Martin del Rosario "very proud" to be Vilma Santos’s son in The Healing

The Healing" data-url="https://www.pep.ph/news/35039/martin-del-rosario-very-proud-to-be-vilma-santos39s-son-in-the-healing" data-desc="Martin’s message to Vilma: "Kakaibang experience yung makasama ko po kayo sa movie and itse-cherish ko yung moment na yun."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6e4829385.jpg"> The Healing" data-url="https://www.pep.ph/news/35039/martin-del-rosario-very-proud-to-be-vilma-santos39s-son-in-the-healing" data-desc="Martin’s message to Vilma: "Kakaibang experience yung makasama ko po kayo sa movie and itse-cherish ko yung moment na yun."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6e4829385.jpg"> The Healing" data-url="https://www.pep.ph/news/35039/martin-del-rosario-very-proud-to-be-vilma-santos39s-son-in-the-healing" data-desc="Martin’s message to Vilma: "Kakaibang experience yung makasama ko po kayo sa movie and itse-cherish ko yung moment na yun."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6e4829385.jpg">

The Healing" data-url="https://www.pep.ph/news/35039/martin-del-rosario-very-proud-to-be-vilma-santos39s-son-in-the-healing" data-desc="Martin’s message to Vilma: "Kakaibang experience yung makasama ko po kayo sa movie and itse-cherish ko yung moment na yun."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6e4829385.jpg"> The Healing" data-url="https://www.pep.ph/news/35039/martin-del-rosario-very-proud-to-be-vilma-santos39s-son-in-the-healing" data-desc="Martin’s message to Vilma: "Kakaibang experience yung makasama ko po kayo sa movie and itse-cherish ko yung moment na yun."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6e4829385.jpg"> The Healing" data-url="https://www.pep.ph/news/35039/martin-del-rosario-very-proud-to-be-vilma-santos39s-son-in-the-healing" data-desc="Martin’s message to Vilma: "Kakaibang experience yung makasama ko po kayo sa movie and itse-cherish ko yung moment na yun."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6e4829385.jpg"> The Healing" data-url="https://www.pep.ph/news/35039/martin-del-rosario-very-proud-to-be-vilma-santos39s-son-in-the-healing" data-desc="Martin’s message to Vilma: "Kakaibang experience yung makasama ko po kayo sa movie and itse-cherish ko yung moment na yun."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6e4829385.jpg">

“Ako baguhan… oo, bago talaga ako kumpara sa kanya, pero alam mo yung, kahit sobrang senior na niya, tinutulungan niya talaga ako.

Ipinagmamalaki ng young actor na si Martin del Rosario ang pagkakataong makatrabaho sa pelikula ang Star For All Seasons na si Vilma Santos. “Kahit na support lang siya dun sa eksena, ibinibigay niya pa rin yung 100 percent ng acting niya para masuportahan ako at ma-motivate ako sa ekse


Nanghihinayang si Martin del Rosario na hindi siya nakadalo sa grand presscon ng pelikulang The Healing, sa ilalim ng Star Cinema, noong July 12.

Ginagampanan pa naman niya sa naturang pelikula ang role ng anak ng bidang Star For All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos.

Ito ang inamin ni Martin nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon naman ng pinagbibidahan niyang afternoon teleserye sa ABS-CBN, with Denise Laurel—ang Precious Hearts Romances Presents Pintada.

Ginanap ang presscon noong Lunes, July 23, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Hindi rin nakadalo si Martin sa premiere night ng The Healing kagabi, July 24, sa Shangri-La Plaza.

Sabi ng young actor, “Nanghihinayang ako talaga... siyempre dahil sa taping ng Pintada. Pero ganun talaga, trabaho kasi e.

“Although nanghihinayang ako kasi The Healing yun, tapos kasama ko si Gov. Vilma, pati yung premiere hindi ko mapapanood.

“Pero ganun talaga.”

Ipinagmamalaki ni Martin na naging bahagi siya ng pelikulang nagbibigay-pugay sa ika-50 anibersaryo sa showbiz ni Ate Vi.

Saad niya, “I’m very proud. Alam mo yung maging anak lang ako ni Vilma Santos, proud na talaga ako. Okay na ako doon na naging anak niya ako.

“Kasi bihira lang na magkaroon ng ganung experience na makasama mo yung Star For All Seasons, di ba?”

MEMORABLE MOMENTS. Ikinuwento rin ni Martin sa PEP ang hindi niya makalilimutang karanasan with Ate Vi.

“Pinasama niya ako sa tent niya. Magri-read lines kami.

“Tapos ano siya… yung talagang magbibigay na iyan ng food. ‘Tabi ka rito sa akin,’ sasabihin niya. Talagang sobrang sweet niya.”

Pakiramdam nga raw niya ay naging totoong nanay sa kanya si Ate Vi habang nagsu-shooting sila ng The Healing.

“Oo, totoong nanay. Ano siya mahawak, maalaga.

“Hindi ka maiilang sa kanya at all kasi, di ba, sobrang Vilma Santos na iyan. Feel na feel mo yung pagiging humble niya, generous, lahat na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang isang baguhan sa industriya kung ikukumpara sa 50 years ni Ate Vi sa showbiz, ano ang mga natutunan niya sa Star For All Seasons?

“Siguro yung bigayan… yung bigayan sa eksena.

“Ako baguhan… oo, bago talaga ako kumpara sa kanya, pero alam mo yung, kahit sobrang senior na niya, tinutulungan niya talaga ako.

“Kahit na support lang siya dun sa eksena, ibinibigay niya pa rin yung 100 percent ng acting niya para masuportahan ako at ma-motivate ako sa eksena.

“Hindi siya yung madamot sa eksena kahit na siya yung bida.

“Pag moment mo, ibibigay talaga niya sa iyo yun at nandun lang siya, nakasuporta sa iyo.”

Nagpaabot pa nga ng personal message niya si Martin para kay Ate Vi.

“Tita, maraming-maraming salamat. Sobrang suwerte ko na nakasama ko kayo at naging anak niyo pa ako.

“Bihira talagang mangyari iyan sa akin. Kakaibang experience yung makasama ko po kayo sa movie and itse-cherish ko yung moment na yun.

“Sana kung meron pang chance, sana makatrabaho pa kita ulit.

“At saka salamat po sa suportang ibinigay niyo po sa akin all throughout the movie.

“Marami akong natutunan sa iyo. Salamat sa iyong kabaitan.”

WORKING WITH KIM. Magkapatid sila sa ama ni Kim Chiu sa The Healing. Kumusta naman katrabaho si Kim?

Sabi ni Martin, “Okay din. Kasi ano, e, wala akong masyadong ka-age doon sa movie except si Kim, di ba? So, kami yung magkasundo talaga.

“Marami rin kaming napag-uusapan about work, ganyan.

“At saka siyempre ilang months din kaming nagkasama sa shooting kaya nakilala rin namin ang isa’t isa.”

Bukod sa kasundo niya ang mga kasama niya sa pelikula, na-excite din daw si Martin na mapasama sa isang horror movie.

“Kasi mahilig din ako sa horror movies. So, nung sabihin sa akin na gagawa ako ng horror movie, ito ngang The Healing, na-excite talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi iba rin yung feeling na makita mo yung sarili mo sa isang movie na gusto mo yung genre, which is horror, di ba?

“Tapos si Direk Chito Roño pa ang direktor. Nakatrabaho ko na siya sa TV, pero ito yung first movie ko sa kanya.”

LUCKY YEAR. Nasa third quarter pa lang ng taon pero pakiramdam ni Martin ay ang dami nang blessings na dumating sa kanya.

Bukod sa pagkakataong makatrabaho si Ate Vi sa The Healing, nabigyan pa siya ng maituturing niyang biggest break sa telebisyon, ang Pintada, with Denise Laurel.

“Yun nga, e, ang bait-bait talaga ni God sa akin kaya lagi akong nagpapasalamat sa Kanya.

“Siyempre, salamat din sa Star Cinema, sa ABS-CBN, kina Direk Lauren [Dyogi, business unit head], sa Star Magic, at sa manager kong si Jun Reyes dahil hindi ko makukuha ang lahat ng ito kung hindi dahil sa kanila.

“Kaya ngangako ako na mas pagbubutihin pa ang trabaho ko para naman maibalik ko yung pagtitiwalang ibinigay nila sa akin.”

Itinuturing din daw ni Martin na karangalan ang mapasama sa listahan ng 2012 100 Most Beautiful Stars ng YES! Magazine. Kasama si Martin sa kategoryang “Filmfest Stars.”

The Healing" data-url="https://www.pep.ph/news/35039/martin-del-rosario-very-proud-to-be-vilma-santos39s-son-in-the-healing" data-desc="Martin’s message to Vilma: "Kakaibang experience yung makasama ko po kayo sa movie and itse-cherish ko yung moment na yun."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6e4829385.jpg"> The Healing" data-url="https://www.pep.ph/news/35039/martin-del-rosario-very-proud-to-be-vilma-santos39s-son-in-the-healing" data-desc="Martin’s message to Vilma: "Kakaibang experience yung makasama ko po kayo sa movie and itse-cherish ko yung moment na yun."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6e4829385.jpg"> The Healing" data-url="https://www.pep.ph/news/35039/martin-del-rosario-very-proud-to-be-vilma-santos39s-son-in-the-healing" data-desc="Martin’s message to Vilma: "Kakaibang experience yung makasama ko po kayo sa movie and itse-cherish ko yung moment na yun."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6e4829385.jpg">


The Healing" data-url="https://www.pep.ph/news/35039/martin-del-rosario-very-proud-to-be-vilma-santos39s-son-in-the-healing" data-desc="Martin’s message to Vilma: "Kakaibang experience yung makasama ko po kayo sa movie and itse-cherish ko yung moment na yun."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6e4829385.jpg"> The Healing" data-url="https://www.pep.ph/news/35039/martin-del-rosario-very-proud-to-be-vilma-santos39s-son-in-the-healing" data-desc="Martin’s message to Vilma: "Kakaibang experience yung makasama ko po kayo sa movie and itse-cherish ko yung moment na yun."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6e4829385.jpg"> The Healing" data-url="https://www.pep.ph/news/35039/martin-del-rosario-very-proud-to-be-vilma-santos39s-son-in-the-healing" data-desc="Martin’s message to Vilma: "Kakaibang experience yung makasama ko po kayo sa movie and itse-cherish ko yung moment na yun."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6e4829385.jpg"> The Healing" data-url="https://www.pep.ph/news/35039/martin-del-rosario-very-proud-to-be-vilma-santos39s-son-in-the-healing" data-desc="Martin’s message to Vilma: "Kakaibang experience yung makasama ko po kayo sa movie and itse-cherish ko yung moment na yun."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6e4829385.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN