Vhong Navarro chooses to keep current relationship private: "Ayokong mabulabog siya. At least, nakakagalaw siya nang tama.”

Minabuti ni Vhong Navarro na bawasan magdetalye tungkol sa kanyang lovelife dahil gusto raw niyang protektahan ang karelasyon. Gusto rin niyang nakakagalaw nang tahimik ang girlfriend. Ang pananaw naman niya sa open relationship: “Karamihan ng open na relationship, nako-close—for renovation.”


Medyo masikreto na ang dancer turned comedian na si Vhong Navarro pagdating sa usapang lovelife ngayon.

Pilit tuloy itinanong at kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vhong tungkol dito nang makausap siya sa taping ng Toda Max noong nakaraang linggo.

Ang Toda Max ang sitcom nila nina Robin Padilla, Angel Locsin, at Pokwang sa ABS-CBN tuwing Sabado ng gabi.

Ayon kay Vhong, “Masaya naman. Ayoko lang pag-usapan. Kasi, hindi naman showbiz. Nananahimik siya.

"Ayokong mabulabog siya. At least, nakakagalaw siya nang tama.”


IN A RELATIONSHIP. May apat na taon na rin daw sila ng kasalukuyan niyang girlfriend.

“Ayoko na lang banggitin kasi, gusto ko, nakakagalaw siya nang tama kahit saan siya magpunta.

“Gusto ko ganoon siya ka-relax. Cowboy siya, e.

“Kaya nga ako, kapag nagpapa-interview, ayokong sinasabi ang pangalan niya, di ba?”

Puwede bang sabihin na iyon ang formula niya ngayon: magtagal ang relasyon at maging tahimik?

“Mas maganda na ganyan na lang. Karamihan ng open na relationship, nako-close—for renovation," biro niya.


ANOTHER MARRIAGE? Na-annul na ang kasal ni Vhong sa dating aktres na si Bianca Lapus. Mayroon silang isang anak.

Sa bagong relationship niya ngayon, naiisip ba ni Vhong na magpakasal ulit?

“Hindi pa, e,” sagot niya.

“Hindi ko pa naaano ulit. Dati kasi, sabi ko sa sarili ko, ‘After na ma-grant ang annulment, five years [magpapakasal na ako].

“Pero, hindi pa, e. Ayoko rin naman na kapag nandoon na...

"Gusto ko kasi, kapag nandoon na, sure na sure na ‘ko.”

Pero nilinaw ni Vhong na baka iba ang maging dating sa present girlfriend ng “sure na sure” at sabihing “hindi pa sigurado.”

Paglilinaw ng mahusay na komeydante/dancer/host: “Ayoko lang nang pabigla-bigla. Mas maganda yung sinusorpresa mo na lang ang isang tao.

“Yung ako mismo, ’Okay na ‘ko!’ Kasi ang iniisip ko, ako, hindi ang kapareha ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya na-trauma siya sa unang marriage?

“Kaya nga siguro ano… may flashback. Papasok ’yan.

“Kaya naman siguro ako, hindi pa ako ready kasi nandiyan ‘yan, e… bumabalik."

RENEWABLE MARRIAGE. Nasabi rin ni Vhong minsan na sana ay renewable ang kasal, kahit every five years man lang.

Paliwanag niya, “Alam niyo kung bakit? Kasi, ang iba, napipilitan na magsama.

"So, sino ang niloloko niyo?

“Kasi, hindi naman yung mga bata ang niloloko niyo—sarili niyo."

Dugtong niya, “Pero ako, naaawa lang ako sa magkarelasyon na napipilitang magsama dahil sa anak nila…

“Na, at the end ang niloloko nila, ang anak nila. Kasi, ipinapakita nilang okay sila, pero hindi sila okay.”


RECOGNIZING HIS CHILDREN. Dalawa ang anak ni Vhong, isa kay Bianca at isa sa isang nakarelasyon na hindi taga-showbiz.

Ikinuwento ni Vhong na minsan ay may nagsabing anak niya, pero nang ipa-DNA test, hindi naman daw nag-positibo.

“Ako naman kasi, sabi ko, ipa-DNA natin. Babae yun, mas matanda sa lahat.

"E, ako, naawa ako sa bata kasi baka kinikilala nga ako.

"Sabi ko, ‘DNA muna.’ Gusto kasi ng nanay, kilalanin na agad.

“Mahirap namang kilalanin na hindi taus-puso. Unfair rin sa panganay ko na pina-DNA test ko yun.

“Yun talaga, lumabas talaga. Pero five years ago pa yun.”

Wala bang bagong nagpaparamdam sa kanya ngayon at nagsasabing anak niya?

“Wala!” natatawang sagot ni Vhong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN