Part 2. Regine Velasquez-Alcasid on emergence of new biriteras: "Ayoko mang sabihing I don’t care—parang it sounds ungrateful naman—pero yung totoo, medyo."

Hanggang ngayon ay si Regine Velasquez-Alcasid pa rin ang idolo ng karamihan sa baguhang singers at ipinagpapasalamat naman ito ng Asia’s Songbird. Sabi niya tungkol dito, “I’m very flattered. Pero remember, when I started, hindi ako uso. My sound was not uso. I was just lucky that Whitney Houston came in, Mariah Carey came in, and I could sing those songs. Nakakanta ko ang kanta nila. So, akala nila, ganoon na. Pero hindi ko naman sinasadya na every time, bi


Dahil hindi nakapag-celebrate si Regine Velasquez-Alcasid ng kanyang 25th anniversary sa showbiz noong isang taon, dahil sa kanyang pagbubuntis, sa November 2012 na lang niya ito gagawin.

Ito ay sa pamamagitan ng isang malaking concert sa MOA Arena na may titulong Silver.

Biro ni Regine, “November pa naman. Baka by then, mga 100 [pounds] na ako!”

Mula sa 165 pounds, ngayon ay 140 pounds na nga lang si Regine, dahil sa ginawa niyang South Beach Diet.

Isang buwan at kalahati lang daw niya nawala ang 25 pounds.

“Mabilis lang, e. Medyo now, I’m trying to take it easy kasi bumababa ang immune system mo kapag masyadong matagal,” sabi ng Asia’s Songbird.

"I DON’T CARE." Sa estado niya ngayon sa showbiz industry, nakakaramdam pa rin ba siya ng kaba kapag may nagsusulputang bagong singers o biritera?

“Wala na, hindi na,” nakangiting sagot niya.

“Alam niyo, ayoko mang sabihing I don’t care—parang it sounds ungrateful naman—pero yung totoo, medyo.

“Kasi actually, since nag-asawa ako, parang hindi na talaga ito ang concentration ko.

“Talagang dati, ‘Next year, ano ang gagawin ko?’ Pati isusuot ko, nakalinya; hairstyle, anong kulay… ganoon! Iniisip ko talaga.

“Pero simula nang mag-asawa ako, ’Magku-concert ka.’ ’Talaga? O sige, kayo na ang bahala.’ Yung ganoon.”

Hindi kaya ganito na ang kanyang pananaw dahil nagawa na niya ang lahat ng gusto niyang mangyari sa career?

“Yeah, and siguro, I’ve been doing it almost all my life,” pagsang-ayon ni Regine.

BIRIT QUEEN. Siya nga ang ginagaya ng halos lahat ng biritera ngayon.

“Naku, parang noong nag-Party Pilipinas nga, dinugo ako, umuwi muna ako sa bahay!” natatawang biro niya patungkol sa pagbirit niya sa show.

Base sa performances niya sa Party Pilipinas, kayang-kaya pa rin niya talagang bumirit.

“Hindi ko na nga kaya!” pagkontra ng Asia’s Songbird.

“Sabi ko nga, palitan na nila ang pangalan, bopis espesyal. Parang dugo, puso…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero alam niyo, nakuha nga raw nila sa akin. Bilang sabi ko raw, ganito dapat kumanta.

“Hindi naman dapat ganoon,” tawa na naman niya.

Pero walang pagdududa na siya ang kadalasang peg ng aspiring singers.

Sabi ni Regine tungkol dito, “I’m very flattered. Pero remember, when I started, hindi ako uso. My sound was not uso.

“I was just lucky that Whitney Houston came in, Mariah Carey came in, and I could sing those songs. Nakakanta ko ang kanta nila.

“So, akala nila, ganoon na. Pero hindi ko naman sinasadya na every time, bibirit ako.”

Pag-amin ni Regine, mas gusto nga niyang gawin ang mga kantang hindi niya kailangang bumirit.

“I love doing those songs. Contrary dun sa mga sumisigaw ako.

“I love singing mga songs na soft because I can actually hear myself.

“Yung birit kasi, hindi ko naririnig ang sarili ko,” paliwanag niya.

MOVIE WITH AGA. Bukod sa dalawang shows ni Regine sa GMA-7—Party Pilipinas at H.O.T. TV—nag-resume na rin ang shooting ng pelikula nila ni Aga Muhlach sa Viva Films.

“Ten years in the making!” natatawang biro ni Regine tungkol sa pelikula nila ni Aga.

Kumusta naman ang shooting nila ngayon, lalo na’t nag-iba na ang kanilang hitsura mula nang simulan nila ang pelikula noong 2010.

Sabi ni Regine, “Actually, yun nga ang ikinakatakot namin.

“Kami pala ni Aga, parehong baby face pala kami kaya hindi masyadong malaki ang difference.

“Nag-bangs lang ako! Naggupit lang ako ng bangs!”

May mga ni-reshoot ba silang mga eksena?

“May ni-reshoot only because yung mga references namin dun, medyo luma na.

“Pero as far as yung hitsura, medyo pretty and plump lang kami pareho!” natatawa niyang hirit.

“Hindi naman hinihingi sa movie na pareho kaming sexy, hindi naman, e. It’s a reality.

“At saka, marami na rin pala kaming na-shoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong pinapanood sa akin ni Joyce [Bernal] kasi na-edit na niya, ang konti na lang pala ng kailangang kunan.

“Tapos, ang cute!

“E, di ba, kami ni Aga, magtatabi pa lang kami sa screen, may kilig na? Kahit ako, kinikilig.

“Kahit noong mga panahon na gusto ko siyang patayin… patayin talaga?! Kilig na kilig ako!

“Pero ngayon, friends na kami. Super friends.”

Kailan naman ito ipapalabas?

“Siguro mga thirty years from now!” natatawang hirit na naman niya.

“Kung ten years ginawa, mga thirty years bago ipalabas.

“Basta ang goal ngayon, matapos, saka na raw ang playdate.”

Two to three days na lang daw siguro ang natitirang shooting days nila.

NO TELESERYE, PLEASE. Ang I Heart You Pare ang huling teleseryeng ginawa ni Regine, na hindi na nga niya nagawang tapusin dahil sa pagbubuntis. Pinalitan siya ni Iza Calzado na ngayon ay nasa ABS-CBN na.

Posible bang mag-soap opera na rin siyang muli?

“Sana hindi muna,” mabilis niyang sagot.

“Iiyak talaga ako kapag in-offer-an ako ng soap.

“Sabi ko sa management, ‘Puwede po bang huwag niyo muna akong offer-an ng soap? Maka-one year man lang si Baby.’

“Kaya in-offer-an ako ng talk show nang bonggang-bongga!”

Sunday ang busiest day ni Regine dahil may Party Pilipinas at H.O.T. TV na siya.

“Oo, bale meron akong Party Pilipinas na nine o’clock pa lang, nandoon na ako.


"H.O.T. TV…And then, may labada ako sa gabi. Tapos, meron pa akong tricycle na ipapasada. Bonggang-bongga!” pagbibiro muli ni Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN