Artista Academy host Marvin Agustin welcomes competition from GMA-7’s Protégé: "Pagandahan na lang ng show."

Si Marvin Agustin ang tatayong reality host ng bagong artista search ng TV5, ang Artista Academy. Ang sabi ni Marvin tungkol sa contestants: “Grabe naman ang pinagdaanan nila! From Araneta Coliseum audition na more than 13,000, tapos naging 178, tapos naging 75, and then naging 16. So, kung talagang sala at sala lang, isipin na lang ninyo. So, eight boys and eight girls."


Excited na si Marvin Agustin sa pagsisimula sa Lunes, Hulyo 30, ng reality artista search ng TV5, ang Artista Academy, kung saan tumatayo siyang reality host, kasama si Cesar Montano bilang live exam presenter.

Bahagi ito ng bagong primetime programming ng Kapatid Network, na sabay nag-launch sa gabing iyon ng tinaguriang “eco-fantasya” ng TV5, ang Enchanted Garden.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Marvin sa solo presscon na ibinigay sa kanya ng TV5 kahapon, Hulyo 27, sa pag-aari niyang restaurant sa Gateway Mall, ang Sumosam.

Masayang ibinalita ng actor-TV host na napili na ang 16 finalists ng Artista Academy na maglalaban para sa titulong Best Actor at Best Actress, kasama na ang kabuuang papremyo na nagkakahalaga ng P20 million.

“Lahat sila, of course, may potential.

“Grabe naman ang pinagdaanan nila! From Araneta Coliseum audition na more than 13,000, tapos naging 178, tapos naging 75, and then naging 16.

“So, kung talagang sala at sala lang, isipin na lang ninyo. So, eight boys and eight girls.

“Yung mapapanood niyo sa Monday hanggang Friday, yung sa Araneta pa yun.

“Then makikilala niyo yung 16 sa Saturday [August 4] sa live presentation,” sabi ni Marvin.

CELEBRITY KIN. Kasama ang PEP sa mga press na naging saksi sa Artista Academy grand audition sa Smart Araneta Coliseum noong June 19.

Kaya nakita rin namin ang pagsali sa audition ng ilang kamag-anak ng mga kilalang celebrities, gaya na lang ng kapatid nina Aljur Abrenica at Gerald Anderson.

Sumali rin ang dati nang artista na anak ni Alvin Patrimonio, si Angelo Patrimonio.

(CLICK HERE to read related story.)

Ang tanong tuloy kay Marvin: may nakapasok ba sa napiling final 16 sa mga kamag-anak ng celebrities?

“Well, sa dami naman ng mga nag-audition, puwede naman nating sabihin. Yes, meron.

“Pero hanggang doon lang muna ha, para naman panoorin niyo!” sagot niya.

Naging consideration ba sa pagpili na kamag-anak sila ng celebrity?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No, not at all.

“Siyempre, kahit kapatid ka ng artista, kung wala kang K [karapatan], e, di wala rin.

“It was never in the criteria na kung kapatid ka ng artista ay papasok ka.

“So, yung pumasok, sure yun na talagang may potential.”

NO SAY IN JUDGING. May say ba siya sa pagpili ng matatanggal o kahit yung mananalo sa show?

“I’m more on hosting the show, e. Sa kanila [advisers at judges] na yung hirap ng trabaho na yun.”

Ang Artista Academy advisers ay kinabibilangan nina direktor Joel Lamangan for acting, musician Louie Ocampo for voice and singing, at choreographer Georcelle Dapat for dancing.

Ang judges naman ay binubuo ng mga aktres na sina Lorna Tolentino at Gelli de Belen, kasama ang direktor na si Mac Alejandre.

Ayon kay Marvin, ang hirap kasi kung sasali siya sa pagdya-judge, lalo na’t magkakaroon siya ng personal attachment sa mga finalists, bilang siya ang kasama ng mga ito sa kanilang journey to stardom.

“Kaya hindi ako puwedeng bumoto or to tell them kung sino ang gusto ko.

“May kanya-kanya kaming roles sa Artista Academy. Ako, is really to host and to be with them, gabayan sila, makinig sa kanila.”

REAL ARTISTA SCHOOL. Ang malaking kaibahan daw ng Artista Academy sa ibang artista search ay ang pagkakaroon nito ng totoong paaralan, kung saan papasok ang 16 finalists.

“Ito ang kauna-unahang may totoong school na talagang hahasa sa kanila. Yung Asian Academy of Television Arts (AATA) ni Tita Wilma [Galvante].

“So, kauna-unahan siyang reality show na talagang may school na gagabay sa kanila. Ito, formal training talaga.

“That’s where they will spend most of their time talaga kung wala yung Saturday [live exam day]. Susundin sila araw-araw ng school bus.

“Kasi uuwi sila, e. Hindi sila yung parang nakakulong na doon lang sila at hindi nila alam ang nangyayari sa labas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Uuwi sila sa bahay-bahay nila, at yun ang isa pang una sa reality show, na susundan sila ng cameras para makita ng tao ang buhay nila pagkatapos sa Academy.

“And then, susunduin sila every day ng bus at ihahatid sila sa Academy. Ganun yung routine nila.”

GETTING TO KNOW THE CONTESTANTS. Unti-unti na rin daw nakikila ni Marvin ang mga contestant.

“Actually, kanina nag-voice over ako ng one week [worth of episodes]. So, na-refresh ako ng mga istorya.

“Yes, malalalim ang mga istorya nila,” sabi ng actor-businessman.

Sa mga kuwento ng buhay ng contestants, kaninong istorya ang pinaka-naantig si Marvin?

“Yung isa, natuwa ako sa determination nung isa. Natulog siya sa labas ng Araneta the day before [the audition], just to make sure na makakasali siya.

“Hindi ko lang ma-reveal kung kasama siya sa 16. Babae yun. Sumali siya sa Wil Time Bigtime.

“Tapos meron namang umuwi dito galing ibang bansa. Tapos namatay yata yung nanay niya, tapos napalapit siya sa ama niya. Eto naman, lalaki.

“Mostly, actually, you know like many Filipinos, ang istorya talaga nila ay pamilya at ang pangarap nila hindi lang para sa sarili nila kundi pangarap nila para sa pamilya nila. Mabago yung buhay, ganyan.

“Nakaka-relate ako kasi kaya ako nag-artista dati dahil sa same reason.”

ARTISTA ACADEMY VS. PROTÉGÉ. Samantala, hindi naman nababahala si Marvin kahit pa naunang umere sa telebisyon ang kakumpitensiyang artista search ng Artista Academy sa GMA-7, ang Protégé.

Nagsimula na kasi ang Protégé noong Hulyo 23.

“Well, pagandahan na lang ng show. Of course, kailangan naming gandahan yung show namin,” tila naghahamong biro ni Marvin.

Biniro rin ng press si Marvin na “kalaban” niya sa Kapuso artista search ang dati niyang ka-loveteam na si Jolina Magdangal, dahil isa ito sa mga mentors ng Protégé. Ano ang masasabi niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, mentor siya. Host-slash-adviser ako. May slash ako!” sabay tawa nang malakas ni Marvin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN