Lemuel Pelayo ready to add more “heat” in Pintada: “Siguro, daragdag din nang konti bilang pang-spice pa ng kuwento.”

Lemuel Pelayo says he is aware of the stiff competition among new talents. With his new role in Pintada, he says he is prepared to make make a difference: “Naiisip ko yung mga bagay na kapag nakita nila ‘to, ‘Ay si Lemuel ‘yan. Iba ‘to sa ginawa nito!’”


Unang pagkakataon ng baguhang si Lemuel Pelayo ang makasama sa Pintada, ang kasalukuyang episode ng Precious Hearts Romances (PHR), ang afternoon series ng ABS-CBN.

Isang pulis na misteryoso ang role ni Lemuel dito bilang si Julian.


Tinanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung papaano niya pinaghahandaan ang kanyang papel.

“At saka, nanonood din ako ng mga movies tungkol sa mga pulis. Sina-suggest nila sa akin ang mga dapat kong panoorin at pinag-aaralan ko.

“At saka, nanonood din ako ng Pintada para magamay ko ang eksena at saka yung istorya.”

NO DEFINITE ROLE. Sa ngayon, hindi pa niya alam kung maipe-play-up siyang kontrabida o third party sa dalawang bidang sina Denise Laurel at Martin del Rosario.

May temang daring at sexy ang PHR at alam ito ni Lemuel.

Sabi niya, “Oo nga. From what I heard, maraming maiinit na eksena rito. Yung hubad-hubaran—topless na. Tapos love scenes… ganoon.”

Dadagdagan ba niya ang “init” ang Pintada?

“Hindi naman siguro, nandiyan din si Martin. Pero siguro, daragdag din nang konti bilang pang-spice pa ng kuwento.

“Pero, malinaw naman sa akin na may pagka-daring nga raw ang tema.

“Noong storycon namin, sinabi naman na parang [mayroong] kissing scene, love scenes… mga ganoon naman na maganda naman daw ang pagkakagawa.”

Sa Romeo and Juliet ang inamin niyang pinaka-daring na nagawa niya.

“Ito yung love scene namin ni Alessandra [de Rossi], e. First time ko lang yun.”

Dugtong pa niya, “Ako naman, basta okay ang story at kailangan talaga, why not?”

GETTING MEATIER. Natutuwa naman si Lemuel na kahit wala siyang kontrata sa ABS-CBN, nakakuha pa rin siya ng mga projects.

Sa ngayon, inaayos na ng manager niyang si Jonas Gaffud ang posibleng network contract niya sa ABS-CBN.

“Nakakatuwa naman kasi, kung tutuusin, this is my third show already in ABS-CBN. Una yung Hiyas, tapos Angelito, at pangatlo na itong Pintada.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So far, ito na ang pinaka-malaking role ko, kaya thankful ako palagi.

Wala rin sa isip ni Lemuel ang mainip o naiinip na maging lead na sa kahit anong projects.

“Siyempre, wala kang kontrata, pero ang daming may kontrata, ang daming hopeful talents ng ABS-CBN, para mapagbigyan ka sa isang role.

“Actually, puwede naman nilang sabihin na hindi naman [ako] Star Magic,” dugtong niya.

“Pero thankful ako, at the same time pinaghahandaan ko talaga. Nanonood ako ng movies at tinututukan ko.

“Siyempre, may pressure din dahil hindi lang naman kasi binigyan ka nila ng trabaho na lead, ipapasalamat mo na yun.

“Actually, simula pa lang yun. Once na binigyan ka nila ng ganitong lead, start to end, dapat nasa-satisfy mo sila.”

STIFF COMPETITION. Bukas din ang isipan ni Lemuel sa situwasyon na maraming ding magagaling at mahigpit ang kompetisyon.

“So, kailangan mong makipag-sabayan. Kailangan mong maipakita yung bago.

“Yung magkaka-interes ang taong manonood, kasi marami nang magagaling na artista talaga.”

Naiisip ba niya kung ano ang puwede niyang ipakitang bago?

“Naiisip ko,” sagot naman niya.

“Naiisip ko yung mga bagay na kapag nakita nila ‘to, ‘Ay si Lemuel ‘yan. Iba ‘to sa ginawa nito!’

“Hindi yung ikukumpara ka. Although, siyempre, okay rin naman na makumpara ka sa mga acting ng mga big stars, sa ibang artista.

“Pero, siyempre, dapat yung ginawa mo, rerehistro sa tao.”

Sino naman ang gusto niyang makapareha sa Kapamilya network?

Pag-amin niya, “Si Angel [Locsin] ang gusto ko. Nakatrabaho ko siya sa commercial at ang dami kong natutunan sa kanya.

“She’s professional, down-to-earth. Inaalagaan ka niya. Hindi pupuwedeng papabayaan ka niya.

“At hindi porke’t Angel Locsin siya at commercial model ka lang, may gap.

“Nandoon yung inspiration sa kanya na parang, ‘Gáling din ako sa ganyan.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN