Jose Javier Reyes apologizes to Alfie Lorenzo for miscommunication: “Inaamin ko. I’m asking... humihingi ako ng sorry.”

Natuwa si Direk Jose Javier Reyes sa turnout ng mga nanood ng Cinemalaya films ngayong taon. Halu-halo ang reaksiyon sa kanyang entry na Mga Mumunting Lihim, na pinagbidahan ni Judy Ann Santos: “Merong gustung-gusto, merong gusto at meron ding, siyempre, hindi masyadong nagustuhan.”


Matindi ang kaba ni Direk Jose Javier Reyes noong Miyerkules, July 25, sa ginanap na Gala Night ng kanyang entry sa Cinemalaya 2012 Directors’ Showcase na Mga Mumunting Lihim (Those Little Secrets).

Ginanap ang gala night sa main theater ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Isang oras bago magsimula ang formal rites at screening ng pelikula, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Joey.

Bulalas niya, “Well, up to now, I’m terrified! Sobra! Especially for this gala performance!”

“Tingnan mo, ang mga taong ito, alas-otso pa lang, sobrang dami na ng tao!”

Ang opisyal na simula ng gala ay alas-nuebe ng gabi.


FEEDBACKS AND REACTIONS. Inisa-isa ni Direk Joey kung ano ang mga feedback sa Mga Mumunting Lihim na kanya ring isinulat.

“Okey naman. Nakakataba ng puso.

“Merong gustung-gusto, merong gusto at meron ding, siyempre, hindi masyadong nagustuhan.

“But that’s part of it, di ba? Oo naman!

“I mean, Diyos ko, ni si Kristo, hindi nga napasaya lahat... Ako pa, di ba?”

Malaki naman ang pasasalamat ni Direk Joey sa mga nakagusto sa kanyang obra.

“Thank you... thank you!” simpleng wika niya.


RIFT WITH ALFIE LORENZO. Nagkaroon ng misunderstanding sina Judy Ann at Alfie Lorenzo, manager ni Judy Ann, sa hindi pagpapaalam ng aktres na gagawin nito ang indie film ni Direk Joey.

Bunga nito ay nagalit daw si Alfie kay Judy Ann.

Ayon kay Direk Joey, “Ako ang mali, dahil hindi nai-communicate sa kanya [Alfie] properly.

“Nagkaroon ng miscommunication ukol sa ‘asking permission’ kay Alfie.

“Inaamin ko. I’m asking for... humihingi ako ng sorry,” pakumbaba ni Direk Joey.

Nagkausap na ba sila ni Alfie matapos mapaulat ang issue?

“Hindi pa. Hayaan mo na muna siyang... Mainit pa ang ulo niya,” ani Direk Joey.

“Pero ipinarating ko na sa kanya na ako ang mali. Inaamin ko na ako ang mali. Huwag na siyang magalit kay Judy Ann.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


JUDY ANN’S SHORTCOMING? Bagamat aminadong nagkulang, may paliwanag naman si Direk Joey.

“Nagka-miscommunication, kasi nag-usap kami ni Judy Ann,” ani Direk Joey tungkol sa mga kaganapan bago mag-shooting.

“Sabi ni Judy Ann, siya na ang bahala [magsabi kay Alfie].

“So, okay... okay lang. E, mali ako doon. Dapat tinawagan ko si Alfie.”

Kaya naman naghimutok si Alfie?

“Kung nagalit siya, I’m really, really sorry. Ako ang mali doon. Pagkukulang ko yun. Inaamin ko yun!”

Natapos at natapos ang shooting ni Judy Ann ay hindi pa rin naipaalam ni Direk Joey kay Alfie ang pangyayari.

Nadagdagan pa ng issue na mababa raw ang talent fee ng mga artistang gumawa ng indie film, na ikinagalit din daw ni Alfie.

“Ah, wala, wala, wala...” sagot ni Joey Reyes.

“Kasi, from the start, ino-offer-an ko sila ng honorarium. Silang apat ang humindi,” sabi pa ni Joey.

Ang tinutukoy ni Direk Joey ay ang mga artista ng Mga Mumunting Lihim na sina Judy Ann, Janice de Belen, Iza Calzado, at Agot Isidro.

“Ang sabi nila, ang bayaran na lang ay yung make-up artists nila.

“So praise God! Praise God!” masayang pagtatapos ni Direk Joey Reyes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN