Karel Marquez on being a single mother at 25: “Kaya ko pala.”

Karel Marquez is photographed at the CCP with her beautiful daughter Kaylie Audriana. The 25-year-old singer-actress hopes to return to the recording industry soon.


Isinama ni Karel Marquez ang kanyang three-year-old daughter na si Kaylie Audriana sa special screening ng kanyang latest indie film, ang Madaling Araw, Mahabang Gabi.

Ayon kay Karel, isinasama niya ang anak upang matuto itong makihalubilo sa iba’t ibang tao.

“Kanina tahimik lang siya, hindi siya umiyak. Sinasanay ko siya, hindi dahil sa magso-showbiz, sinasanay ko siya sa tao,” ani Karel.

Bukod kay Kaylie, may anak rin si Karel na lalaki, na ang pangalan ay Kyler Armand.

Sa Madaling Araw, Mahabang Gabi, gumanap si Karel bilang isang dalaga na nagkaroon ng espesyal na gabi kasama ang isang gay friend, played by Dominic Roco.

Ang pelikulang ito ay idinerehe ni Dante Nico Garcia, at pinagbibidahan rin nina Cherie Gil, Angelica Panganiban, Rocco Nacino, Glaiza de Castro, Alchris Galura, Kean Cipriano, at Edgar Allan Guzman.

Nang tanungin kung paano siya naging parte ng proyektong ito, paliwanag ni Karel, “Si Direk Ga kasi was the production designer of my first show, Berks. So lahat kami naging barkada.”

Bukod sa Madaling Araw, Mahabang Gabi, may iba pang ginawang indie film ang young actress.

“I just recently ended Isang Dakot na Luha on TV5, and then I did an indie film last week.

"It’s called Bahay ng Lagim, under Direk Celso Ad Castillo. Yun naman horror,” aniya.

Inamin ni Karel na excited siyang magtrabaho muli sa isang teleserye.

“Tita Annabelle Rama [her manager] said I’ll be in a soap opera, but I can’t tell pa which channel.

“Actually, wala akong contract sa TV5.

"In one year, naka-ilan nang projects ako: Babaeng Hampaslupa, Isang Dakot na Luha, Sa Ngalan ng Ina with Ms. Nora Aunor.”

For her next career move, Karel wants to return to the recording industry.

“Number one, hilig ko ang pagkanta talaga. I plan to go back [to recording]. I think it’s never too late for anything."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong 2005 ay naglabas si Karel ng concept album titled Singles, kunsaan nakasama niya ang singers na sina Aliya Parcs, Maoui David, at Marinel Santos.

Alternative/rock ang naging genre noon ni Karel.

“As long as may proyekto na ’binigay sa akin, lalo na gusto ko, I’ll do my best every time!” she says with a smile.

Matatandaan na naghiwalay sina Karel at Armand de Guzman noong 2011.

Gaano kahirap maging isang ina sa batang edad niya na 25?

“Kaya ko pala. If you’re not a mom, parang hindi mo ma-grasp kung kaya mo ba talaga.

"For me, blessed ako. Lalo na sa industriya natin, maraming nag-iisip kung tatanggapin ka pa ba?

“For me, kung nandun ang passion mo, it’s not the end of everything.

“Nag-stop ako dahil nga I had [my daughter] Kaylie, then tuloy-tuloy naman sa TV5."

Kamusta na ang love life niya ngayon?

“Siya na ang love life ko!" sabay turo kay Kaylie.

“Lahat naman tayo, gustong may partner, pero wala sa isip ko ngayon dahil sobrang masaya ako ngayon.

"Siguro dahil nandiyan ang friends ko and my family to support me and I’m busy right now.”

Si Karel ay anak nina Dr. Eduardo Santos at respected theater actress and singer Pinky Marquez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN