Richard Yap on his rising popularity: "I don’t think of myself as popular. I just like to keep it out of my head, nagtatrabaho lang tayo.”

Pagkatapos ng matagumpay niyang pagganap bilang ama ni Kim Chiu sa My Binondo Girl, si Richard Yap ay gumaganap ngayon bilang isang biyudo sa Be Careful With My Heart, katambal si Jodi Sta. Maria.


Sa loob ng isang taong pag-ere ng ABS-CBN primetime series na My Binondo Girl, nakalikha ng pangalan sa showbiz at nakakalap ng maraming tagahanga si Richard Yap.

Unang nakilala ang businessman-commercial model sa pagganap niya bilang Papa Chen, ama ng bidang si Kim Chiu, sa My Binondo Girl.

Ngayon, may bagong karakter naman siya bilang si Mr. Richard Lim daytime series na Be Careful With My Heart.

Sa thanksgiving party ng Be Careful With My Heart noong Miyerkules, July 25, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard kung hindi ba siya nagugulat sa bilis ng takbo ng kanyang career.

Sagot niya, “I think I was just lucky to be here at the right time.

"Siguro, destiny talaga, believe in faith, the Lord will take you to places.

“So I don’t think of myself as popular. I just like to keep it out of my head, nagtatrabaho lang tayo.”

HIGH RATINGS. Malaki naman ang pasasalamat ni Richard sa patuloy na pagtaas ng ratings ng Be Careful With My Heart.

Nagtala ang programa nilang 23.4 percent rating sa Kantar Media-TNS noong July 23 dahil sa suportang binibigay dito ng publiko.

Sabi ni Richard, “We’re really very happy kasi sobrang blessings yung ratings namin.

“We were expecting na 15… 16… okay na yun sa amin, pero 23 [percent]! So, it’s really a blessing for us.

“Thank you to all the viewers and all the fans, all the supporters.

"Thank you so much for watching us, for giving us ratings na talagang mataas.

“We hope that you continue supporting us kasi mahaba pa ang istorya—marami pang mangyayari.”

Hindi ba siya nape-pressure sa patuloy na pagtaas ng naitatalang ratings ng show nila?

“Kami, we don’t do this for the ratings. Ang ginagawa namin, go with the formula that we have because this is working," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


REEL AND REAL. Ang pagiging light at masayang takbo ng istorya ng Be Careful With My Heart ang isa sa nakikitang rason ni Richard sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa teleserye.

Para sa aktor, patunay rin ito na tanggap ng publiko na wala silang relasyon sa tunay na buhay ng kapareha niya sa serye na si Jodi Sta. Maria.

Pamilyadong tao na si Richard, samantalang si Jodi naman ay may anak na bagamat hiwalay sa kanyang mister na si Pampi Lacson.

Sabi ni Richard, “It makes people feel good… Yun ang gusto ng mga tao because they want to feel good, hindi yung mabigat sa loob.

“I think nakikita nila, they can separate the reel from the real.

“Now they can understand what we portray is different from what we are in real life."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN