Laurice Guillen admits past controversy helped make Cinemalaya 2012 a success

Natuwa si Direk Laurice Guillen sa magandang pagtanggap ng mga manonood sa mga pelikulang kasali sa 2012 Cinemalaya sa kabila ng mga kontrobersiyang pinagdaanan. Aniya, “Ako mismo, naniniwala ako na itong taon na ito ang may pinakamagandang Cinemalaya films.”


Naging matagumpay ang pagsisimula ng 8th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival noong July 20, Biyernes, sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Noong Sabado, July 21, ang hudyat ng actual first-day screening ng lahat ng competing and non-competing/exhibition films sa iba’t ibang venues ng CCP: Aurelio Tolentino (Little Theater), Huseng Batute (Studio Theater), Nicanor Abelardo, at Manuel Conde (Dream Theater).

Mayroon ding opening ceremonies para sa outside venues ng Cinemalaya films—sa Greenbelt 3 (Cinemas 3 and 5) at Trinoma Cinemas.

Sa kabila ng matinding pagbagyo at pagbaha sa iba’t ibang dako sa Metro Manila, thousands of moviegoers, na karamihan ay mga estudyante, trooped to the CCP and outside theatrical venues.

Higit na natuwa sa naging kaganapang ito ang isa sa mga opisyales ng CCP at tagapamahala ng 8th Cinemalaya Filmfest 2012 na si Laurice Guillen.

"Tuwang-tuwa ako siyempre, kasi sabi ko, saksi ako sa lahat ng paghihirap namin—lalo na yung mga bago, pati na rin yung mga establisadong filmmakers natin.

"Naghirap talaga sila, pero masayang-masaya sila ngayon," nakangiting wika ni Direk Laurice, sa panayam ng PEP sa kanya noong July-21 opening ng Cinemalaya sa Trinoma Mall.

Para sa director-actress, mahalaga ang naging kaganapang ito dahil din sa dinaanang "bagyo" ng Cinemalaya 2012 nitong mga nakaraang buwan.

END OF STORM? Matatandaang naging sentro ng mga balitang pang-sining at kultura ang kontrobersiya nang mag-pullout sa kumpetisyon ang Cinemalaya New Breed entry na MNL 143.


Ito ay trabaho ng baguhang filmmaker na si Emerson Reyes at producer Nestor Abrogena.

Ang dahilan ay ang hindi pagpayag ng Cinemalaya officer na si Robbie Tan, in consultation with Laurice, sa pagka-cast ng MNL 143 director and producer kina Allan Paule at Joy Viado.

Nagbunga ito ng matinding usapin at debate ukol sa ipinaglabang "artistic freedom" ng mga manlilikhang kasali sa taunang digital indie filmfest.

Naging matagumpay ang screening ng MNL 143 nang mag-premiere ang pelikula kamakailan sa UP Cine Adarna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ngayon, naging matagumpay rin ang pagsisimula ng Cinemalaya 2012 sa CCP at Ayala Malls Cinema venues.

Sabi ni Laurice, "Oo, kaya nga itong opening ng Cinemalaya, sa araw na ito na nagsimula ang screenings, bagyo ang sumalubong, at bagyo rin sa CCP!

"Talagang full house… Full Force! ‘ika nga sa bagong tema… Full Force talaga!" pagtukoy niya sa tema ng Cinemalaya ngayong taon.

Inasahan ba ng Cinemalaya officials ang ganitong naging kaganapan?

"Ako, hindi ko naman iniisip, pero alam ko naman, bawat film, may kani-kaniyang mga supporters, o mga kaibigan, o mga associates na naniniwala sa kanila.

"Pero alam mo, malaking tulong yung controversy," pag-amin ni Direk Laurice.

"Kaya ngayon, sabi ko nga, ’Naku, e, bumabagyo, maraming baha, baka makaapekto sa mga pupunta, lalo na sa CCP, dahil dadaan ka ng Maynila.

"Pero alam mo, sa unang oras pa lang, busloads and busloads of students from Batangas ang dumating para manood.

"Talagang nagbu-bus sila para makarating!

"And it’s a lot of new crowd also, kasi siyempre, maraming kabataan, a lot of them..."

Naging curious lalo sa naging controversy ng Cinemalaya at ng mga nag-pull out na entries?

"I don’t know," sabi ni Laurice. "Like I said, meron silang sinusundan din na mga paborito..."

VINDICATION. Hanggang sa mga sumunod na araw, masiglang-masigla ang manonood, at heavy ang turnout ng audience sa CCP at maging sa Greenbelt at Trinoma cinemas.

Tanda ba ito ng masasabing "vindication" ng Cinemalaya sa naging pagbatikos bunga ng isyu with MNL 143?

"Oo naman," paniniyak ni Laurice.

"At, well, alam mo, pag may ganyan na may pagdududa sa mga ginagawa ng Cinemalaya, lalo kaming nagsisikap na pagandahin ang trabaho ng mga direktor.

"Sa pag-encourage namin... pagtulak namin sa kanila siguro kaya lumabas na lalong mas maganda ang nagawa nila.

"Ako mismo, naniniwala ako na itong taon na ito ang may pinakamagandang Cinemalaya films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Panoorin niyo na lang lahat," sabi ni Direk Laurice na, understandably, hindi maaaring mag-endorse o mag-recommend ng partikular na film entries dahil magiging biased siya, bilang isang opisyal ng CCP at ng Cinemalaya Filmfest.

CLOSING FILM. Sa Linggo, July 29, ang closing ceremonies ng Cinemalaya 2012.

Dito ay ipapalabas ang Jack En Jill (1954), na tampok na bida si Lolita Rodriguez at ang yumaong Kung of Comedy na si Dolphy, sa direksiyon ni Mar S. Torres.

Ang comedy film ay iprinodyus ng Sampaguita Pictures, Inc.

Dito na rin magsisimula ang 8th Cinemalaya Filmfest 2012 Awards Night, sa ganap na ika-7, sa CCP Main Theater.

Pararangalan ang mga winners sa New Breed at Directors’ Showcase entries.

Sa hanay rin ng mga entries na ito pipiliin ng mga banyagang hurado ang mananalo ng NETPAC o Network for the Promotion of Asian Cinema Award.

At press time, hindi pa ina-announce ng Cinemalaya Filmfest committees ang lineup ng mga hurado sa gaganaping pagpaparangal.

As to the closing film, Jack En Jill, Laurice enjoins viewers to watch it again when it screens in Cinemalaya on July 29.

"It’s the quintessential Dolphy. Makikita mo doon, hindi lang si Dolphy as a comedian…[but] as a dancer and actor.

"I saw that film when I was a kid, you know, and it’s one of my favorites!"

ON ZSA ZSA PADILLA. Naging direktor din si Laurice ng balo ni Dolphy na si Zsa Zsa Padilla, sa adult drama na iprinodyus noon ng Seiko Films, ang Magkano Ang Iyong Dangal? (1988).

Sa nakaraang burol ni Dolphy, bahagya raw nagkausap sina Laurice at Zsa Zsa.

Kuwento ng direktor, "Very, very briefly lang, kasi siyempre, mahirap magsalita. But she’s a strong woman.

"I was just there to offer my condolence. Kasi nung namatay si Johnny [Delgado, Laurice’s late husband], nandun din silang dalawa sa wake ni Johnny.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Johnny Delgado died on November 19, 2009, dahil sa sakit na cancer.

Patuloy ni Laurice tungkol kay Zsa Zsa: "It is very hard dahil mahal na mahal niya si Dolphy.

"It is very hard, but at the same time, she’s strong enough to be able to weather it."

Tulad din ni Laurice, who loved her late husband, kaya isa siya sa nakapagbigay ng moral support kay Zsa Zsa.

"Oo naman. May pinagsamahan din kami niyan, e."

At naalala rin ni Direk Laurice ang pakikipagtrabaho niya kay Zsa Zsa at the time na nagsisimula pa lamang ang Dolphy-Zsa Zsa romance.

"Doon nagsimula ’yon, noong panahon na ’yon," pag-alala pa ni Direk Laurice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN