Rhian Ramos more careful now about entering another relationship

"Parang feeling ko, after everything, parang nakita ko ano yung talaga kong priority. Na yung priority ko talaga, yung trabaho. So parang mas careful ako sa ibang mga aspects sa life ko. Na yung other parts ng life ko, medyo… I take it slow. More on nasa work yung focus ko, e," sagot ni Rhian Ramos nang tanungin kung mas maingat na siya ngayon pagdating sa pakikipag-relasyon.


Simula nang maging malapit sila sa isa’t isa ni KC Montero, kapansin-pansin ang paggu-glow at pagblu-bloom muli ni Rhian Ramos.

Hindi naman itinatanggi ng young actress na inspirasyon nila ang isa’t isa ngayon.

Pagkatapos ng Party Pilipinas noong Linggo, July 22, pabirong kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa estado ng pagkakamabutihan nila ni KC.

“Okey naman, happy,” nakangiti niyang sagot.

Mas malalim na ang espesyal na pagtitinginan nila?

“I don’t really know… basta happy naman.

“At saka… wala, ganun pa rin.

“Parang inaasar kami ng mga kaibigan namin. Ha-ha-ha! Pinipiktyuran nila kami. Magkamukha raw kami ni KC.”

Marami naman ang nagsasabing bagay raw sina Rhian at KC—a perfect showbiz couple kung saka-sakali.

Ano ang masasabi ni Rhian dito?

“Ewan ko, may mga nagtu-tweet nga ng gano’n. And thank you kung gano’n. So, that’s nice naman.”

MORE CAREFUL. Hindi na ba siya takot na pumasok muli sa isang relasyon? Mas maingat na ba siya ngayon?

Naitanong ito kay Rhian dahil sa masalimuot na kinahinatnan ng relasyon nila ng radio-TV host na si Mo Twister.

Sagot ng Kapuso star, “I’m careful about it. Kasi nga… you know, parang feeling ko, after everything, parang nakita ko ano yung talaga kong priority. Na yung priority ko talaga, yung trabaho.

“So parang mas careful ako sa ibang mga aspects sa life ko. Na yung other parts ng life ko, medyo… I take it slow.

“More on nasa work yung focus ko, e.”

Meron din ilang negatibong feedback sa closeness nila ngayon ni KC. Ano ang reaksiyon niya hinggil dito?

“I don’t know. Wala namang ano, e… wala pa namang nagsasabi sa akin na, uhm… it’s a bad idea. Gano’n.

“It doesn’t reach me. I’ve heard all good things. It’s all compliments. So, ayun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s nice. Parang I would still rather take my time.”

BUSINESS VENTURE. Nabanggit ni KC noon na may plano si Rhian na makipag-joint venture sa mga negosyo niya.

At malamang nga raw ay sa garment business unang makikisosyo ang young actress.

Sabi ni Rhian tungkol dito, “It takes time kasi para… kasi marami rin silang hina-handle na companies din.

“And it takes time for me para malaman ko kung saan ako mag-i-invest.

“Kasi, pinaghirapan ko rin naman yung pera ko!” tawa niya.

“Hindi ko puwedeng basta-basta ilagay sa isang bagay na hindi ko forte.

“And ako kasi, feeling ko, mas passionate ako sa damit kung ano… streetwear.

“So mas mag-i-invest siguro ako sa isang brand na mas casual. Ayun… at saka yung medyo pambagets.

“Pinag-uusapan na namin ang tungkol do’n, pero talks pa lang.

“At saka ano, e, mahaba kasi ang process na makakuha ng right brand. Gano’n.”

MANNY MANY PRIZES. Nakatakdang mag-show sa Amerika ang Manny Many Prizes, ang game-variety show ni Manny Pacquiao sa GMA-7, kunsaan kabilang din si Rhian.

Ngayon pa lang daw ay excited na ang Kapuso actress kaugnay nito.

“Yes, mag-a-out of the country na naman ako. Pupunta kami sa Universal Studios sa September 16. Magsu-show yung Manny Many Prizes do’n.

“Marami kaming kasamang ibang artista kaya magiging masaya yung trip namin na ‘yon, for sure.

“Excited ako. Kasi kapag umaalis ako ng country for Pinoy TV, konti lang kami, e. Usually dalawa lang, gano’n.

“Pero ngayon, malaki kaming grupo. So mas marami akong makakasama dun sa States kapag mamamasyal.

“Hindi siya lonely!” sabay tawa niya.

WHEN IS HER NEXT SOAP? Ano na pala ang development sa napabalitang soap na pagsasamahan nila nina Aljur Abrenica at Kris Bernal?

“Hindi ko alam. Wala pa kasi kaming meeting,” sagot ni Rhian.

Matagal-tagal na rin namang hindi siya napapanood sa isang drama series. At nami-miss na rin daw niya yung ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, matagal na nga akong hindi nakakapag-teleserye.

“Kasi most of the time, ang ginagawa ko, magpi-perform ako, hosting, out of the country na appearances, o kaya sa mga events.

“So ayun, medyo nami-miss ko na rin. Pero hindi ko pa maku-confirm kung ano yung next na gagawin ko.

“Right now, enjoy naman ako sa ginagawa kong paghu-host sa Manny Many Prizes at sa Party Pilipinas.

“I mean, as much as nami-miss ko ‘yong acting, happy din ako sa ginagawa ko ngayon.”

Kung siya ang masusunod, anong role at tema ng teleserye ang gugustuhin niyang sunod na gawin?

“Na-enjoy ko dati yung role ko sa My Kontrabida Girl, na bida-kontrabida siya.

“Gusto ko yung medyo gano’n. Yung medyo may attitude!” natatawang sabi niya.

“Pero ano, gusto ko rin yung medyo dramatic na love story. Iyon yung mga favorite ko… love story.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN