Dingdong Dantes on his second film for Star Cinema: “Malaking bagay na nakakatawid ako, pero loyal pa rin naman ako dun sa aking original network.”

Pagkatapos ng Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme, dalawang pelikula pa na tampok si Dingdong Dantes ang ipalalabas ngayong taon: ang horror film na Tiktik: The Aswang Chronicles (produced by Dondon Monteverde) at ang adult drama na One More Try (produced by Star Cinema).


Sa event ng isang mamahaling relo, kung saan napiling ambassador si Dingdong Dantes, excited na ikinuwento ng Kapuso actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang upcoming movies.

Una na rito ang horror movie na Tiktik: The Aswang Chronicles, na ginawa nila mahigit isang taon na ang nakararaan.

TIKTIK: THE ASWANG CHRONICLES. Ayon ka Dingdong, sa October na ito ipapalabas, pero hindi pa niya alam ang eksaktong petsa.

Mula ito sa direksiyon ni Erik Matti, para sa produksiyon ng Reality Entertainment ni Dondon Monteverde.

Pagmamalaki ni Dingdong, “So, first time in the history of Philippine cinema, lahat o yung buong pelikula, shot against green screen, chroma lahat.

“Parang yung mga napapanood natin sa mga Hollywood films.

“Pero gusto lang naming sabihin na we can do it, we can also do it the Filipino way.

"It just really needs time.”

Dugtong pa niya, mahirap talaga ang paggawa ng nasabing pelikula dahil umaarte ka na ang nasa paligid mo lang ay isang chroma background.

“Mahirap, e, kasi parang, halimbawa may kaaway ako, aswang, di ba? So, ini-imagine mo may aswang dun.

“E, yung aswang, kini-create nila yun sa computer graphics, di ba? So you should have to make your imagination wide.”

Kasama ni Dingdong sa Tiktik sina Lovi Poe, Joey Marquez, Janice de Belen, Ramon Bautista, at LJ Reyes.

Feeling ba ng award-winning actor ay nata-typecast na siya sa mga horror films?

Bago kasi ang Tiktik: The Aswang Chronicles ay napanood si Dingdong sa suspense-horror film na Segunda Mano, entry sa Metro Manila Film Festival 2011.

Sagot niya rito: “Oo nga, e, pero nagkataon lang siguro.

"Pero when I was a kid, mahilig talaga ako sa mga horror movies.

“Nagkataon lang din, kasi itong movie na ito ay parang perfect material para ma-showcase yung computer graphics, e.

“Kumbaga, fantasy and horror, di ba? Pero binabalanse ko naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron din naman akong ginagawang movie for filmfest naman.”

ONE MORE TRY. Ang tinutukoy ng actor-TV host ay ang MMFF 2012 entry na One More Try.


Dito ay makakasama niya sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, at si Zanjoe Marudo.

Ito ang ikalawang pelikula ni Dingdong sa Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

Ang una niyang ginawa para sa kanila ay Segunda Mano, na co-produced nila ng co-star niyang si Kris Aquino.

Ano ang pakiramdam na nakakatawid siya sa ibang film outfit kahit nakakontrata siya sa GMA-7?

Sagot ng primetime star ng Kapuso network: “Pangalawang beses pa lang naman. Nagkataon lang na naging maganda yung usapan.

“Ako, I feel very lucky na I was given this very rare opportunity, so maganda kasi na nakakasubok tayo ng ibang projects, ibang trabaho, ibang makakasama.

“Kasi maliit lang naman yung industriya. Siyempre, nagkakatulungan tayo.

“Malaking bagay na nakakatawid ako, pero loyal pa rin naman ako dun sa aking original network.”

Kahit na galing sa GMA-7 ang kasama ni Dingdong sa One More Try, na si Angel Locsin, first time lang daw itong makatrabaho ng aktor.

Bagamat nagkakilala naman daw sila noon sa Kapuso network.

Pahayag ni Dingdong, “Nag-abot naman kami sa GMA before, pero never kami nagkatrabaho.

“Nakaka-four days na kami ngayon sa shooting ng pelikula.

“Medyo nagwa-warm up pa lang kami, pero masaya kasi kinunan namin yung mga light scenes.

“As we go along, medyo pabigat na nang pabigat yun, so medyo magandang start yung ginawa namin sa movie.

“It’s an adult drama,” pagtukoy niya sa tema ng kanilang pelikula, na idinidirek ni Ruel Bayani.

DREAM PROJECT. Marami mang blessings ang dumating sa kanya, aminado si Dingdong na may gusto pa siyang gawing mga pelikula na hindi pa niya talaga nasubukan.

“Mga biopic, like Ninoy Aquino. Gusto lang, pero it doesn’t mean that I have to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maganda lang kasi na meron kang inspirasyon, e, na hindi naman kailangang parating gawin mo.

“Pero, to keep me going and para gaganahan ka sa pang-araw-araw na gawain mo," saad ng aktor na hinahangaan ng kanyang direktor na si Erik Matti at ng kanyang prodyuser na si Dondon Monteverde.

Sinabi ni Erik sa isang panayam sa YES! Magazine: "I am a fan."

At sinabi naman ni Dondon sa YES! Magazine rin: "Wala akong masabi ke Dingdong. Wala siyang star complex talaga. Ipinakita namin ang gusto naming gawin sa Tiktik.

"Sabi niya kaagad, ’Sali ako riyan!’ Dingdong gets excited by ideas. Hindi siya iyong gaya ng ibang artista na mas interesado sa billing, sa role, o sa bayad."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN