Empress not impressed by inconsistent suitors: “Hindi ko na ie-entertain.”

“Kung hindi naman consistent, hindi ko na ie-entertain,” says Empress about guys who attempt to court her.


Pagkatapos ng madramang pag-arte sa Mundo man ay Magunaw, ipakikita naman ng dalagang aktres na si Empress ang kanyang kakayahan bilang artista sa suspense-horror movie na Guni-Guni.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging bahagi siya ng isang horror movie project, pero para kay Empress, kakaiba pa rin ito sa mga nauna niyang pelikula tulad ng Shake, Rattle & Roll 8 (2008) at Dalaw (2010).

“Siguro nagawa ko na po ito dati, pero mas na-enjoy ko ang paggawa ng ganitong character,” sabi ni Empress nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa pictorial ng cast members ng Guni-Guni noong nakaraang linggo.

“Matagal na rin po bago ako nakagawa ng horror kaya na-excite po ako dito.

“Maganda rin naman po ang role na ’binigay sa akin, maganda rin naman po ang istorya, nakakatakot siya, maganda siyang panoorin, kaya excited din po ako.”

Isang nursing student na nakakakita ng mga multo ang gagampanang karakter ni Empress sa pelikula.

Nang tanungin namin kung kumusta ang kaniyang trabaho, sumagot si Empress, “Kakaibang experience po siya, nakakatuwa.

“Minsan nakakatakot din ’yong eksenang may lumabas na multo ‘tapos lumapit nang mabilis. Nakakatakot!

“Kaya masasabi ko na kapag pinanood nila, matatakot talaga sila. Kasi kahit ako, habang ginagawa ko, natatakot ako.

“Siyempre po, kapag nilagyan pa ng effects ‘yon, mas nakakatakot.”

Sa pagitan ng pananakot at pagpapaiyak, ayon kay Empress, mas nahirapan daw siya ngayon sa una.

Paliwanag pa niya, “Hindi po ako nadalian sa umpisa dahil hindi nga po ako sanay masyado kapag sa horror.

“Kasi, matagal na rin po bago ako nakagawa ulit kaya medyo naninibago ako nang kaunti lalo na pelikula ito.

“So, kailangan sobrang malinaw talaga ’yong detalye sa mga emotions ko.

“Medyo nahirapan, pero nanibago lang nang kaunti.

“Pero kapag sa drama, lagi na po naming ginagawa sa ABS-CBN, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, ngayon, parang kakaiba naman ang ’binigay sa akin.

"Okay naman po. Masaya naman po ako na binigay sa akin ang role na ‘to.”

Makakasama ni Empress sa pelikulang ito ng Regal Films ang dating Aswang actress na si Lovi Poe at ang baguhang aktor na si Benjamin Alves.

NOT ENTERTAINING SUITORS. Samantala, natanong din si Empress tungkol sa kanyang lovelife.

“Gano’n pa rin po, dalaga,” natatawang sabi ni Empress.

May ilang mga pumuporma naman daw sa kanya, pero hirit niya, “Hindi naman consistent, e, huwag na.

“Kung hindi naman consistent, hindi ko na ie-entertain.”

Hindi kaya dahil istrikto ang kanyang mga magulang?

Umiling si Empress, “Hindi naman po sobrang mahigpit.”

Mas naging maluwag na raw ang mga magulang niya ngayon pagdating sa paglabas-labas kasama ang ibang kaibigan kumpara noong mas bata siya.

Sabi pa ni Empress, “Pero kung maghihigpit man po sila, naiintindihan ko po, kasi babae ako, ’tapos nasa showbiz.

“Hindi rin naman ako nababantayan palagi kasi nasa taping ako, at sila, may ibang inaasikaso.

“Naiintindihan ko naman, pero hindi naman sila ganyan kahigpit sa akin. Pero kumpara dati, mas mahigpit sila dati.”

Matatandaan na minsan siyang na-link kay Ejay Falcon. Ngunit muling iginiit ng Kapamilya actress na magkaibigan lang sila ng katambal niya noon sa Guns and Roses.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN