Diether Ocampo starts dating non-showbiz girl after two years of being without a girlfriend

“Parang sa isang tao, kung matagal kang di ka nakikipag-date, when you started dating again, parang it’s something na very refreshing,” says Diether Ocampo on being seen in public again, this time with a non-showbiz girl.


Matagal-tagal na ring walang nababalitang bagong girlfriend si Diether Ocampo.

After his breakup with Rima Ostwani, wala nang na-involve pang ibang babae sa aktor.

Dalawang taong naging magkasintahan sina Diether at ang commercial model na si Rima. Naghiwalay sila ng landas nung 2010.

Nabalita kamakailan na finally raw ay may bagong inspirasyon si Diet—isang non-showbiz girl na madalas ay kasa-kasama ng aktor sa showbiz gatherings.

Nakita raw ito na kasama ni Diether nung nakaraang Linggo, July 22, sa ASAP 2012, nang mag-guest ang aktor para sa kanyang birthday celebration sa show.

Sa premiere night ng Benchingko nitong nakaraang Biyernes, July 27, kapansin-pansin ang isang non-showbiz girl na kasama ni Diether.

Agad na kinausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Diet upang kumpirmahin kung ito na ba ang sinasabing bagong girlfriend niya ngayon.

Ngunit bago magsalita tungkol dito, nagpahayag muna ng kagalakan ang 39-year-old na aktor tungkol sa nangyayari ngayon sa kanyang career.

“I’m happy doing a lot of things. Happy na nag-evolve tayo sa industriya,” banggit muna niya.

“I met a lot of new friends that I’m working with now, magawa yung mga dating di ko akalain na magagawa kong proyekto. I’m very happy.”

Nang usisain pa rin ng PEP ang tila itinatagong kasamang babae, itinanggi ng aktor na may itinatago siya.

“Paanong tago? Di ko naman tinatago, di naman.”

Nang tanungin ng PEP ang pangalan ng kasamang babae, nakiusap naman ang aktor.

“Pagbigyan n’yo na ako, birthday ko naman.

"I could say na ito yung parte ng buhay ko na I try to discover new things, di ba?

“Parang, sa isang tao, kung matagal kang di ka nakikipag-date, when you started dating again, parang it’s something na very refreshing,” nakangiting pahayag ng aktor.

PREPARING FOR MARRIAGE. Aminado naman niyang hindi siya bumabata, kaya agad na tinanong ng PEP kung bukas ba siya sa pagpapakasal muli?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Galing na kasi ako diyan, e. This time I really want to prepare. I don’t want to make the same mistakes.

“Hindi ko sinasabing mali yung nangyari dati, pero marami akong natutuhan dun.

“So, this time, I really need to prepare for that.”

Biro pa ni Diether, hindi naman daw siya na-trauma sa nangyari sa kanya. “Ok yung experience na yun. Subukan n’yo.”

Matatandaang nagpakasal sa pamamagitan ng civil marriage sina Diether at ang kasintahan nito noon na si Kristine Hermosa nung September 21, 2004.

Ngunit nung June 21, 2005, nag-file ng petition for court nullification si Kristine upang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Diether.

Nung 2007, nag-isyu ng Resolution ang Mababang Korte pabor sa petisyon ni Kristine, na kinontra naman ng isang apila mula sa opisina ng Solicitor General.

Naglabas ng final decision ang Court of Appeals nung January 30, 2009, na nagdedeklarang “null and void” ang kasal nina Kristine at Diether.

Si Kristine ay asawa na ngayon ni Oyo Sotto, at kaluluwal lang ni Kristine sa una nilang anak.

(CLICK HERE to read related story.)

APOY SA DAGAT. Kumpirmadong kasama si Diether sa sisimulang ABS-CBN teleseryeng Apoy Sa Dagat, kung saan makakasama niya sina Angelica Panganiban at Piolo Pascual.

Ayon kay Diet, naaantala lang ang pagsisimula nila ng trabaho dahil sa pabagu-bagong timpla ng panahon.

“We’re supposed to start, pero nag-uuulan ngayon, e. Medyo na-move yung schedule, pero ok naman.

“I’m very excited kasi, siyempre, matagal na tayong di nakagawa ng teleserye.

“Actually, it’s my first time na makakasama ko si Piolo.

"Si Angelica, matagal ko na siyang nakatrabaho.

"But it’s a totally different genre with P [palayaw niya kay Piolo], kaya marami kayong aabangan.”

Bukod sa ASAP at sa grupo nila noon na The Hunks, nagkasama sina Diether at Piolo sa comedy show na Bora: Sons of the Beach, nung 2005.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DIET IN POLITICS? Noon pa usap-usapan na may balak tumakbo sa pulitika si Diether.

Aktibo si Diet sa grupo niyang Kabataan Inyong Dapat Suportahan (KIDS) Foundation, na kumakalinga sa mga kapus-palad na kabataan sa Metro Manila.

Tatakbo nga ba siya for public office sa darating na 2013 election?

“Well, matagal na… Pero dito ako kailangan sa industriyang ito, that’s why I want to contribute more sa industriya natin ngayon.

“Just make sure we can come out with better movies, better projects to watch."

HIS BIRTHDAY CELEBRATION. Kumusta naman ang naging selebrasyon ng kanyang kaarawan nung July 19?

“Iba yung celebration, very intimate, with family and friends,” sagot agad ni Diet.

“Masaya, siyempre. Ilang years na rin ba tayo sa industriyang ito, di ba? I still get excited every time I celebrate my birthday.

“I like to be surrounded with very exciting people, and meeting new friends,” pagtatapos ni Diether.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN