Jodi Sta. Maria on high ratings of Be Careful With My Heart: "Parang nakakatakot na parang pataas nang pataas!"

"Parang, ‘Saan na tayo pupunta pag na-reach na natin yung todo?’ Yun ang nakakatakot. Pero lagi naming nire-remind ang mga sarili namin, ‘Nandito tayo para magtrabaho. Para i-entertain ang mga tao, so mag-stick tayo dun. Huwag tayong magpaapekto masyado,’" sabi ni Jodi Sta. Maria tungkol sa mataas na ratings ng kanyang pinagbibidahang teleserye, ang Be Careful With My Heart.


Marami ang nagulat at natuwa sa patuloy na pagtaas ng ratings ng Be Careful With My Heart, ayon sa parehong surveys ng Kantar Media-TNS at AGB Nielsen.

Sa Kantar Media, ito na ang nangungunang daytime program, samantalang sa AGB Nielsen ay pumapangalawa ito sa Eat Bulaga!

Hindi inaasahan na ang isang pang-umagang serye gaya ng Be Careful With My Heart ay mainit na tatangkilikin ng tao, lalo na sa timeslot nitong late morning.

Tampok sa seryeng ito ang kakaibang tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.


VERY THANKFUL. Sa thanksgiving party ng Be Careful With My Heart noong Miyerkules, July 25, sa Cerchio Bar and Restaurant sa Quezon City, todo-pasasalamat si Jodi sa consistent high ratings ng pinagbibidahang show.

Saad ng aktres, "Siyempre, napakasaya namin kasi alam namin na yung hard work namin is paying off. Yung puyat, yung halos gabi-gabing taping…

"So, masayang-masaya kami na naging malugod at mainit ang pagtanggap sa amin ng mga viewers

"Nagpapasalamat kami sa pagtangkilik nila sa Be Careful With My Heart. Tumutok lang sila dahil marami silang exciting at masasayang mga eksena na mapapanood."


FEELING THE PRESSURE? Hindi itinatago ni Jodi na may pressure siyang nararamdaman sa papataas pang ratings ng kanilang serye.

"Sa totoo lang, mayroon," patungkol niya sa pressure na nararamdaman.

"Hindi biro, e, kasi parang nakakatakot na parang pataas nang pataas.

"Parang, ‘Saan na tayo pupunta pag na-reach na natin yung todo?’ Yun ang nakakatakot.

"Pero lagi naming nire-remind ang mga sarili namin, ‘Nandito tayo para magtrabaho. Para i-entertain ang mga tao so mag-stick tayo dun.

"Huwag tayong magpaapekto masyado.’"


SUNGIT AND KENGKOY. Ano sa palagay niya ang formula sa ganung kainit na pagsuporta ng publiko sa serye nila ni Richard Yap?

"Siguro kasi, yung contrast. Yung diversity ng characters namin pareho—isang napakasungit at isang kengkoy na makulit na makulit lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro naaaliw ang mga tao sa ganun. And isa pa, napaka-light naman talaga ng story, e.

"Parang naaaliw sila na nasisimulan nila ang morning nang tama. Walang mabigat sa loob, happy-happy lang. Masaya lang," sabi ni Jodi.


HER BIGGEST BREAK. Sa lampas isang dekada na pagiging bahagi ni Jodi ng ABS-CBN, ngayon lang masasabi na nabigyan siya ng sarili niyang programa.

"You know what, sabi ko nga, fourteen years is, wow… fourteen years is fourteen years!

"Siguro, di lang ako nawalan ng pag-asa. I never stopped dreaming.

"I never stopped believing, and I never grew tired of waiting.

"Alam ko isang araw, darating at darating din ‘yan. Hindi man siguro ngayon, but I know one day it will come.

"So yun naman, I think my waiting paid off."

LOVE ANGLE? Happily married ang kapareha ni Jodi sa serye na si Richard Yap, kaya kahit single mom siya ngayon ay malabong ma-link sila.

Patunay raw ito na matalino na ang mga manonood at mas pinapahalagahan na ang ganda ng istorya at husay ng pagganap sa mga karakter.

Para naman kay Jodi, "Siguro, oo. Yung team-up namin is a perfect example.

"Bakit naman ang team-up nila Ms. Dawn [Zulueta] and Mr. Richard Gomez sa Walang Hanggan, nagwo-work din?" pagtukoy niya sa dalawang artistang parehong may sariling pamilya, pero tinatangkilik ang kanilang tambalan.

"Siguro, unlike before na kailangan talaga ng attachment, na pag sinabing loveteam, kailangan mayroon din kayong pagtitinginan sa isa’t isa.

"Siguro ngayon, alam na ng mga tao na yung ginagawa rin naman namin ay trabaho din."

Ano pa ang puwedeng abangan sa kanilang sereye?

"Alam mong napakarami pa, kasi nasa third week pa lang tayo. Matagal-tagal pa ang tatakbuhin ng istorya.

"Siyempre yung aso’t pusa na samahan nila Mr. Lim [Richard] at ni Maya [her character], hindi pa rin mawawala yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Abangan nila kung paano mapapalambot ni Maya ang puso ni Mr. Lim."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN