hit her van." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a4406e1ec.jpg"> Bangs Garcia on shooting Posas in Quiapo: "Nakaikot ang mga tao sa akin. Nagkakagulo sila kaya hindi kami makapag-shoot nang maayos."" data-url="https://www.pep.ph/news/35009/bangs-garcia-on-shooting-posas-in-quiapo-nakaikot-ang-mga-tao-sa-akin-nagkakagulo-sila-kaya-hindi-ka" data-desc="Bangs decides not to file charges against bus driver who hit her van." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a4406e1ec.jpg"> Bangs Garcia on shooting Posas in Quiapo: "Nakaikot ang mga tao sa akin. Nagkakagulo sila kaya hindi kami makapag-shoot nang maayos."" data-url="https://www.pep.ph/news/35009/bangs-garcia-on-shooting-posas-in-quiapo-nakaikot-ang-mga-tao-sa-akin-nagkakagulo-sila-kaya-hindi-ka" data-desc="Bangs decides not to file charges against bus driver who hit her van." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a4406e1ec.jpg">

Kakaibang karanasan daw para sa Kapamilya actress na si Bangs Garcia ang pagsu-shooting ng pelikulang Posas sa mataong lugar ng Quiapo. Aniya, "Totoo lang, sobrang tagal namin doon kasi nga ang daming tao. Maski yung mga barangay tanod dun, hindi ma-control ang mga tao.”


Isa si Bangs Garcia sa napaka-busy sa mga artista ngayon dahil mapapanood siya sa sunod-sunod na TV projects at pelikula.

Kasalukuyan siyang napapanood sa ABS-CBN afternoon teleserye na Kung Ako’y Iiwan Mo, kunsaan kasama niya sina Jake Cuenca at Shaina Magdayao.

Parte rin siya ng action-drama movie ni Tikoy Aguiluz na El Brujo, na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Jake Cuenca.

Kasama pa rin si Bangs sa youth-oriented movie na The Reunion, na pinagbibidahan nina Enchong Dee, Xian Lim, Kean Cipriano, at iba pa.

Sa unang pagkakataon naman ay mapapanood si Bangs sa isang Cinemalaya entry, ang Posas.

Directed by Lawrence Fajardo, ang Posas ay tungkol sa isang cellphone snatcher (played by Nico Antonio) na nahuli ng tatlong pulis (played by Art Acuña, Nor Domingo, Jake Macapagal).

Sa gala night ng nasabing movie, na ginanap sa CCP Main Theater noong July 22, nagkaroon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pagkakataong makapanayam si Bangs Garcia.

Tinanong namin siya tungkol sa experience ng paggawa ng indie film na ito.


Kamusta naman ang experience mo sa paggawa ng Cinemalaya entry?

“I really had fun shooting it, lalo na nung nag-Quiapo ako, kasi sobrang nahirapan kami doon, at the same time nakakatawa kasi ang daming tao dun.

"Nakaikot ang mga tao sa akin. Nagkakagulo sila kaya hindi kami makapag-shoot nang maayos.

"Ang ginawa na lang nila [production], ’tinago na lang nila ako sa van, tapos pag take na, saka lang ako lalabas.

"Binibigla na lang namin ang mga tao pag nagsu-shoot na kami para kami makakuha ng magandang shots.

"Totoo lang, sobrang tagal namin doon kasi nga ang daming tao. Maski yung mga barangay tanod dun, hindi ma-control ang mga tao.”


Dahil ba sa paggawa mo ng pelikula na Posas, mas naintindihan mo na yung nangyayari sa kapulisan? Anong pakiramdam mo dun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatakot!

"Actually, medyo may mga alam na ako sa mga ganyan, kasi may mga lawyer naman akong tito, pero hindi ko alam na ganyan pala kalala.

"Mas may natutunan pa nga ako ngayon. Biro mo yun, nag-shoot lang ako ng movie, tapos ako pa ang may natutunan.”


Totoo bang na-shortlist ang Posas sa Cannes Film Festival?

“Yes po, nasa shortlist kami ng Cannes Festival. Nagpe-prepare na nga ako na pumunta sa France. Binalita na lang sa akin na short-listed kami, na tinawagan kami.”

Sa hiwalay na interview sa producer ng Posas na si Atty. Joji Alonso, sinabi nitong short-listed ang Posas sa Un Certain Regard section ng Cannes Film Fest.

Umabot ang Posas sa 25 short-listed films, ngunit hindi ito napili sa Top 17, na siyang ipinalabas sa naturang film fest.

(CLICK HERE to read related article.)


Ano sa palagay mo ang magiging reaksyon ng Philippine National Police (PNP) sa ipinapakitang corruption at human rights violations sa pelikula?

“Oo nga! Nakakatakot ano? Hindi ko alam, pero yun ang totoo, e, yun ang katotohanan sa nangyayari sa Pilipinas.

"Basically, eto yung isa sa mga malalang problemang nangyayari sa ating bansa.

"Sana sa panonood nila ng pelikula namin, sana may mas matutunan na lang sila, na hindi nila ikasama ito.

"Sana hindi sila ma-offend, kasi totoo namang nangyayari ito. Pero hindi naman lahat ng pulis ganun, pero karamihan ganun talaga!”


Anong masasabi mo sa performances ng mga kasama mo rito, tulad nina Art Acuña at Nico Antonio?

“Si Art Acuña, I like his acting. It’s my first time to meet him for this movie. Also, the rest of the police, ang gagaling nila.

"Si Art galing siya sa New York para mag-theater art doon, grabe! Ang galing niya! Saka ang hot na police niya, ha!

“Si Nico, first time ko rin siya nakatrabaho, pero dahil Kapamilya siya, lagi ko siya nakakasama sa ASAP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero nagulat ako sa performance niya rito—he’s really good! Kakaiba yung ’pinakita niya rito, lalo akong bumilib sa kanya. He did something better.

“Yung torture sa kanya, totoo yun. Kasi nga ayaw na nilang dayain kasi baka daw magmukha tanga lang yung datíng kaya ginawa nilang makatotohanan.

"Si Atty. Joji [Nico’s mother] nga, medyo nagalit daw nung una. Sabi niya, ‘Anong ginawa niyo sa anak ko? Para kayong nasapian ng demonyo!’

"Pero maganda naman yung kinalabasan at tuwang-tuwa naman si Nico sa ginawa niya, although mahirap.

"I’m so proud of him.”

Matatandaang na-involve si Bangs Garcia sa isang minor car accident matapos siyang dumalo sa presscon ng Posas noong July 6.

Nasa Elliptical Road siya ng hapon na iyon nang binangga ng isang bus ang kanyang sinasakyang van.

(CLICK HERE to read related article)


Kamusta ka na pagkatapos ng aksidente kamakailan?

“Ayun, naka rent-a-car ako ngayon. Nasa car shop na yung van ko.

"Mabait naman yung nakabangga sa akin. Hindi na ako nagdemanda, kasi wala namang magagawa kung idedemanda ko pa, di ba?

"Magpapaawa lang yung driver pag ginawa ko yun. Saka baka hindi naman niya talaga sinasadya, di ba?

"Saka mabait naman yung may-ari ng bus na nakausap ng dad ko, sila na magpapagawa nung van.

"Sa akin, ipagawa lang nila yung van ko, okay na sa akin yun.”

Bangs Garcia on shooting Posas in Quiapo: "Nakaikot ang mga tao sa akin. Nagkakagulo sila kaya hindi kami makapag-shoot nang maayos."" data-url="https://www.pep.ph/news/35009/bangs-garcia-on-shooting-posas-in-quiapo-nakaikot-ang-mga-tao-sa-akin-nagkakagulo-sila-kaya-hindi-ka" data-desc="Bangs decides not to file charges against bus driver who hit her van." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a4406e1ec.jpg"> Bangs Garcia on shooting Posas in Quiapo: "Nakaikot ang mga tao sa akin. Nagkakagulo sila kaya hindi kami makapag-shoot nang maayos."" data-url="https://www.pep.ph/news/35009/bangs-garcia-on-shooting-posas-in-quiapo-nakaikot-ang-mga-tao-sa-akin-nagkakagulo-sila-kaya-hindi-ka" data-desc="Bangs decides not to file charges against bus driver who hit her van." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a4406e1ec.jpg"> Bangs Garcia on shooting Posas in Quiapo: "Nakaikot ang mga tao sa akin. Nagkakagulo sila kaya hindi kami makapag-shoot nang maayos."" data-url="https://www.pep.ph/news/35009/bangs-garcia-on-shooting-posas-in-quiapo-nakaikot-ang-mga-tao-sa-akin-nagkakagulo-sila-kaya-hindi-ka" data-desc="Bangs decides not to file charges against bus driver who hit her van." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a4406e1ec.jpg">


Bangs Garcia on shooting Posas in Quiapo: "Nakaikot ang mga tao sa akin. Nagkakagulo sila kaya hindi kami makapag-shoot nang maayos."" data-url="https://www.pep.ph/news/35009/bangs-garcia-on-shooting-posas-in-quiapo-nakaikot-ang-mga-tao-sa-akin-nagkakagulo-sila-kaya-hindi-ka" data-desc="Bangs decides not to file charges against bus driver who hit her van." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a4406e1ec.jpg"> Bangs Garcia on shooting Posas in Quiapo: "Nakaikot ang mga tao sa akin. Nagkakagulo sila kaya hindi kami makapag-shoot nang maayos."" data-url="https://www.pep.ph/news/35009/bangs-garcia-on-shooting-posas-in-quiapo-nakaikot-ang-mga-tao-sa-akin-nagkakagulo-sila-kaya-hindi-ka" data-desc="Bangs decides not to file charges against bus driver who hit her van." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a4406e1ec.jpg"> Bangs Garcia on shooting Posas in Quiapo: "Nakaikot ang mga tao sa akin. Nagkakagulo sila kaya hindi kami makapag-shoot nang maayos."" data-url="https://www.pep.ph/news/35009/bangs-garcia-on-shooting-posas-in-quiapo-nakaikot-ang-mga-tao-sa-akin-nagkakagulo-sila-kaya-hindi-ka" data-desc="Bangs decides not to file charges against bus driver who hit her van." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a4406e1ec.jpg"> Bangs Garcia on shooting Posas in Quiapo: "Nakaikot ang mga tao sa akin. Nagkakagulo sila kaya hindi kami makapag-shoot nang maayos."" data-url="https://www.pep.ph/news/35009/bangs-garcia-on-shooting-posas-in-quiapo-nakaikot-ang-mga-tao-sa-akin-nagkakagulo-sila-kaya-hindi-ka" data-desc="Bangs decides not to file charges against bus driver who hit her van." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a4406e1ec.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN