Brillante Mendoza’s Thy Womb competes in Venice filmfest after being rejected by MMFF

Kabilang ang The Womb ni Brillante Mendoza sa 17 main competition films sa 69th Venice International Film Festival. Bida sa pelikulang ito, na kinunan sa Tawi-Tawi, ang Superstar na si Nora Aunor.


Sa magandang balita tungkol sa pagkakapili ng pelikulang Thy Womb (Sinapupunan) ni Brillante "Dante" Mendoza para sa Main Competition ng 69th Venice International Film Festival, agad ding naalala ang pagka-reject ng indie film na ito bilang official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2012.

Tatakbo mula August 29 hanggang September 8, 2012, ang 69th Venezia (VIFF), tatlong buwan bago ang MMFF 2012.

Ang Thy Womb ay pinagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor.

MMFF REJECTS DANTE. Malaon nang napapasali at napaparangalan ang mga pelikula ni Nora sa taunang MMFF, kaya ipinagtaka ng marami sa industriya ang pagkaka-reject ng Thy Womb.

At malaon nang pinapangaralan si Dante Mendoza at ang kanyang mga pelikula ng mga international filmfests.

Ngunit wala raw pagdaramdam si Direk Brillante sa hindi pagkakapili ng pelikula niya bilang entry sa MMFF.

Aniya, "Actually, marami ang nagtanong sa akin, nung mag-submit ako, ’Bakit ka pa nag-submit? Kailangan mo pa ba ’yan?’”

Ang tinutukoy ni Direk Brillante ay ang proposal na ipasok ang Thy Womb sa MMFF.

Patuloy niya, "’Hindi naman sa gano’n,’ sabi ko. Kasi ang feeling ko, Filipino audience pa rin ’yan, e.

"Ayoko namang... sinasabi na nga nila sa akin na, ’Hindi mo kinu-consider ang Filipino audience...’, na I make films only for the foreigners.”

NOT THE FIRST REJECTION. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang direktor kahapon, July 26, sa kanyang residence-office sa Chantilly Villas, Mandaluyong City.

With Nora as his film’s main star, kasama ang mga seasoned actors like Bembol Roco, Mercedes Cabral, and Lovi Poe, sabi ni Brillante: "Ang feeling ko, kahit papa’no, among all actors na nakatrabaho ko, si Ate Guy ang may pinakamaraming followers.

"At saka ang theme ng Thy Womb is about unconditional love.

"So, naisip ko, ’Parang bagay siya dito [sa MMFF].

"But, of course, siyempre tinitingnan din nila ang commercial viability ng films, like parang walang masyadong malaking mga cast [ang Thy Womb].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko lang naman, ’Kung hindi ako matanggap, e, di okay lang... it’s not really a big issue.’

"At least, nag-try ako. Yun ang pinaka-importante.

"Nag-reach out naman talaga ako ng Filipino audience, pero parang hindi siguro nag-qualify yung film sa [guidelines] nila."

In 2006, Brillante Mendoza also fielded his second film, Kaleldo, and was similarly rejected by the MMFF selection committee.

"At least, ako, ginagawa ko yung part ko bilang Filipino director, na hindi lang ang kinu-consider ko ay yung foreign audiences.

"I’m also considering the local audiences.

“Sinasabi nga nila, ’Bakit di ka gumawa ng pelikulang pang-Filipino?’

"Ngayon, meron na akong pelikulang pang-Filipino, wala naman akong naging access.

"So, tapos na ako sa issue na ’yan," sabi ni Direk Brillante.

IN COMPETITION. Kabilang ang Thy Womb ni Direk Brillante sa labimpitong in-competition films ng 69th Venice International Film Festival.

Magsisimula ang Venice filmfest sa August 29.

Ito ang nag-iisang pelikula ng Pilipinas na nakapasok sa main competition ng prestihiyosong international filmfest.

Ang opening film ng 69th Venezia ay ang The Reluctant Fundamentalist by Indian filmmaker Mira Nair.

Ang iba pang kabilang sa lineup ay ang mga sumusunod:

Something In The Air by Olivier Assayas (France); Outrage: Beyond by Takeshi Kitano (Japan); Fill The Void by Rama Burshtein (Israel); To The Wonder by Terrence Malick (USA);

Pieta by Kim Ki-Duk (South Korea); Dormant Beauty by Marco Bellocchio (Italy); E’ Stato il Figlio by Daniele Cipri (Italy); At Any Price by Ramin Bahrani (U.S., U.K.);

La Cinquieme Saison by Peter Brosens and Jessica Woodworth (Belgium, Netherlands, France); Un Giorno Speciale by Francesca Comencini (Italy); Passion by Brian de Palma (France, Germany); Superstar by Xavier Giannoli (France, Belgium);

Spring Breakers by Harmony Korine (U.S.); Linhas de Wellington by Valeria Sarmiento (Portugal, France); Paradise: Faith by Ulrich Seidl (Austria, France, Germany); and Betrayal by Kirill Serebrennikov (Russia).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VENICE FILMFEST. Noong 2009 ay naging main competition entry rin sa Venice Filmfest ang highly-acclaimed Lola ni Direk Brillante.

In-expect ba ni Direk Brillante na makakapasok ang Thy Womb sa Venice filmfest this year?

"Mahirap mag-expect," sambit niya. "Kasi sa mga festivals, iba-iba yung taste."

Excited pa rin ba siya sa bago niyang pagsali sa isang prestihiyosong international filmfest bilang direktor?

"May excitement pa rin ako sa ganyan, kasi hindi ka rin assured na makukuha ka.

"Yung ibang mga kilalang direktor sa abroad, hindi rin naman sila nakukuha minsan. Merong mga direktor na kilalang-kilala na, nare-reject din."

Kaya isang malaking karangalan daw ang mapasali ang pelikula sa ibang bansa, sa alinmang antas ng kumpetisyon o exhibition.

"Kaya nae-excite pa rin ako na lalaban ka, parang first-timer.

“Pag nawala na yung excitement, wala na, di ba? So, kinakabahan pa rin ako,” sabi ng direktor.

EXCITED FOR ATE GUY. Higit namang excited ngayon si Direk Brillante para sa kanyang bidang aktres sa Thy Womb na si Nora Aunor.

Tulad ni Brillante, marami na ring pelikula si Nora na napasali sa international film festivals—bilang in-competition, out of competition, o exhibition entry.

Kabilang dito ang Bona (1980) ni Lino Brocka, Directors’ Fortnight ng Cannes Filmfest;

Himala (1982) ni Ishmael Bernal, main competition ng Berlin at Chicago Filmfests in 1983;


The Flor Contemplacion Story (1995) ni Joel Lamangan, main competition, Cairo Filmfest in Egypt;


Bakit May Kahapon Pa? (1996) ni Joel Lamangan, main competition, Brussels Filmfest sa Belgium at Penang, Malaysia;

at Naglalayag (2004) ni Maryo J. delos Reyes, main competition sa Brussels Independent Filmfest.

Pagkatapos ng walong taon, ang Thy Womb ang big comeback film-starrer ni Nora. Ito rin ang magbabalik sa kanya sa pagiging bidang aktres ng pelikulang pang-international filmfest.

"Exactly!" pagsang-ayon ni Direk Brillante.

"Gusto kong maisama [sa Venice] si Ate Guy! Gagawa ako ng paraan na maisama ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ABS-CBN RESTORES HIMALA. Dagdag ng kaisa-isang Filipino director na hinirang bilang Cannes filmfest best director: "At saka ang magandang mangyayari, ipapalabas doon, side by side, ang Himala [special retrospective], tapos ipapalabas ang ThyWomb, in competition.

"Kasi ni-restore ng ABS-CBN ang Himala.

"Interested ang festival programmers doon na i-screen along with other Filipino films."

Ginawan ng digitally remastered HD copy ng ABS-CBN ang pelikulang ito ni Nora.

Kasabay ng retro screening ng Himala ang pelikulang Genghis Khan (1954) by the late filmmaker Manuel Conde, National Artist for Film.

Ang Genghis Khan ang unang pelikulang Pilipino na napasali sa main competition sa Venice International Filmfest.

"Gusto ko, kasama si Ate Guy, importante ’yon," pag-ulit ni Direk Brillante.

NORA’S INTERNATIONAL AWARDS. Dugtong pa ni Direk Dante, "Sabi ni Ate Guy sa akin, ’Yung mga pelikula ko noon, nagpupunta sa abroad, pero hindi ako nakakapunta.’

"Dahil busy siya, marami siyang ginagawa [noon].

"So, ang feeling ko ngayon, iba na, kasi nandun na siya sa ibang level. Institusyon na siya. She’s been through a lot.

"So, ang feeling ko, dapat kasama na siya ngayon. Gusto ko ma-experience din ni Ate Guy siyempre.

"Maganda sigurong tingnan pag naglalakad na siya sa red carpet at a-attend ng international premieres [ng Thy Womb]."

A few times in the past, nanalo na ring best actress sa international film competitions si Nora.

Mayroon siyang best actress awards mula sa Cairo, Penang, at Brussels para sa pagganap niya sa mga pelikulang The Flor Contemplacion Story, Bakit May Kahapon Pa?, at Naglalayag, respectively.

"Sana we could duplicate [those feats], ano?” asam ni Direk Brillante.

SECRET IS HARD WORK. Maraming beses o halos lahat ng nagawang pelikula ni Brillante Mendoza ay napabilang sa iba’t ibang prestihiyosong international film festivals sa buong mundo.

Ano ang sikreto ng tagumpay na ito ni Direk Brillante?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, hard work," aniya.

"Lahat naman, pinaghihirapan. Kahit sabihing gagawin ang pelikula ng ten days, twelve days... Hindi dahil ginawa mo siya nang gano’n, e, ibig sabihin, madalian ang pelikula.

"Isa sa mga kinu-consider mo siyempre bilang independent filmmaker ay ang cost ng paggawa ng pelikula.

“Napakamahal, kaya kailangan mo siyang tapusin in a very short span of time.

"Sa totoo lang, hindi rin komo 12 days shoot yun, yun lang ang span ng concentration mo, o yun lang ang span ng commitment mo sa film.

"Baka times ten siya!" sabi ng premyadong filmmaker.

Paliwanag niya, "Kasi, kailangan mong gawin in ten or twelve days yung lahat ng dapat mong ginagawa in thirty-six days!

"Ibig sabihin, ang concentration mo, dapat i-compress mo siya into ten, twelve days.

“Extra work lahat siya. Kumbaga, lahat ng attention mo, one hundred percent, nandun sa proyektong yun.

"Mahirap ang ganung klaseng sitwasyon, pero nakikita rin naman sa film yung hard work.

"Hindi lang siya basta suwerte ka.

“Yung suwerte nandiyan lang, partly because you have good intentions, you mean well with what you’re doing, with the people that you work with. Kaya sinusuwerte ka rin.

"Other than that, I think, basically, it’s the commitment you give to your work. Hindi lang sa filmmaking kundi sa lahat ng bagay yun."

Isa ring continuous learning process daw ang paggawa ng pelikula at pagtagumpay dito.

"Oo, di ba, sa Masahista (2005), trinay ko lang," sabi ni Brillante tungkol sa una niyang feature film na pinagbidahan ni Coco Martin.

"Sinabmit ko sa Locarno [filmfest in Switzerland], tapos nanalo.

“So, siguro may halong suwerte, at the same time, yung hard work combined."

Sa simulang pagsali sa kumpetisyon sa festivals abroad ng Thy Womb, ano ang mga kaukulang plano ng grupo ni Direk Brillante?

"Wala pa at this time," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkausap na ba sila ni Nora para sa mga gagawing paghahanda?

"Darating pa lang siya, e. Sa 30th [of July] daw ang dating niya," sabi ni Direk Brillante, who is turning 52 years old on that day.

ON THY WOMB. Ibinahagi rin Direk Brillante ang ilang insights tungkol sa Thy Womb, kung saan katuwang sa pagpu-prodyus ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) at ang Solar Films bilang local distributor.

"Hindi siya melodramatic, pero masakit siya sa dibdib... Para sa akin, it’s the emotions na ipinapakita.”

Mahalaga rin ang pagiging authentic ng kuwento, mula sa mga pangalan ng tauhan at iba pang elemento o bahagi noon.

Gumaganap na mag-asawang mula sa lipi ng mga Badjao sina Nora (as Shaleha) at Bembol (Bangas-an), na may kaugnayan sa kuwento nina Mercedes Cabral (Aisha) at Lovi Poe (Mercila).

Ayon kay Direk Brillante, "May soft spot sa akin ang film na ito kasi it depicts the other side of Mindanao.

“Also, this is another side of my filmography.

"Parang it touches not only the soft spot for our Filipino Muslim brothers, but about their inherent cultures.

"Part ng istorya yung ipinapakitang kultura. Hindi siya ginawang parang travelogue o touristic, but it’s more of their [Badjaos] cultures and life story."

Sa lalawigan ng Tawi-Tawi kinunan ang kabuuan ng pelikula.

NORA’S PERFORMANCE. Comparable para kay Direk Brillante ang naging pagganap ni Nora sa Thy Womb sa klasiko niyang performance sa Himala.

"Nasabi ko noon kay Ate Guy, ’Gusto ko yung acting mo sa Himala, napaka-subtle, napaka-natural.’

"E, si Ate Guy, hindi siya nag-exaggerate ng acting niya. Simple, sumusunod siya sa instructions ko."

Pero mayroon daw ginawa si Nora sa Thy Womb na ikinagulat ni Direk Brillante nang kinukunan nila.

"May eksena kasi dito si Ate Guy na first time lang niyang ginawa sa buong buhay niya, na maski ako, kinabahan ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi totoo yun, e. Para siyang nag-stunts!

"At her age kasi, hindi na siya ganung kabata, so delikado yung sitwasyon," pagtukoy ng direktor sa 59-year-old actress.

"Pero talagang ginawa niya. Medyo na-surprise ako doon, at the same time, kinabahan ako.

"Dun ko napatunayan na siya lang ang makakagawa ng ganitong bagay. No actor in her generation has attempted to do it, considering her stature."

Abangan na lang daw ito. At marami rin daw eksenang ginawa si Guy na may kalayaan siya sa pagpili ng atake at gagawin.

"Binibigyan ko siya ng options na i-explore yung character."

Nangyari nga raw ito. Sa isang malaking party/wedding scene, ikinatuwa ni Direk Brillante ang ginawang pagsayaw at pakikipagsaya ni Nora.

Ito raw ay udyok ng pagiging "instinctive actress” ng tinaguriang Superstar.

"At ginamit ko ang eksenang yun sa film. Kinunan namin nang maganda, but it will evoke a different kind of emotion.

"Hindi siya masaya. Tipong nagsasayaw siya, pero hindi siya nagsasaya..." matalinghagang pagtukoy ni Direk Brillante.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN