Alden Richards reveals big crush on Anne Curtis: “So much!”

Isang taon mahigit pa lamang si Alden Richards sa showbiz, ngunit kapuna-puna na ang mabilis na pag-angat ng kanyang showbiz career. Kaakibat man ng pagtaas niya ay ang mga taong gustong sumira sa kanya, hindi na ito pinapatulan ng batang aktor. Ani Alden, “It’s part of showbiz.”


Isa si Alden Richards sa mga nakapasok sa listahan ng 100 Most Beautiful Stars ng YES! Magazine ngayong taon.

Pero hindi nakadalo ang young actor sa launching ng special issue na ito ng YES! dahil abala siya sa taping ng kanyang pinagbibidahang teleserye sa GMA-7, ang One True Love.

Kaugnay nito, masayang ibinalita ni Alden sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at YES! noong Hulyo 24 na “extended” ang kanilang show.

“We were supposed to air lang for eight weeks, pero now it’s gonna be fifteen weeks, almost a season po,” wika ng batang aktor nang makapanayam namin siya sa pocket interview ng GMA Artist Center sa Casa Filipino, sa Quezon City.

“Kasi filler lang po siya, e, for the next soap.

“Ano lang kami, parang kami ‘yong… Since pinalitan yung My Beloved, ‘yong eight weeks na ‘yon, to buy time for the next soap to prepare. Pero mukhang hindi pa yata sila ready.

“Pero at the same time, they extended because of the ratings din po and the support, of course, of the fans.”

ALDEN’S SUCCESS. Ang sunud-sunod na proyektong ibinibigay ng kanyang home network ay patunay lamang ng tagumpay na unti-unting naaabot ni Alden.

Pero aminado ang 19-year-old actor na habang paangat nang paangat ang kanyang career, pabigat rin nang pabigat ang kanyang responsibilidad bilang isang showbiz personality.

“It’s very hard to handle, e,” pag-amin ni Alden tungkol sa expectations ng mga tao sa kanya.

“Coz there’s a lot of haters, a lot of people pull you down, a lot of envious people na gustong…

"When you reach something na, like whenever you receive an award, parang, ‘Hindi naman deserving ‘yan. Malakas lang pumiar [PR] sa press.’

“It’s hard, but you have to keep your cool kasi you can’t handle naman talaga people like that, e. It’s part of showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s kasama ‘yan sa pagiging showbiz personality... sa pagiging isang showbiz personality.

“Laugh it off and pray, number one. After noon, okay na.”

ONE OF THE BIGGEST STARS. Hindi rin naman nakaligtas si Alden na maikumpara sa ibang mga aktor, hindi lamang sa bakuran ng GMA-7 kundi maging sa ibang networks.

Ayaw nang intindihin ito ni Alden, bagkus ay “thankful” pa nga siya dahil naihahanay na siya sa ilang malalaking pangalan ngayon sa industriya.

Aniya, “Kasi po ang lagi kong basis when it comes to comparison, I’m just starting.

“One year pa lang po ako.

"And I have no right to disagree with any comparison that [the] press or other people’s giving me.

"Parang thankful ako na naiko-compare ako sa mga big stars ng GMA and ABS.

“I just say thank you, and I just tell them na wala pa po ako sa narating nila, kasi mas marami pa po akong kailangan patunayan, because I’m just starting.

“I’m not in the right place to say na mas magaling ako sa kanya or ganoon.

“I would never do that po.”

ANNE CURTIS. Samantala, habang napag-uusapan ang tungkol sa 100 Most Beautiful Stars ng YES!, sinabi ni Alden na nanghihinayang siya at di siya nakadalo.

Pagkakataon na raw sana iyon para makita niya sa personal ang kanyang celebrity crush na si Anne Curtis.

“So much!” bulalas ng batang aktor nang tanungin kung gusto ba niya si Anne.

“Ang unfair nga kasi parang we’re endorsing the same clothing brand pero I never got the chance to meet her.”

Ang tinutukoy ni Alden ay ang Folded & Hung.

Kaya naman nang biruin siya na itu-tweet namin sa Kapamilya actress na crush niya ito, sinabi nito na tuwang-tuwa: “Please! I have a lot of pictures, photos of her on my phone!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN