Eddie Garcia on kissing scene with Rez Cortez in Bwakaw: “It’s just a job, trabaho lang ito.”

Eddie Garcia on giving his all for every project he does: “Hindi naman dahil maliit lang ang role mo, babalewalain mo, hindi! Kailangan pagandahin mo rin kahit gaano kaliit iyon… So, hindi ko binibigyan ng importansiya yung, halimbawa, dahil maganda ang role mo dito, mas lalong pagagalingin mo o ibibigay mo ang lahat. Pare-pareho iyan."


Markadong performance na naman ang ipinamalas ng beteranong aktor na si Eddie Garcia sa Bwakaw, isa sa kalahok sa Directors’ Showcase category ng 8th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Dahil dito, maugong ang pangalan ni Eddie na isang strong contender para sa Best Actor award sa naturang annual indie filmfest.

Nagpapasalamat naman ang 83-year-old actor sa mga nagbibigay ng magagandang komento sa kanyang pagganap sa pelikulang ito ni Jun Lana.

“Well, maraming salamat, maraming salamat din sa nagsasabi na isa tayo sa contender para makakuha ng award,” nakangiting sabi ng beteranong aktor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ano ang reaksiyon ni Eddie sa sinasabi ng iba na ibinigay niya ang lahat ng kanyang makakaya sa pelikulang ito?

“Hindi, kasi ako naman, sa lahat ng roles ko, kahit gaano kaliit ay talagang ibinigay ko ang lahat ng aking makakaya.

“Because that’s the best recommendation for your next project.

“Hindi naman dahil maliit lang ang role mo, babalewalain mo, hindi! Kailangan pagandahin mo rin kahit gaano kaliit iyon…

“So, hindi ko binibigyan ng importansiya yung, halimbawa, dahil maganda ang role mo dito, mas lalong pagagalingin mo o ibibigay mo ang lahat.

“Pare-pareho iyan,” diin niya.

Bagamat hindi pa raw niya napapanood ang ibang entries sa Cinemalaya, ini-encourage niya ang publiko na panoorin at tangkilikin ang mga ito.

Sabi ni Eddie, “I’m glad that a lot of people are supporting Bwakaw. And I hope a lot of people will support all the Cinemalaya film festival entries.

“Not only Bwakaw, but all the indie films, and the mainstream films."

BWAKAW. Tungkol ba saan ang Bwakaw?

“Itong pelikulang Bwakaw, mayroon itong drama, may comedy.

"Istorya rin ito ukol sa pagmamahal sa aso at isang matandang bading na 75 years old na, kaya pinaghandaan na niya iyong kanyang kamatayan.

“Bwakaw yung pangalan ng aso, kasi hindi ba, kasabihan iyan, iyong matakaw, ang tawag ay bwakaw?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, iyong aso, kung minsan ay matakaw sa pagkain, e. Kaya bininyagan ko siyang Bwakaw.”


A DOG AS HIS CO-STAR. Paano niya pinaghandaan ang role sa Bwakaw, lalo’t ang madalas niyang kaeksena ay isang aso na nagngangalang Princess?

“Alam mo ang isang artista, trabaho lang iyan, e.

“Kahit na ano’ng role ang ibigay sa iyo, kailangan ay paghandaan mo. Kahit na gaano kaliit ang role, trabaho iyan e.”

Mahirap bang umarte kasama ang aso?

“Hindi naman, matalino naman iyong aso, e, mas matalino pa nga kaysa sa ibang tao, e!” nakatawang pahayag niya.

“And kami, bago nag-shooting ay about four times muna kaming nag-bonding ni Princess.”

KISSING SCENE WITH REZ. Sa pelikula, tatlong beses hinalikan ni Eddie ang co-star niyang si Rez Cortez habang natutulog bunga ng kalasingan.

Hindi ba siya nagdalawang-isip na gawin ito?

“Hindi naman, kasi the script calls for it.

“And hindi ito ang first time, kasi nagawa ko na rin ito before sa Tubog Sa Ginto [1971] with Mario O’Hara.

“So, it’s just a job, trabaho lang ito,” seryosong pahayag niya.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Rez, sinabi niyang walang daya ang eksena nilang ito ni Eddie.

Aniya, “Walang daya sa kissing scene namin ni Manoy Eddie.

“We’re so comfortable with each other, na hindi na kami nagkakahiyaan sa mga eksena.

“Remember, pareho kaming taga Bicol, mga Uragon.

“I highly respect the guy kaya I gave him all the support that I could give.”

CINEMALAYA. Sakaling may offer ulit sa kanya, handa raw gumawa ulit si Eddie para sa Cinemalaya—bilang aktor or direktor man—kahit na raw maliit lang ang talent fee rito.

“Oh, yeah, yeah… hindi naman kasi pinag-uusapan ang talent fee, e.

“Dito sa Cinemalaya ay masaya, in the sense na sinasabi na nga lagi na ito ang nagpapasigla ngayon sa naghihingalong industriya ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dito, hindi pinag-uusapan ang talent fee. You can do it for a song, basta maganda ang project.

“Malaki man ang diperensiya sa talent fee compared sa mainstream, dahil kaunti lang naman ang budget ng indie films.

"Barya lang, e, pero happy na ako basta maganda ang project.

“Mas importante na maganda ang project.”

Mayroon pa ba siyang papel na hindi pa nagagampanan?

“Hindi ko na iniisip iyon. Kung ano ang ibigay sa akin, iyon, e.

“Hindi ako nag-iisip na itong role ang gagawin ko, dahil kung hindi naman matutuloy, it’s just a waste of time.”

Sa palagay niya, paano napupulsuhan kung anong tema ng pelikula ang "in" o kakagatin ng publiko?

“Kung ano ang nagugustuhan ng mga tao, iyon ang ’in.’

“Kaya hindi ka naman puwedeng gumawa ng puro horror-horror, dahil magsasawa naman ang mga tao. Kailangan ay may variety," sabi ng veteran actor.

STILL STRONG AT 83. Gaya ng nabanggit, 83 years old na si Eddie.

Sampung buwan nga lang ang pagitan nila ng Comedy King na si Dolphy, na sumakabilang-buhay noong July 10, 2012 sa edad ding 83.

Pero kung titingnan ang pangangatawan ni Eddie ay hindi iisiping ganun na ang edad niya.

Kaya marami ang gustong malaman kung ano ang kanyang sikreto pagdating sa usaping ito.

“Sikreto? Wala!” nakangiting tugon ng beteranong aktor.

“Wala naman akong sikreto talaga. Basta, happy life, you eat the food na hindi masyadong masama sa katawan mo, you exercise…”

Biro namin, dapat ba ay maging active din ang sex life para humaba ang buhay?

“Well, if you feel like it, pero huwag mong pilitin kung hindi. Huwag dapat haluan ng kung ano-anong gamot,” sabi niya.

So, hindi niya kailangan ng viagra?

“Ako, hindi ako naggaganyan, e. Kung gustong lumaban ni manoy, e, di ayos.

“Kung hindi naman, e, di meme [sleep] muna siya!” tawa niya.

Dagdag pa ni Eddie, “Kasi kung kundisyon naman si manoy, napi-feel naman iyon, e!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN