Sam Pinto on doing a movie again with Senator Bong Revilla: “I know that I will be in good hands."

Puno ang schedule ni Sam Pinto na aabot pa hanggang next year. Sa dami ng kanyang ginagawa at gagawin pa, walang time si Sam para sa lovelife. Pangako niya sa sarili: “Kaya priority talaga ang work. Trabaho muna tayo and dating can wait.”


Kahit medyo huli na, nagkaroon pa rin ng victory party ang Viva Artist Agency (VAA) para sa kanilang contract artist na si Sam Pinto.

Binigyan si Sam ng blowout dahil sa back-to-back victory nito as FHM Sexiest Woman in the World noong 2011 at ngayong 2012.

Kaya raw medyo nahuli ang pa-party sa kanyang ng VAA ay dahil sa magkakasunod na schedules niya.

“Pasensiya na kayo. Kung kelan naman ako nalibre, doon pa umulan nang malakas!” natatawang sabi ni Sam nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Asian Noodle Co. By Chef Off sa Macapagal Boulevard, Pasay City, last July 21.

“Pero sabi naman nila na blessing kapag may rain kaya itinuloy pa rin namin itong party.

“Simpleng gathering lang ito for me to say my thank you sa mga sumuporta sa akin from the media.

“You’ve all been a big help sa akin kaya maraming salamat!”


ON WITH THE SHOW. Naikuwento ni Sam na big success ang naganap na FHM Sexiest Women In The World Victory Party sa World Trade Center last July 12.

Kahit nakaburol pa noon ang Comedy King na si Dolphy, hindi naman naapektuhan ang attendance ng victory party ng FHM.

Ani Sam, “We all know that many people are mourning for the death of Comedy King Dolphy.

“Akala namin na hindi mapupuno yung venue. But the show must go on pa rin daw.

“Nagulat na lang kaming lahat because napuno pa rin ang World Trade Center.

“Last year, isang side lang ng venue ang ginamit. This year, both sides na ng World Trade Center ang ginamit at napuno lahat iyon.

“It just goes to show that people still want to have a good time kaya yun naman ang ibinigay namin sa kanila.

“Worth it ang pagpunta nila that night.”


NEW MOVIE SEQUEL. Nabanggit din ni Sam na kasama siya sa cast ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote, at si ME, isa sa official entries ng 2012 Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Produced ito ng GMA Films, M-Zet Productions, APT Entertainment, OctoArts Films, at Imus Productions.

Si Sam ang leading lady ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa Si Agimat at si Enteng Kabisote, na naging top-grossing film ng Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2010.

At ngayon ay kasama na naman siya sa sequel nito.

“Hindi ko nga ini-expect that I will still be a part of the movie.

“Kasi I know na si Judy Ann Santos na ang magiging leading lady nilang dalawa [Senator Bong and Vic].

“But I received a call from my manager [Claire dela Fuente] at sinabing magkakaroon kami ng story conference for that movie nga.

“Kaya I am happy because may movie ulit ako this coming Christmas!” masayang banggit ni Sam.

Noong unang pagsasama nila ni Senator Bong, aminado si Sam na kinabahan siya dahil sa kissing scene nila.

Kuwento ng Kapuso sexy star, “That was my first time kasi to do a kissing scene.

“Kasi first shooting day ko pa lang yata iyon, yun na agad. Kaya kinabahan ako.

“But this time, okey na. Senator Bong naman is such a gentleman.

“I know that I will be in good hands sa paggawa ng movie with him ulit.”

Ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si ME ang third movie ni Sam para sa taong ito.

Ginawa niya earlier ang Hitman with Cesar Montano at Boy Pick-Up: The Movie, kunsaan gumanap siya bilang si Neneng B.


LOVE FEELERS. Dahil daw sa busy schedules ni Sam kaya wala itong maikuwento tungkol sa kanyang lovelife.

Mayroon daw mga gustong manligaw, pero hindi raw niya ito mabigyan ng time.

“I’m not dating anyone now. May mga nagpaparamdam lang, pero hanggang doon lang.

“I cannot commit to dating kasi nga ang dami kong ginagawa ngayon.

"Siguro magkakaroon ako ng time next year pa!” tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Seriously, my sked is full na hanggang sa end of the year. Ganyan ka-advance ang mga trabaho na ibinigay sa akin.

“Kasi mag-start na raw kaming mag-shoot for the movie on July 28 na. Marami raw kasing mga special effects kaya maaga kaming mag-start.

“Tapos I have tapings pa for Bubble Gang.

"Meron din akong mga naka-schedule na mga regional shows for GMA-7 and may iba pang mga trabaho sa akin ang Viva Artist Agency.

“Kaya priority talaga ang work.

“Trabaho muna tayo and dating can wait."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN