Part 2. Dominic Roco on lesson learned from "seven-months relationship" with Maxene Magalona: “Don’t fall in love really fast, take your time.”

Hindi pa rin direktang masagot ni Dominic Roco ang mga tanong tungkol sa pagkaka-link niya noon kay Maxene Magalona. Pero napaamin din si Dominic ng PEP nang sabihin niyang umabot ng "seven months" ang anumang namagitan sa kanila ng young actress.


Magkasama sa Cinemalaya 2012 entry na Ang Nawawala (What Isn’t There) ang kambal na anak ni Bembol Roco na sina Dominic at Felix.

Ayon kay Dominic, una silang nagkasama sa pelikula ni Felix sa isang episode ng Shake Rattle & Roll. At ngayon lang naulit ang pagsasama nila.

Pero dito sa Ang Nawawala ay si Dominic ang lead role.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dominic kung kumusta ang muling pakikipagtrabaho niya kay Felix.

Sagot niya, “Every time I work with ‘Lix naman, e, is an exciting experience for me.

"Every time I work with him, I love it!”

Hindi ba mahirap na makatrabaho sa isang pelikula ang isang kapatid?

“No, for me it’s easier, kasi I don’t have to double the effort ’coz he’s my brother, so I’m just treating him as it is.”

Nag-audition daw silang pareho ni Felix para sa Ang Nawawala.

Kuwento ni Dominic, “We auditioned for the same part [lead role]. Pero if I got his part, it would have been fine with me.

“But I got the lead role, and it really made me happy!

“I can also relate to Gibson [character niya sa film] in some ways. Tahimik ako, di ako masyado masalita.

“Noong una, I thought it would be easy ‘coz I thought, ‘Wow! I’m doing a movie na hindi ako magsasalita!’

“For me, I thought it was easy.

“Then, nung first day namin, sobrang nahirapan ako. Ang hirap pala ng hindi nagsasalita.

“Kasi, facial reactions lang, your eyes. I didn’t expect it to be that hard.

“And for me, this is the most challenging role I’ve ever done sa buong career ko.”

Mabuti naman at kahit na kambal sila ay hindi sila nagsasapawan sa takbo ng kanilang individual careers as actors?

“Nagtutulungan kami,” sabi ni Dominic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When he has a project… pero dati, nag-double siya sa akin sa Panday Kids. Galit na galit siya sa akin dahil double ko lang daw siya!”

Sabi nila, madalas mag-away ang magkambal. Ganito rin ba ang kaso nila ni Felix?

“Noong bata po kami, madalas talaga kami magsuntukan. Pero ngayon, hindi.

“Pakialam ko sa kanya, hindi ko na siya pinapansin, bahala siya sa buhay niya, parang gano’n!” tawa ni Dominic.

Dagdag niya, “There are arguments, pero we don’t fight anymore.

“Having a twin is really a good feeling.”

“SEVEN MONTHS” WITH MAXENE MAGALONA. Matatandaang na-link romantically si Dominic kay Maxene Magalona. Nabalita rin na nagde-date sila noon.

Sa serious scenes niya sa TV at pelikula, humuhugot rin ba siya ng inspirasyon sa naging “samahan” nila ni Maxene?

“That’s so last year, huh!” tawa ni Dominic nang marinig ang tanong.

For the record, hindi na ba “sila” ni Maxene?

Gulat ang reaksiyon ni Dominic at walang konkretong sagot.

“Wala, wala…basta right now, I’m single and I’m happy.

“The usual answer na, ‘I’m concentrating on my career.’”

Pero nagkaroon naman sila ng good relationship ni Maxene, di ba?

“I never said that we had a relationship,” nakangiti niyang sabi.

Hindi niya lang ba inamin ang real score sa publiko?

“We were close before, pero right now, I don’t get to talk to her.”

Gaano katagal—o kaikli—ang “pinagsamahan” nila?

“Seven months ‘ata,” sagot ni Dominic.

Sa seven months na “pinagsamahan” nila ni Maxene, sino ang nakipaghiwalay kanino?

“A, hindi na natin pinag-uusapan yun,” iwas niya.

Pero sa paghihiwalay nilang yun, friends pa rin ba sila?

“I think so… oo, yeah…”

Ayaw na ba niya ng showbiz girlfriend sa susunod?

“’Yun nga, it depends. Showbiz or non-showbiz, ‘di ako namimili.”

Para ma-in love si Dominic sa isang babae, ano ba ang hinahanap niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa ngayon, hindi ko talaga iniisip, e. Wala akong specific kind.

“If she’s kind…bahala na.”

Is he dating somebody?

“No one. Sana nga meron, pero wala, e.

“Hindi ako naghahanap, e. Wala lang. Pag may dumating, e, di masaya.”

Since pareho silang Kapuso ni Maxene, nagkikita o nagkakasalubong ba sila sa GMA?

“I saw her once sa Party Pilipinas. Nagpansinan naman kami, pero hi-hello lang.”

Sa nangyaring seven months na “samahan” nila ni Maxene, ano ang natutunan niya?

“Don’t fall in love really fast, take your time,” makahulugang sabi niya.

Whirlwind romance ba ang nangyari sa kanila?

“Wala akong sinasabi…” iwas uli niya.

Bakit "don’t fall in love too fast" ang kanyang natutunan sa “relasyon” nila ni Maxene?

“E, kasi, di ba, in all relationships, take it slow?”

Nagra-“rush” ba sila ni Maxene noon?

“I think so,” sabi niya.

“We all make mistakes. We must learn from our mistakes.”

Ano ba talaga ang dahilan ng pahihiwalay nila ng panganay na anak ni Francis Magalona?

“Huwag na nating pag-usapan ‘yan!” pakiusap ni Dominic habang tumatawa.

BIGGEST MISTAKE. Natanong din ng press sa 23-year-old actor kung ano ang pinakamalaking pagkakamali niya sa buhay. Papaano niya ito itinama at paano siya nag-move on?

“Ang hirap nun, a!” pasakalye ng young actor.

Sabi namin, malalim naman siyang aktor kaya kakayanin niyang sagutin ang tanong.

“Siguro, yung sa school. Yung na-kickout ako sa school,” pagsisiwalat ni Dominic.

Bakit siya na-kickout?

“Fraternity…don’t get into frat. ‘Wag kayong ma-peer pressure.

“I’m not saying it’s not fun to join a fraternity. Some fraternities are really good.

“I’m just saying na think about it.

“Don’t just go to it dahil you feel cool yun… think about it,” pagtatapos ni Dominic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN